Tips para makamove on

333 3 2
                                    

1. Delete his/her number: Syempre dapat yan ang dapat na pinaka unang gagawin natin jan. Para dika na umasa pang baka magtext siya. Pero sa totoo lang pag hindi ka nakapagpigil, umiiyak ka or nalasing ka siguro. Ikaw ang magtetext sakanya. That's a BIG NO! Kase patuloy ka lang umaasa at masasaktan! Kaya mabuti pang idelete mo na lang siya sa contacts mo. Iblock mo sa phone mo kung kinakailangan. Para pag may nag text, for sure hindi ka na aasa na "Baka siya to". Hmmm? Aminin? Lagi mong hinihiling na "SANA" siya yung nagtext pero sa totoo lang si Smart or Globe lang pala. Saklap diba? Kaya ngayon. Delete agad agad!😊👍

2. Unfollow him/her on social media: Oh ayan, number 2 yan. Kahit wag mo na siyang i-UNFRIEND. Unfollow na lang. Para di mo siya nakikita sa timeline mo. Yun lang naman yung point dito eh.😊 Na hindi mo siya makikita at masaktan pa. Hindi mo kailangang i Block or i Unfriend siya kase magmumukha ka lang na "BITTER". At para pag dumating na yung araw na "NAKA MOVE ON" ka na at masaya ka na, Single ka man o hindi. Eh di at least diba? Maipapakita mo sakanya na "He's NOT WORTH IT".😊 Eh di makakatawa ka na din ng malakas. Balik sakanya ang sakit.👍

Pero habang nag mo move on ka. Wag na wag mong ivi visit yung account niya. Mas lalo ka lang masasaktan at mahihirapan mag move on kung dinadaya mo naman yang sarili mo.😊

3. Delete pictures: Kailangan mong gawin yan. Para di mo siya laging naaalala. Delete mo lahat ng pictures niyong dalawa. Wag kang mag iiwan ng kahit ISA na makakapag paalala sayo. Kase sinasaktan mo lang sarili mo. Pati sa facebook at IG mo! Hindi lang sa gallery. Kase past is past. Wala na yan! Kailangan mong i let go lahat yan. Wag kang masayangan sa likes.😊 Hindi mo ikakayaman yan. Burahin mo na lang.😊👌 kase darating din yung panahon makakakilala ka ng iba. Buburahin mo din yan.😊

4. Clean your room: Pag dinala mo na si ex sa bahay niyo lalo na sa kwarto mo o kaya sa boarding mo. Kailangan mong linisin yan. Palitan mo yung ayos ng kama mo. Yung bed sheets mo. Pag may mga gamit siyang naiwan jan. Itapon mo na lang pag 2 weeks ng hindi kinukuha. Joke!😂 Ipamigay mo na lang sa mga kaibigan mo. Lahat ng binigay niya, i let ho mo na din. Wala akong pake kung mahal yan. Ibenta mo na lang, at least may pera sa basura. Hahaha! Binigay niya naman yun. Hindi na niya babawiin yan.😊 Kase pag nag break na kayo! Wala ng bawian! Yun yun!😒

5. Chill with your friends: Malaking tulong satin ang ating mga kaibigan. Pag kasama natin sila. Sumasaya tayo. Nakakalimutan natin ang problema. Karamay nila tayo sa pagiging BITTER natin. Kahit mga baliw sila, anjan parin sila for us. Kahit nga mali tayo, pinagtatanggol tayo eh.😂 Kase tayo ang kaibigan nila. They want "US" to be happy.😊 Gusto mong magdrama kase iniwan ka ng syota mo, lapitan mo lang sila. Maiintindihan ka nila. Kahit wala kayong pera, may lalabas at lalabas jan makainum lang kayo.😂🍻 Masarap uminum minsan, pero wag lagi. Hindi sagot ang alak sa sawi mong puso.😊 pwede kayong mag chill na food trip 🍕🍔🍟🍗🍖 lang coffee☕️ ganon. Tambay kayo sa mga kainan. Dun makakapag usap pa kayo at makakapagkaintindihan ng mas maayos.😊👌Nabusog pa kayo diba? At hindi kayo na lasing.😂

6. Libangin mo sarili mo: Mag movie marathon ka sa bahay niyo. Maglinis ka sa bahay niyo ng makatulong ka naman sa gawaing bahay. Magluto ka, maghugas ka at maglaba ganun. Hahaha!😂 Promise! Nakakatamad gawin lahat ng yun pero nakaka gaan ng loob.😊
O kaya pag tamad ka sa gawaing bahay. Pa donya ka jan, manuod ka na lang ng movies🎬, maglaro ka sa phone📲 mo o sa computer🎮, magbasa ka ng books📚, o kaya mag aral ka na lang📖. Baka tumaas pa grades mo.😊

7. Mag ayos ka ng sarili mo: Syempre dahil nagmahal ka at nasaktan. Baguhin mo yung sarili mo. Yung feeling na pagtingin mo sa mirror eh. Bongga! Gumanda 👸ka or gumwapo 👱ka. Punta ka sa salon magpagupit 💇ka or magpa treatment💆. Itatak mo sa isip mo na pag nakita mo si ex "WHO YOU" na siya. Ganerns! Para makakita ka kaagad ng ipapalit mo din dun.😊

8. Entertain others: Hindi porke broken ka eh, sa lahat ng tao bitter ka na din. Hindi lahat ng tao pare pareho. Manligaw ka or magpaligaw ka. Entertain mo yung mga nagcha chat sayo kung may natipuhan ka. Kung lalaki ka naman, lunukin mo yung pride mo makipagchat💬 ka sa mga girls na gusto mo. Wag mong isipin kung masi seen✔️ ka. Basta ang mahalaga, "You Tried"!😊 Malay mo diba? Mapansin ka niya.😊👌

9. Makipag date ka: Kailangan yan syempre para tuloy tuloy na ang pag mo move on mo. Magpaligaw ka or kung lalaki ka naman manligaw ka, pero syempre mag ingat ka. Wag kang makati. Na porke broken eh. Kung sinu sino na yung mga nilalandi mo. Don't be a Fuckboy/Fuckgirl. Wag kang mandamay ng ibang tao. Bad yun!😊 Wag malandi! Wag makati! Hindi sagot ang manloko ng kapwa para maka MOVE ON ka!👍

10. Finally: pag naka move on ka na. Masaya ka na, naibaling mo na ang pagtingin mo sa ibang tao. At ready ka ng makita ang ex mo sa timeline mo. Just click the FOLLOW BUTTON.😊 Yun ay kung ready ka na, kung pakiramdam mo eh na i let go mo na siya. Tanggap mo na na wala na talagang pag asa.😊 Love yourself ika nga ni Justin Bieber.👌

Thank you for reading. Sana may natutunan kayo sakin. Actually gina gawa ko yan. Yan din lagi kong sinasabi sa mga friends ko and it works.😊👍 At ngayon tinatawanan ko na lang yung mga araw na nagkagusto pala ako sa mga ganong tao. Masarap mainlove mga kaibigan, wag kayong mawalan ng pag-asa. Kung kayo, kayo talaga hanggang sa dulo. Happy lang dapat.😊👌 Wag kayong magpaka tanga sa mga maling tao. Kung ayaw na sainyo. Ilet-go niyo na. Mahirap pero kailangan niyong gawin. Kase masasaktan at masasaktan lang kayo.😊

Pano nga ba mag MOVE ON?Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin