CHAPTER 6

29 0 0
                                    


PART 1

VANESSA'S POV

Really? Seriously anong kalukohan ito?

"Tutunganga ka nalang ba dian o uupo dito sa tabi ko. Kala ko ba matapang ka?" sabi nya habang tinapik tapik pa ang upuan sa tabi nya na parang nag iimbita.

Nagpalinga linga ako. Halos lahat na sila nakaupo maliban sa akin at sa babaeng kanina pa pinipilit isakay ng mga kaibigan nya.

"Hay anu ba.." hindi pa sana ako gagalaw sa kinatatayuan ko ng bigla nya ba naman ako hatakin paupo sa tabi nya. Syempre nabigla ako sa ginawa nya. Hindi ko alam kung ano ba gustong ipahiwatig ng nilalang na ito at dinala ako dito.

"Ayan, kaya mo naman pala umupo eh." Sabi nya halatang excited na excited sa mga susunod na mangyayari.

Pag kaupo ko nakaramdam ako ng kakaibang takot sa loob ko. Hindi ko sana papansinin hanggang sa unti unti ko ng nararamdaman ang pag galaw ng malaking barko na tinatawag na anchors away. Dahil pabilis ng pabilis ang pag galaw napakapit na rin ako ng mahigpit sa hawakan samantalang sigaw ng sigaw ang katabi kong walang hiya.

Noong una parang wala lang pero habang tumatagal pabilis ng pabilis pa lalo ang barko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko nilalamutak ang tiyan ko sa paulit ulit na ginagawa ng barko. Tulad nya napasigaw na rin ako hindi dahil sa sobrang saya kundi dahil sa sobrang kaba na anuman oras ay baka bawian ako ng buhay sa tindi ng takot.

Diyos ko, ano to? Parusa na ba ito sa lahat ng kasalanan ko? Kelangan ko pa ba to maranasan? Whaaah itigil nyo na to please........

Nang lalong bumilis ang takbo nitong pendulum na barko bigla ako napahawak sa kanya. Napayakap na talaga ako ng lubusan sa kanya ng pagkahigpit higpit, nakapikit ang mga mata at walang kaimik imik. Wala na ako pakialam kung ano man isipin nya basta gusto ko na matapos ito.

RENZO'S POV

Habang papasok ako kanina nakita ko ang flyers na pakalat kalat sa kalsada. Hindi ko sana papansinin kaso nacaught ang attention ko sa litrato kaya naman nagkainteres ako doon.

Dahil medyo explorative ako at medyo mahilig sa adventure naisipan kong puntahan ito tutal mukang masaya naman. At isa pa baka ito na solusyon ko para sa punyetang sinok na yan.

Siguro nakabenteng sinok na ako bago ko narating ang klasrum. At laking gulat ko ng biglang tumigil ang sinok ko pagkakita ko sa kanya.

Whoa, nu nangyari?

Bago pa ako nakarating sa upuan ko dumating na ang prof namen at nagkaroon na kami ng short quiz.

Buong akala ko okey na subalit ng magdissmis kami sa third subject namen umalis sya kasama ng kaibigan nya ng bigla na naman ako napasinok ng sunod sunod.

Napansin ito ni Angela at lumapit sakin sabay alok ng dala nyang tubig subalit tumanggi ako panu kahit tubig walang ubra sa punyetang sinok na ito. Proven and tested.

Tapos maya maya ng bumalik ulit sya nawala na naman. Pambihira anong kalukuhan ito? Ano to gaguhan lang.

Hell no. parang bata ang puta.

Ayuko sanang pumunta sa library para sa SS na yan kaso naalala ko ang fliers sa bulsa ko. Nang makita ko iyon biglang may sumagi sa isip ko. Kaya naman imbis na sa parking lot ako dumeretso pumunta ako sa library subalit pagdating ko wala sya.

Tinanong ko ang librarian kung saan sya at sinabing naroon pala sya sa lumang library malapit sa elementary building kaya naman hindi na ako nagdalawang isip at pinuntahan ko sya

This I Promise YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon