Chapter Four

0 0 0
                                    

Travis POV

Nagyaya na pumasok na si Xander sa loob kasi nagugutom na daw siya, eh parang nakain na kami ng tinapay dun sa gilid e. What a hungry monster. Kaya naman napailing nalang ako sa kanya. Hindi ako sumunod sa kanya sa loob since gusto ko din magpahangin at bigla kong naalala si Chloe kaya naman pinuntahan ko yung direksyon nila kanina. Nung medyo malapit na ko e, napatigil na agad ako dahil sa nakikita ko.




Si Mike ba yun? At baket niya yakap yakap si Chloe? Kelan pa siya nakauwe? That guy! Arrrg! He always my nerve out! Kaya naman lumapit na agad ako sa kanila, kaya naman napakalas si gago sa pagkakayakap kay Chloe.




"Dude" sabe ko nalang kay Mike. We're bestfriend before. Before she hurt Chloe.




"Travis" hindi ko gusto tingin netong lalakeng to kay Chloe. Parang pinaplano, pero hindi ko na siya hahayaan kung ano mang pinaplano niya. Never!



"What are you doing here? And why you come back?" Matigas kong tanong kay Mike sabay akbay kay Chloe na ikinatingin sakin ni Chloe, at ikinatingin ni Mike sa kamay ko na nasa balikat ni Chloe. At tinignan naman niya ko ng masama.





"Yung totoo? I want Chloe back" sabe naman niya na ikinayukom ng kamao ko. Not that fast boy. Not that fast.




Chloe POV



I want Chloe back..


I want Chloe back..


I want Chloe back...


I want Chloe back...



Waaa! Pwede na bang mabaliw? Hindi maalis sa utak ko yung sinabe ni Mike kanina. Arg! Di ba dapat wala na lang siya sakin? Dapat galit ako sa kanya kasi basta basta nalang niya ko iniwan. Pero baket walang nangyare? Bukod sa na aawkwardan ako sa presensya niya. Waa! At eto namang si Travis may pag akbay akbay pang nalalaman kanina! Waaa!! Mababaliw na talaga ako!!




"Sweetie? Are you okay? Hindi mo ginagalaw yung pagkaen mo" pagtatanong ni Tita sakin na ikinabalik ng pagkatao ko kaya naman nginitian ko agad si Tita to make sure i'm fine kahit nababaliw na ko.




"Ah yes tita. Hindi lang po ako gutom" sabe ko naman kay tita at ininom ko nalang yung juice ko.






"You sure? You look worried and look pale" sabe pa ni tita, ganon ba ko ka obvious. Kagaya kanina e nginitian ko nalang ulit si tita.





"I'm alright tita. I'm fine" sabe ko kay tita na ikinangiti nalang niya din, napatingin naman agad ako kay Travis na nakatingin din sakin ng malalim, ugh. Para kong malulunod sa tingin niya e.




"So chloe. Do you have a boyfriend?" Biglang tanong ni Xander na ikinabulunan ni Travis at ikinatingin ko sa kanya. Bigla ko naman agad naisip si Mike. Ugh! Why i'm thinking him? Eh hindi ko naman siya boyfriend. Geeez.





"Ah. W-wala" sagot ko nalang kay Xander sabay yuko. Baket ba kasi sa lahat ng pinsan ni travis e nauna tong si Xander? May pagka chismoso kasi tong isang to e.





"That's great. So pwede akong manligaw?" Napatingin naman agad ako bigla ulit kay Xander at bigla niya din ako kinindatan. Napansin ko naman na ang sama ng tingin ni travis kay Xander, at si tita naman e nabibilaukan na kaya naman binigyan siya ng tubig ni tito. Seryoso ba to si Xander?



"Are you serious?" Tanong ko naman sa kanya na ikinangiti niya ng malawak.


"Yes. I'm damn serious chloe. I like you. So is that a yes?" Seryosong sabe ni Xander sakin na ikinatingin ko ulit kay travis na namumula na yung tenga. Ugh?


"A-ahm.. a-are y-you that serious?" Pagtatanong ko ulit na ikinatawa naman ni xander



"I just said it chloe. I'm serious. Gusto kitang liga----"



"No!!" Napatingin naman agad kaming lahat kay Travis na bigla biglang nasigaw. Anong problema niya?



"Ah. Anong No? Eh ako yung tinatanong travs?" Sabe ko naman sa kanya na ikinahawak niya nalang sa batok niya at yumuko. Anong problema niya? Bigla naman akong napatingin kay xander na kaninang seryoso e ngayon nangiti na. Problema nila?



"Go ahead son" napatingin naman ako kay tita dahil sa sinabe niya. Seriously? Nahihilo na ko dito, di ko na alam kung kanino ako titingin hay kaya naman yumuko nalang muna ako.



"So chloe. Your answer is Yes?" Napatingala ulit ako napatingin nanaman kay Xander dahil sa sinabe niya kaya naman napabuntong hininga ako at sasagot na sana ng nagsalita ulit si Travis.


"I said. No!! Ugh! Can please shut up Xander!!?" Nanlaki yung mata yung dahil sa kinilos ni Travis. He seen look upset.


"Ano bang nangyayare sayo tra---"


"I LIKE YOU!!! AND I'M COURTING YOU FROM NOW ON!" sabe niya biglang labas na ng kusina. Anong sabe niya? Di ko kasi magets e. He like me and he want to court m--- whaaaaat??? He just told me that.. h-he l-like me??? For reaaaal? Ow ofcourse because i'm her bestfriend.. but he want to court me??? Waaaa!!!




"Boom!"



"Nadali ng anak ko!"



"I am proud of him"



"Ohmy! Ohmy! Ohmy!"



"I can't breath!!!"



Hindi ko alam.. hindi ko alam erereact ko. I'm speechless for petes sake!! Is he serious of that? O-ohmygod.. can i die? Waaaa!! Bigla namang lumabas si Mike sa isip ko. Uggghhh!! Baket ba basta basta nalang sumusulpot si mike? Kanina bigla bigla nalang siyang nagpakita ulit. For petes sake. Almost 2 years? Tapos ngayon sa isip ko naman siya sulpot ng sulpot ano to??? Uggh! And now.. now. Travis? Travis said he want to court me? Gawd!




"Sweetie?" Napatingin naman ako kay tita na wala paring reaction. Sige nga, kayo! Pano kung sabihan rin kayo ng bestfriend mo na nainlove ka ng ganon? Sige nga!



"Hoy Chloe!" Napatingin din naman ako kay mitz ng wala paring reaction.




"Geez! Ganyan ka na ba kiligin? Ang creepy!!" Sabe ni Mich na ikinayuko ko nalang sa lamesa, na nakalimutan ko na may pagkaen ko pala. Geez!



"Honey is she alright? You check her!" Paranoid na sabe ni tita kay tito, since dating doctor si tito. Pero umayos na ko ng upo bago pa sila magkagulo binigyan naman agad ako ng panyo ni xander na ikinangiti ko sa kanya.



"By the way. A while ago? That's not true. I'm just teasing travis" sabe naman ni Xander habang nakangisi. I know right, pero hindi ko alam na niloloko lang pala niya si travis.



"D-did... h-he... is he serious?" Pagtatanong ko naman sa kanila na ikinatingin nila sa isa't isa at sabay sabay na sabing.


"He dead serious!"

Confused HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon