CHAPTER 8 - BAD GIRL
RAIN'S POV
"Huh?" napatingin ako sa kanya
"Normal lang yang nararamdaman mo" sabi ni Jhake,
Normal? Ibig sabihin-
"NORMAL ANG MAGKAROON NG SAKIT SA PUSO?!" bigla siyang napatawa sa sinabi ko,
"Anong nakakatawa sa sinabi ko?" tanong ko sa kanya,
Nakakatuwa ba ang magkaroon ng sakin sa puso? ang rami kayang namamatay dahil don, tapos pinagtatawanan lang ng lalaking to'
"HOY!" sabi ko sabay palo sa kanya
"ARAY! Ano ba problema mo?" tanong niya sakin habang hinihimas ung braso niya
"Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? hindi kaya nakakatuwa na magkaroon ng sakit sa puso, sige ikaw din" pananakot ko sa kanya
"Grabe ka naman! Mangkukulam ka noh?" tanong niya sa- WHAT!
"AKO MANGKUKULAM?! Sigurado ka KOYA?!" sigaw ko sa kanya
"Wat do you tink of me?! Amalayer? AMALAYEER?!" sigaw niya sa mukha ko
"BASTOS KA! Kadiri laway mo men! Parehas kayo ni Lach- WAAH! Si Lache!" sigaw ko ng maalala ko si Lache
Lagot! nasan na kaya si Lache, ang pagkaka-alam ko hinabol niya si Phrixos eh, ede sigurado na magkasama yon,
"Ano meron kay Alex?" tanong naman niya
"Jhake um. Pwede mo ba ako tulungan na hanapin si Lache, hindi ko kasi alam kung nasan siya eh, tsaka hindi ko pa masyado alam ung pasikot-sikot dito sa school, tapos baka mawala pa ko'" sabi ko sa kanya
Please oo, please pumayag ka...
"Okay" tipid na sagot niya
"YES! THANK YOU!" sabi ko sa kanya sabay hatak sa kanya palabas sa rooftop
LACHE'S POV
Pinagpalit niya na ko,
Alam kong ako ang may kasalanan dahil sa hindi ko siya pinapansin nung panahong hinahabol niya ako,
P-pero diba, hindi naman yon ung dahilan para maghanap na siya ng iba, para magka-gusto siya sa iba,
Pero......bakit niya ako pinagpalit?
Iyak ako iyak, hindi ko namalayan na iniwan niya na pala ako, ako nalang ang mag-isa dito sa garden.
Napatayo ako sa pagkaluhod ko at naglakad ako pumunta ako sa may swing,
Hindi ko pa rin mapigilan ang pagtulo ng mga luha sa mukha ko,
"Alexandra"
RAIN'S POV
Kanina pa namin hinahanap si Lache pero hindi namin siya makita, pumunta na kami sa cafeteria, sa classroom, sa library, sa science lab, computer lab, sa school ground, sa gym, lahat-lahat na, pero hindi parin namin siya nakita, hindi kaya umuwi na yon?
"Ang sakit na ng paa ko" pagrereklamo ko, habang hinihimas ung paa ko,
Kasalukuyan kaming nasa cafeteria, sabi kasi ni Jhake na mukha na akong ewan dahil sa guloguo na ung buhok ko at ika-ika na akong maglakad, pero bakit ba naman kasi!
"Nasan na ba si Lache? kanina pa natin siya hinahanap pero wala naman siya" sabi ko kay Jhake na kasalukuyang kumakain ng burger,pero hindi niya ako pinansin patuloy pa rin siya ng pagkain,