CHAPTER 1 - ALL ABOUT ME
PATRICIA' S POV
*knock knock*
"Pasok!" sigaw ko
tapos narinig kong bumukas ung pinto
"Ano ba nmn pat! anong oras na?! itigil mo na yang pag-cocomputer mo!" sigaw niya
tapos pagalit kong sinarado ung laptop ko,
panira talaga kahit kelan tch.
"Hoy babae! may pa-dabogdabog ka pang nalalaman! pagnasira yang laptop mo kala mo bibilhan pa kita ng bago?! MANIGAS KA!"
"Anong pake mo?! tsaka sino ba may sabi na magpapabili ako sayo?! MANIGAS KA DIN! bleh!" sabay dila ko sa kanya at takbo papuntang cr tapos nilock ko
Anong kala niyo lalabas pa ako ng kwarto para pumuntang cr? pwes hindi! may sarili kaya akong banyo!
Porket hindi ako bibilhan ng bagong laptop ng engot kong ate kung nagkataon mang masira ko ung laptop ko dahil sa pagdadabog, ay mahirap na kami?! Huh MANIGAS KA DIN!
"PAAAAAAAAAT!"
"LUMABAS KA DIYAN! HINDI PA TAYO TAPOS!" sigaw niya habang kinakalabog ung pinto ng banyo KO'
"TAPOS NA TAYO! Wag ka nang umasa pa! BREAK NA TAYO! STAY AWAY FROM ME YOU BASTARD!" sigaw ko sa kanya sabay sandal ko sa pinto para hindi mabuksan kung nagkataon mang masira ung pinto dahil sa pagkakalabog niya
"YUCK! BREAK BREAK KA DIYAN! Eeeeeew!" diring-diri na sabi niya sabay takbo palabas ng kwarto ko
tapos mayamaya narinig ko na ung kalabog ung pinto ko sa kwarto.
YES! MISSION COMPLETE!
"So once again the day is saved, thanks to PATRICIAPUFFGIRL!" sigaw ko habang papunta sa lababo para mag-toothbrush
.
.
.
'Hoy! Ano ginagawa mo dito? bakit nasa loob ka ng banyo ko?! ALIS CHUPI!'
(HOY PATRICA! Mga readers yan! Wag mo ipagtabuyan! Kala ko ba sabi mo sakin na may ikwekwento ka sa kanila?) - Author
'Ay He-he! Oo nga noh. Joke lang!
(O sige na. LIGHTS CAMERA ACT---) - Author
'WAIT MS, AUTHOR! HINDI PA AKO NAKAKAPAGAYOS!' sabay ayos ng damit ko at suklay ng buhok ko gamit ung kamay ko.
(HOY PAT! Hindi ka nmn nila nakikita! NAGBABASA LANG SILA! WAG KANG FEELER, HINDI KA ARTISTA!) - Author
'OKAY!
(LIGHTS CAMERA AAAAACTION!) - Author
'Ladies and Gentlemen, Gays and Lesbians, Homosexuals, My name is Patrici-'
(CUT! Ayusin mo Pate!) - Author
Oo na ito na.
Haay.
Sorry nga pala mga people of the earth, ang hyper ko. Bakit ba nmn kasi eh, sabi ni Lache(pronounced as Lash) na pampataba daw ung asukal!
Kaya ayon, nilamon ko ung isang garapon namin ng asukal, PWE!
Nakaka-umay kaya. Kaya ayon hanggang ngayon hindi pa ako nakakatulog, 1 hour 11 minutes and 1 second for short 1:11:01 na kaya.
(Grabe ah! specific to the MAX!) - Author
Eh bakit ba?! Gusto ko eh! Tsaka ganito ako magkwento! Kaya MANIGAS KA!
(............) - Author
Haaay. Le' go back to the topic,
Kaya ayon gising pa rin ako! haay. kawawa nmn ako, magkakaroon na tuloy ako ng eyebags! WAAAAH
Hmmmm. ano pa kaya pwedeng ikwento?
(HOY! HINDI KA PA NAGPAPAKILALA!) - Author
Ay oo nga no' sabay kamot ko sa ulo.
.
.
HOY! WALA AKONG KUTO! Ang ganda kaya ng buhok ko pang 'cho cha lep cho cha rigch umichot ng chabay chabay'
.
.
.
Ay chori nag chochochbruch kachi acho eh. WAICH LANG!
After 1 secondS
"Haaaaaaaaa!" sabay amoy ko
"Ang bangooooo!"
Okay balik na tayo sa topic.
Lumabas na ako sa banyo ay umupo sa kama
Ako nga pala si Patricia Rain D. Gutierrez . Female. 18 years old, First Year College at bukas na ung first day ko bilang isang COLLEGE STUDENT! Yieee!
Pero wala na, may eyebags na ko' Sisisihin ko si Lache pag nakita ko siya bukas.
Nga pala si Lache, siya ung bestfriend ko, dati pa kami mag bestfriend, simula yata nung prep kami?...basta ganun na yon.
At sa kabutihang palad ay sa parehas na university kami mag-aaral.
.
.
.
sa South Bridge University.
Dati ko ba naririnig na pinaguusapan ung university na yan na maganda daw, sosyal at peace and prosperity. kaya diyan namin napiling mag-aral ni Lache.
*yawn*
Haay. Anobayan. Inaantok na ko' sabay higa ko sa kama.
pero wag kayo mag-alala magkwekwento pa rin ako.
So Ayun. Tatlong Maria kami, Si Ate Pam lang ung kasama ko dito sa bahay,ung kapatid ko kasing bunso na si Precious ay kasama nila Mom at Dad sa America, may business kasi silang kailangang asikasuhin kaya nandon sila, kaya sinama nila si Presh dun eh, kasi alam nilang hindi namin ni Ate kayang mag-alaga. Palagi kasi naming pinapaiyak si Presh, 4 years old palang siya, si Ate nmn 22. so Four years lang ung agwat namin ni Ate......
Tapos
.
.
.
.
Zzzzzzzzzz.
(Ay nako PATRICIA! Kahit kelan talaga oh!) - Author
**************************************************
YES! First Chapter Updated! :)
Sana magustuhan niyo. Pinaghirapan ko yan. :))
Please support my story :)
Don't Forget to VOTE and COMMENT!
Until the next Update.
Take Care and GodBless. ;)
@MissJenne
*************************************************