CHAPTER 7 - HEARTBREAK
LACHE'S POV
Pagkadating ko sa classroom tumingin agad ako sa upuan ni Pate, pero wala siya don,
Nasan ba ung babaeng yon? hindi kaya nawala?
Ugh, wag naman sana, lumabas ulit ako sa room, pabayaan nang ma-late sa klase basta importante mahanap ko si Pate.
Nagsimula na akong maghanap kay Pate, wala nang mga studyante sa hallway, lahat sila nasa kanya-kanyang classroom na.
Pate nasan ka ba?
Hanap ako ng hanap hanggang sa makalabas na ako ng building namin, napatingin ako sa School ground, may natanaw akong pulang tela kaya nilapitan ko,
Panyo to ni Pate ah.
Nasan ba nagpunta ung babaing yon,
Kinabahan ako kaya naisip ko na sabihin nalang kay Dean,
Pumunta ako sa Administation's Building,
Habang naglalakad ako ay may narinig akong ingay na nang-gagaling sa Detention Room,
Mabilis akong tumakbo papunta don at may naabutan akong eksena sa loob,
Nakita kong may dalawang lalaking nakahawak sa magkabilang kamay ni Pate, na para bang pinag-aagawan siya, nakita ko din sa gilid ang Blue Rage,
"LACHE!" napatingin ako kay Pate, napatingin din ung dalawang lalaking nakahawak kay Pate,
"Phrixos? Jhake? A-ano meron?" tanong ko sa kanila, parang may tumutusok sa puso ko, nasasaktan ako.
Maya-maya biglang bumitaw si Phrixos sa pagkahawak niya sa kamay ni Rain at umalis, sinundan naman siya ng ibang miyembro ng Blue Rage, natira lang don si Jhake na nakahawak pa rin kay Pate
"Alex" sabi sakin ni Jhake, ano bang nangyayari, umalis ako sa Detention Room, kailangan kong puntahan si Phrixos,
RAIN'S POV
Naghihintay sila sa sagot ko, pero napatingin ako sa may pintuan, si Lache.
"LACHE!" sigaw ko, napatingin naman sila kay Lache,
Mamaya-maya, naramdaman kong bumitaw si Phrixos sa pagkahawak sakin at umalis, sumunod naman ung ibang kasama niya.
Natira nalang kaming tatlo sa loob,
"Alex" nagulat ako sa sinabi ni Jhake, kilala niya si Lache?
Pero biglang umalis si Lache, san pupunta yon? aah! Ano ba to' , ano bang nagyayari sa mundo.
Naiwan kaming dalawa ni Jhake dito,
"J-jhake" mahinang sabi ko sa kanya, napatingin siya sakin at pilit na ngumiti,
"Halika na Rain, baka maabutan pa tayo ni Dean dito, lagot na" sabi niya sabay hila sakin paalis,
Ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko alam kung bakit, naramdaman ko nalang na tumigil na kami, kaya napatingin ako sa paligid, bakit kami nasa rooftop?
"B-bakit tayo nandito?" tanong ko sa kanya, hindi niya ako sinagot, binitawan niya ung kamay ko at umupo
"Nandito ako palagi pumupunta, para kasing nakakalimutan ko ung lahat ng problema ko pagnandito ako " sabi niya sakin habang nakatingin sa langit,
"Pasensya nga pala kahapon, ewan ko ba sa mga kaibigan ko kung bakit ka nila pinaghinalaan na isa kang spy ng Blue Rage" Nagulat ako sa sinabi niya, inalala ko ulit ung mga lalaking nangidnap sakin kahapon, SIYA!
