Pag-ibig (Maikling Tula)

56.4K 97 37
                                    

Pag-ibig, pag-ibig, ano ka ba naman?
Kita mo bang puso ko'y nasugatan?
Hindi ito pwedeng solusyonan,
Kailangan pa bang lumaban?

Simpleng pag-ibig lang ang hinihingi.
Hindi ganoon kalaki ang aking minimithi.
Para sa iba, madaling tumanggi,
Pero sa pag-ibig, mahirap magwagi.

Ikaw na nga ba ang nakatadhana sa akin?
Ikaw na nga ba ang tunay kong mamahalin?
Pinaplano mo ba ako'y ingitin?
Hindi ko na alam ang aking gagawin.

Mahirap na sa panahong ito,
Lalong-lalo na sa mga katulad mong gwapo.
Paano kaya kapag ikaw ay nang-abuso?
E di ako pa ngayon ang nagmukhang sira ulo?

Mahal na mahal kita!
Noon nga lang yun sinta.
Huwag ka nang umasa,
Dahil para sa akin, wala ka nang pag-asa.

Pag-ibig (Maikling Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon