Chapter Two

0 0 0
                                    

"Sweetie!" Pagsalubong samin ni Tita nung nakarating na kaming airport medyo hindi ko pa nga matitigan si tita e, gawa ng nahihiya talaga ako e.



"Oh what's wrong? Did travis told you already?! Hmp?" Napatingin naman agad ako kay tita dahil sa sinabe niya, anong sasabihin ni travs sakin?




"Ah... eh... mom! We're getting late. Baka maiwan tayo ng plane. Let's go" sabe naman ni travis na nauna na ng naglakad, sumunod naman sa kanya si tito habang higit higit yung dalawang maleta. Ow! Higit higit din pala ni travs maleta ko.





"He didn't told you? Ahmm. Lets go" sabe naman ni Tita na ikinalito ko na talaga. Ano ba yung sasabihin ni travis? Hm. Baka naman yung sa kanila ni elise hindi kaya? Baka nga ayun.





"Yung tungkol po ba sa kanila ni elise? Nasabi na niya po kanina" sabe ko naman kay tita na ikinangisi lang ni tita. Na ipinagtaka ko.



"Ah. Yea, yea. That one! Haha" sabe naman ni Tita, na ikinakibit balikat ko nalang. Ayoko na masyadong mag isip pa. It's time to enjoy.



"Well. It's really sad that they already broke up tita" sabe ko nalang kay tita na ikinatingin niya sakin sabay tingin kay travis. Weird ni tita a.



"You sad? Not happy? Ahm. Whatever i'm glad they broke up" sabe ni tita na ikinangiti ko nalang, ayaw kasi ni tita kay elise e, ewan ko ba. Mabait naman siya. Actually lahat ng naging girlfriend ni travis e ayaw niya, nag susumbong pa sakin si tita pag may bagong girlfriend si travis. Haha close na close kami e.



"Okay you two. You need to separate now" singit naman ni tito samin nung nakapasok na kami sa plane. Kaya naman umupo na silang dalawa na ikinangiti ko nalang, ang sweet kasi talaga nilang dalawa e. Parang mga teen ager parin kung kumilos. Haha hinanap ko naman sila mich at ayun nakaupo na sila sa likuran nila Tita at tito, so for sure e dun ako sa likuran nilang dalawa. Kaya naman pumwesto na ko sa malapit sa bintana. Perfect view, hilig ko talaga umupo sa malapit sa bintana para makita yung mga view.



Nakita ko naman agad si travis na papunta na dito sa pwesto ko, oh i forgot magkatabi nga pala kami. Pero bago siya makarating dito e binulungan muna siya ni tito na ikinapula ng tenga niya. Hahaha and i know why. Sa tagal ba namin magkakilala di ba? Namumula tenga niya pag nahihiya siya. And i don't know why, siguro kalokohan nanaman ni tito. Haha daming kalokohan nun ni tito e. Nung malapit na siya sa pwesto ko e, sinamaan niya ko ng tingin.





"Why?" Tanong ko naman sa kanya nung nakaupo na siya sa tabi ko.





"Baket ka natawa jan?" Tanong naman niya sakin na ikinatawa ko nanaman ng mahina.





"Anong binulong ni tito sayo para mahiya ka? At para mamula tenga mo? Haha" bigla naman niyang tinakpan yung tenga niya kaya naman lalo akong natawa. Haha




"W-wala k-kana dun! Aish" mautal utal naman niyang sagot sakin kaya naman tinitigan ko siya. Masyado ba talagang nakakahiya yun para mautal siya? Haha




"Ano?" Medyo malakas yung boses nya nung sabihin niya yun. Kaya naman napatingin yung ibang tao samin na ikina peace sign ko nalang sa kanila at eto namang katabi ko e parang balewala lang at sinalpak nalang niya yung headset sa upuan niya. Na ikinatawa ko nalang ng mahina, cute niya e. Haha




-




Nagising ako dahil sa flash na tumama sa muka ko kaya naman agad agad kong minulat yung mata ko, ugh. Nakatulog pala ako e, pero baket naman nangangalay yung leeg ko? Masyado na ba kong matagal natulog? Nung medyo nakakaaninag na ko e nakita ko sila si tita,tito at yung kambal na nakangiti sakin habang nakatingin sakin. Anong meron?



"Sarap ba ng tulog mo girl?" Sabe ni Mich sakin habang nakangiti. Ang weird pa ng ngiti niya





"Halata naman oh. Sarap na sarap sa unan niya. Hihihi" sabe pa ni Mitz na ikinalake ng mata ko, ngayon ko lang naramdaman na may inununanan pala ko. Kaya naman tumingin ako sa kanan ko habang di pa ginagalaw yung ulo ko. It's travis! Uh. Malamang, si travis siya katabi ko e. Kaya malamang sa balikat niya ko makakatulo----what? Kaya naman agad agad akong umayos ng upo na ikinagising niya.




"Ouch" sabe naman niya nung tumama yung ulo niya sa may sandalan. Nakasandal din pala yung ulo niya sa ulo. Ugh. Nakakahiya kila tita at tito!




"Goodmorning" sabay sabay namang sabe nila tita,tito at kambal kay travis na ikinataas ng isang kilay ni travis sa kanila. Uh! Why so hot?




"Good job son!" Sabe naman ni tito at lumabas na sila sa plane. Ngayon ko lang napansin na nakalanding na pala kami. Ugh, sleepy head! Bigla namang napatingin si travis sakin at namula nanaman yung tenga niya, tutuksuhin ko sana siya kaso tumayo na agad siya at lumabas na. Kaya naman tumayo narin ako at sumunod na sa kanila.





"Get your key first at ayusin nyo ang gamit nyo. before we eat" sabe naman ni tita nung nakarating na kami sa hotel na tutuluyan namin. Woa lang. Wow lang talaga ang masasabe ko sa ganda dito. Ilang ulit na kami nakapunta dito sa palawan, pero eto yung part na maganda e.






"Ang ganda ng beach girl! Lets swim later okay?" Sabe naman ni mich sabay akyat na nila ni mitz ng hindi ako tinatawag eh magkakasama kami sa room e. Hmp.





"Oh chloe. Baket di ka pa umakyat?" Pagtatanong ni tita sakin.





"Yung kambal po kasi iniwan ako e" pagsusumbong ko naman kay tita. Haha para na kong bata e.





"Oh. Did travis not told you? Siya yung makakasama mo sa room. Since pang dalawahan lang yung room e. So no choice, since ayaw maghiwalay nung kambal and ofcourse kami din mag asawa. Hihi" paliwanag ni tita habang nanlalaki na yung mata ko. Seryoso? Si travis?? Oh why i'm panicking? Eh dati pa naman kami nagsasama sa isang kwarto, natutulog magkasama dati nung hindi pa ko inlove sa kanya. Waaa! Help me through this!

Confused HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon