Chapter Five

0 0 0
                                    


Now what? Pano ako papasok sa kwarto na alam kong nandun siya? Geez! This is hard that i thought.



*Inhale*



*exhale*




*Inhale*




*Exha----




Hindi ko natapos yung pag exhale ko nung biglang lumabas si travis sa kwarto, at since nandito ako sa tapat ng kwarto e nagtama agad yung tingin namin. Pero umiwas agad siya ng tingin.





"Hinga" sabe naman niya na ikina exhale ko na agad. Woo, that was close akala ko matetegok na ko e. Kalimutan ba naman huminga.





"A-ah.. t-travis" aish. Pano ba to? Hays. Ang awkward hindi ganito inaasahan ko e. Kasi naman e may pabigla siyang ganon e. Hindi man lang kami nag alone time para sa masinsinang usapang ganon.





"Magpapahangin muna ko sa labas. Matulog kana" sabe naman niya at bumaba na siya ng hagdan, gusto ko sana siya makausap kaso baka mailang pa ko matulog pagnagsabay pa kami bumalik di ba? Pero second day palang namin dito. Ano sa limang araw na yun maiilang ako sa kanya? Hays. makausap na nga para malinawan narin ako. Kaya naman sinundan ko na siya.




Wala ng tao sa baba, since nagsipasukan na sila sa kwarto nila kaya naman lumabas na ko ng hotel at naglakad lakad since hindi ko pa nakikita si Travis, nung makita ko siya nakaupo sa isang malaking bato e. Pumunta na agad ako sa pwesto niya at nakiupo narin na ikinagulat niya ata bigla kasi nanginig yung braso niya e since magkatabi kami.





"A-anong ginagawa mo dito?" pagtatanong niya sakin na halatang kinabahan nga. Nung una tinititigan pa niya ko pero umiwas nalang ulit siya at tumingin nalang sa langit.






"Magpapahangin din" pagsagot ko sa kanya sabay tingin nalang din sa langit. Ang daming star. Ang ganda ng langit.





"Naaalala mo pa nung first year tayo? Eto yung bonding natin pag nag aaway tayo. Ang mag star gazing" pagoopen ko naman ng topic, naramdaman ko naman na tinignan niya ko pero hindi ko inalis ko yung tingin ko sa langit.




"Tignan lang natin ang langit ng magkasama. Wala ng awkward na nangyayare, at nagbabati na agad tayo" pagduksong ko naman, ang sarap lang kasing balikan ng mga masasayang memories e. At sa lahat ng masayan memories ko madalas kasama siya. Para kasi kaming kambal tuko e, hindi pwedeng wala ang isa sa tabi niya.




"And why are you telling that?" Sabe naman niya na ikinatingin ko sa kanya, nakatingin din pala siya sakin. Kaya naman nginitian ko nalang siya, na ikinaiwas nanaman niya ng tingin.





"Wala lang ang sarap mag muni muni ngayon e. Haha. Travis"




"Ano?"



"Look at me" sabe ko sa kanya na ikinatingin niya naman agad sakin.




"A while ago... are you serious of that? Y-you want to court me?" Pagtatanong ko naman sa kanya. Akala ko iiwas siya ng tingin sakin pero nanatili parin siyang nakatitig sakin.




"I'm dead serious" napangiti naman ako dahil sa sagot niya, hindi dahil sa fact naliligawan niya ko a. Dahil sa sagot niya. Basta, kasi ganon din sinabe nila tita kanina e right?



"And why are smiling?" Pagtatanong niya naman sakin.




"Ako nalang ba ang hindi nakakaalam na gusto mo ko?" Daretso ko namang tanong sa kanya na ikina iwas niya ng tingin at ikinapula niya ng tenga niya.




"Oh come on. Don't be shy travs. Sakin ka pa ba mahihiya? Sakin pa talaga ha?" Pang aasar ko naman sa kanya, at bigla niya kong niyakap na ikinatahimik ko. Geez.. this.. this feels good.




"Five minutes. Please, stay with this while i'm confessing" sabe naman niya na ikinatango ko nalang. Wala narin ako sa katinuan e.




"You're right. Hindi dapat ako nahihiya sayo chloe. Since your beside me since we we're young. Pero this feeling.. this feeling give me that attitude to shy on you. I really like you since we we're young, actually simula palang nung makita kita sa labas ng bahay nyo. It give me this attitude already to shy on you. At nung nagtagal tagal, my feelings for you was deeper and deeper everyday. And now, i really inlove with you. A while ago, nung makita ko kayo nung mike na yun na magkasama naisip ko na baka yun na yung sign na magtapat ako sayo. Pero pinapangunahan parin ako ng hiya. And i thank Xander to tease me that way. Because i finally said what's in my heart. I love you Chloe. I love you! And i'm serious that i'm courting you"



Bibitaw na sana si travis sa pagkakayakap sakin pero hindi ko siya pinabitaw, mas hinigpitan ko pa yung yakap ko sa kanya kasi ayokong makita niya ko na umiiyak, sa simula palang ng confession niya, naiiyak na ko e. I really can believed it na matagal na niya kong gusto ko. Kasi naman i'm not his type, as he describe what he want in a girl. And that explain everything akalain mo yun? Ang isang travis na joker e ang seryoso ngayon. Pansin nyo? Pinunasan ko naman agad yung luha ko at bumitaw na sa pagkakayakao sa kanya.




"Are you crying? Masyado bang madrama?" Pagtatanong niya nung napansin niyang umiiyak ako kaya naman hinampas ko siya sa braso.




"Ikaw kasi e. Isulat natin yan sa mmk haha" at nagtawanan kaming dalawa. Ganito ako sanay, yung natawa kami. Hindi yung madrama. Ang korny masyado. Haha





"Let's sleep? Lumalamig na dito e" at dahil sa pagkasabing pagkasabi niyang sleep e. Bigla nanaman akong nahiya matulog katabi niya. Knowing na nililigawan na niya ko at may gusto siya sakin. Shoot! Hindi pa pala ko naamin na may gusto ako sa kanya no? Hayaan na. Tsaka nalang di naman nagtanong e. Haha





"Chloe?" Natauhan naman ako nung alugin niya yung braso ko.






"Ah. Eh. Oo tara" sabe ko nalang at naglakad na kami pabalik sa hotel. Nung nasa tapat na kami ng kwarto namin e. Nauna siyang pumasok, ako naman e nakatayo lang sa labas kasi naman e. Nakakahiya na talaga! Pero wala nanamang awkward samin e di ba? Naayos na.. so push! Kaya naman pumasok na din ako at sinara na yung pinto. Hindi ko nilock, bad daw yun e.

Confused HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon