CHAPTER THREE

209 7 0
                                    

Nagsidatingan na rin ang mga boys dala ang mga order namin.

“Here Ela” sabi sa akin ni Enrique sabay lapag ng pinggan at isang basong ice tea sa mesa.

“Thanks” sabi ko.

Saka na kami kumain.

Makalipas ang ilang sandali ay nagsalita si Katj

“Magkakilala pala kayo ni Ela” -- Kath

“Kanina ko lang siya nakilala” – Enrique

“That’s nice” –Kath.

“Uhm guys, I need to go na ha. May practice pa kasi ako sa Theatre club eh” sabi ni Nikka.

“Samahan na kita” sabi naman ni Seth.

“Sige guys. Alis na kami” paalam ni Nikka sa amin.

At saka na sila umalis.

“Ako rin aalis na rin ako. May practice din ako sa taekwondo. Halika na Baby” sabi ni Gab kay JC.

Tumango naman si JC. “SIge mga bregs. Alis na kami ni Gab.”

“Bye guys. See you tomorrow ha” sabi ni Gab saka na sila umalis.

“What time klase mo Ela” tanong sa akin ni Kath.

“Maya pang 3 pm.”

“Ang Tagal naman” sabi ni Zen.

“kaya nga eh. Kayo ba?” tanong ko.

“Maya maya klase na namin” sagot ni Zen.

“Ikaw Kath?”

“Half day ako ngayon. May taping kasi kami ni DJ mamaya eh” sabi ni Kath.

Tumango na lang ako. hay hirap buhay artista. Matapos pumasok sa klase sa acting naman sasabak. Buti di ako artista hahaha.

“Pano ba yan. I need to go. May klase na ko eh” paalam sa amin ni Zen.

Tumango na lang ako. Umalis na si Zen, sumama na rin si Lester. Kaya kami nina Kath, DJ, Enrique at Kats ang naiwan.

“Ikaw Kats, wala ka pang klase?” tanong ni DJ kay Kats.

Umiling si Kats at saka tumayo.

“Breg, San ka pupunta?” tanong ulit ni DJ.

“Dyan lang” sagot ni Kats.

Tinignan ko si Kats habang naglalakad ito palayo. Wala na yong dating Kats na nagustuhan ko na palangiti at masayahin nagbago na sya. Sobrang nagbago.

Naramdaman kong hinawakan ni Enrique ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya. Nginitian niya ako.

Ngumiti na rin ako.

“Kath halika na. nagtext si Mama kelangang na nating pumunta sa location ng taping natin” sabi ni DJ.

“Sige guys. Una na kami ha. kita na lang tayo bukas” sabi ni Kats at saka na sila umalis ni DJ.

“You look sad” sabi ni Enrique ng makaalis na sina DJ at Kath.

Tumingin ako sa kanya. “Ba’t mo naman nasabi?”

“Halata eh” sabi nya at saka kinurot ang pisngi ko.

Wanted: Perfect Girlfriend (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon