CHAPTER 6 - HIS PRESENCE
LACHE'S POV
Nasan na kaya ung babaeng yon, sabi niya na mabilis lang, pero anong oras na? napatingin ako sa relos ko, limang minuto nalang magsisimula na ung next period, Hay.
Inayos ko ung mga gamit ko, tapos nagsimula akong pumunta ng classroom, sigurado naman nandun na yon, lagot yun sakin mamaya,
ABA! Hayaan ba naman akong malanta sa kinauupuan ko, hmp.
Habang naglalakad ako sa may hallway nakita ko ung mga Blue Rage nagmamadaling tumakbo, kaso nga lang wala si Phrixos,
Kailan ko kaya siya makikita ulit, pagkatapos ng misunderstanding namin hindi niya na ko' pinapansin, hindi ko alam kung iniiwasan niya ako o talagang pinaglalayo lang kami ng tadhana.
Miss ko na siya, dapat talaga pinansin ko na siya nung hinabol niya ako nung papasok kami ni Pate sa Mcdo, ewan ko ba sa sarili ko kung bakit hindi ko pa siya kinausap, baka dahil sa hindi ko pa alam ung sasabihin ko sa kanya.
Oo, baka yun nga.
Pag nakita ko talaga siya, kakausapin ko na siya at makikipag-ayos na ko sa kanya.
RAIN'S POV
Kanina pa ako naririndi sa katahimikang pumapagitna samin, tanigng paghinga ko lang at ang ingay ng aircon ang naririnig ko, Anobayan! Ayaw ko ng ganito, Nabibingi na ko!
"Ang tahimik tahimik tapos nabibingi ka, tsk" napatigil ako sa pagrereklamo sa narinig ko, ganon ba talaga kaingay ung pagsabi ko non? Hay.
"Wag ka nga! Ikaw ung may kasalanan nito eh! May pakaladkad-kaladkad effect ka pang nalalaman, tuloy hindi ako nakapasok sa trigo, tapos naiwan ko pa si Lache sa-"
"Lache?" napatalikod ako sa sinabi niya,
"Oo, si Lache, bakit?" nakakunot-noo kong tanong sa kanya,
Ano meron kay Lache?
"Ah, w-wala wala" sabi niya,
Creepy,
"O-okay" sabi ko sabay harap ulit,
Eto na naman ang nakakabinging katahimi-
"Supremo! Nandiyan ka ba?!" napatingin ako sa pintuan na nagsasalit- este taong nasa labas ng pintuan na nagsasalita,
"Anong trip ng mga yon? supremo? sino yon?" tanong ko sa sarili ko,
Nagulat nalang ako nung nakita ko na sa may pinto si ... ano ba ulit pangalan ng lalaking to'? Phixos? Phrixos? Phriox? Esh! Nevermind, nadadagdagan pa ung sakit ung ulo ko dahil sa kanya.
"Oy! Anong ginagawa mo diyan sa pinto?" tanong ko sa kanya, nakita kong lumayo siya sa pinto at
*BOOGSH*
Knock-down si pinto,
WHAT!
"HOY! Bakit niyo sinira ung pinto!" sabi ko dun sa mga lalaking pumasok, pero hindi nila ako pinansin, usap lang sila ng usap,
"Supremo kala namin kung napaano ka na!"
"Oo nga buti ligtas ka!
" Namiss ka namin Supremo!"
"Ang bakla niyo" sabi niya
So, siya pala si Supremo. Hmm, weird name.
Napatigil sila sa paguusap at tumingin sakin,
Huh? Ano meron?
Kinakabahan ako na parang ewan, ano bang ginawa ko?
"Anong sabi mo?" tanong ng isang lalaki sakin
Kinakabahan na talaga ako!
"H-huh? A-anong bang sinabi ko?" pabalik na tanong ko sa kanila,
Aaah! Ano bang sinabi ko!
" Anong weird sa pangalan ni Supremo ha?!" nagulat ako sa sinagot niya
"Ganon ba kalakas ung pagsabi ko non?!" bulong ko sa sarili ko,
"Oo, rinig na rinig namin" napatingin naman ako sa isang kasama nila, What the! pano nila narinig ung binulong ko,
"Magbubulong nalang rinig na rinig pa" parinig naman ng isa ka kanila,
"A-are you some Alien Freak or somethin'?" kinakabahan na tanong ko sa kanila, paano nga kung totoo na nasakop na pala tayo ng mga Alien Species, tapos nagpapanggap lang silang tao, parang mascot lang,
Tapos bigla silang nagtawanan, huh?
Ano ba meron sa mga taong to'?
" Anong alien ang pinagsasabi mo Miss? Haha!" sabi ng isa
"Oo nga, mukha ba kaming Alien? sa gwapo naming to?" tapos nagtawanan sila
"HOY! Ang kapal ng mga mukha niyo! anong gwapo? Tss, 'libre lang mangarap'~" sabi ko sa kanila, sabay kanta sa last part,
Halatang nagulat sila sa sinabi ko, Nyehehe! In your face loozas(british ng losers)
"Supremo, pingilan mo ko' lalaban ko na to'" banta ng isang kasama nila,
Napatawa nalang ako,
"Hoy! Anong tinatawatawa mo diyan ah, hindi mo ba kami kilala?" napatingin ako sa nagsalita, SIYA! Siya ung lalaki na nagsabi sakin na alagaan ko daw si 'Supremo na iniingatan nila'.
"Hindi, sino ba kayo?" tanong ko sa kanila
"ABA! Sumasagot ka ah! Supremo sabihin mo lang uupakan ko na ung babaeng to!" sabi ng isa
Kinabahan naman ako,
"Wag niyo siyang galawin kung ayaw niyong masakatan" napatingin ako sa pumasok, parang kilala ko siya,
"Jhake anong ginagawa mo dito? " tanong ng Supremo nila, yuck! parang inappropriate,
"Rain halika na" pagyayaya ng pumasok kanina, paano niya nalaman ung pangalan ko? kahit hindi ko siya kilala, may pakiramdam ako na dapat akong sumama sa kanya,
Tumayo ako, palapit na ako sa kanya ng may biglang humawak sa kamay ko,
"Hindi, hindi siya sasama sayo" napatingin ako sa humawak ng kamay ko,
"Phrixos bitawan mo na siya" pagbabanta na sabi ni Jhake yata ung pangalan, na humawak din sa kabila kong kamay, Phrixos pala ung totoong pangalan ni 'Supremo'
Maya-maya ay nakaramdam na ako ng tensyon sa pagitan nila,
"H-hoy" sabi ko, hindi na kasi ako makatiis eh, ung mga tinginan nila, para silang nagpapatayan,
"Ikaw ung bumitaw Jhake" sabi naman ni Phrixos
"Haha, parang kanina lang pinagtritripan niyo siya, tapos ngayon ayaw mo naman siyang bitawan, ano ba talaga Phrixos?" tanong ni Jhake
Napatingin ako kay Phrixos, I can see, 'pain'?
"Bakit hindi nalang siya ung tanungin natin?" tanong ni Jhake kay Phrixos, tapos maya-maya napatingin na silang lahat sakin,
Oh no,
Anong gagawin ko, sinong pipiliin ko?
To be continued...
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
May namamagitan nga ba talaga kela Lache at Phrixos?
Sino nga ba ang pipiliin ni Rain?
Si Jhake na miyembro ng Black Jack,
O si Phrixos na leader ng Blue Rage,
Abangan...
~MissJenne