CHAPTER SEVEN

149 7 0
                                    

Naglakad kami ni Katsumi kahit madilim na kahit paano ay may ilaw naman. Nasa unahan ko siya habang naglalakad.

Naghahanap kasi kami ng pwedeng kainan eh.

Nakita namin yong bukas na Seven Eleven. PUmasok kami roon.

Buti na lang kukunti yong tao.

Umupo kami sa may tabi ng binatana. Nang tignan ko si Katsumi ay naka-shades na siya. Suot parin niya yong bonnette niya.

“Girls tignan mo oh. Gabing gabi na naka-shades parin” sabi ng isang babae sa mga kaibigan nito.

“Hahaha if I know, baka kirat siya hahaha” sabi ng isa habang tumatawa.

“Sayang naman kung ganon. Tignan mo ang puti niya at mukhang gwapo”

“You bet” sabi ng kasama nito.

Nakita kong tumayo si Katsumi  kaya sinundan ko siya.

Kumuha siya ng cup noodles at tubig. Kumuha rin ako ng isa tas kumuha ako ng isang siopao tas isang coke in can.

YUM! YUM! Di ako gutom sa lagay na yan ha hahahaha.

Pumunta na kami sa cashier at binayaran ang binili namin. Akalain mo yun nilbre niya ako.

Bumalik kami ulit doon sa mesa.

Tahimik kaming kumakain. Para kaming di magkakilala eh.

After ng ilang taon este ng ilang minute tapos na kaming kumain.

“Let’s go?” tanong nito.

Tumayo na kami tas umalis ng seven eleven.

Naglakad ulit kami. Halos walang dumadaang jeep eh. pano ako uuwi nyan.

Syempre nasa unahan ko na naman siya.

Tumabi ako sa kanya.

“Ah, Katsumi, thanks pala kanina sa libre”

Tinignan lamang niya ako saka tumango. Saka tumingin ulit sa unahan.

Napahinto kami sa nilalakaran namin ng may tatlong lalaki na mukhang tambay at adik ang hmarang sa dinaraanan namin.

“Holdap to” sabi ng isa na may kulay pula ang buhok.

“Akin na yong pera nyo” sabi naman ng isa na nakataas ang lahat ng buhok.

Agad akong hinarangan ni Katsumi na parang ginagawang shield yong sarili niya.

“Akin na?!” utos ng lalaking mukhang di pa yata naliligo eh.

Lumapit yong lalaki kay Katsumi pero agad na sinuntok ni Katsumi ang mukha nito.

“P*t*ng-*n*!” sabi ng lalaki habang sapo ang natamaang mukha.

“G@g* pala to eh” sabi naman ng may kulay ang buhok at saka na nilapitan ang kasama nitong unang lumapit kay Katsumi.

Nakita kong ngumisi yong lalaking sinapak ni Katsumi.

“Palaban tong lalaki mga brod” sabi nito.

Nakita kong tumingin ito sa dalawa kasama nito at parang may binigay na signal.

Doon ako natakot ng biglang lumapit ang dalawa sa amin ni Katsumi.

Hiawakan ng lalaki ang braso ko at pinipilit ilayo kay Katsumi.

“Ano ba! Bitawan mo nga ako!” pasigaw na sabi ko.

Bwesit bakit kasi ngayon pa nawalan ng mga taong dumadaan at mga sasakyan.

Wanted: Perfect Girlfriend (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon