III. 3.5 Kaye- Rain .

983 40 4
                                    

Naupo lang ako doon at umiyak ng ilang oras. Nang tumingin ako sa labas, malapit na pala ako sa bahay nila. Bakit dito ako napunta? Naalala ko noong sinundan ko siya dito.

Doon ko nakita na sobrang magkaiba ang estado ng buhay namin. Hindi naman kami mayaman, pero hindi rin kami mahirap. Naalala ko noong una ko siyang niyayang lumabas.

Pagkatapos ng una naming pagkakilala, ilang linggo pa ang lumipas bago ako nagpakita uli. Siguro dahil hindi ko alam paano o saan ko siya dapat dadalhin. Palpak nga iyong first date. Sa art exhibit ko siya dinala.

Kaye: Sino ang paborito mong artist.?

Clary: marami. But i prefer the artworks of Donatello, Botticelli,Bernini....

At napangiti siya. Ang hirap nito. Sana mas nag-aral ako bago ko siya niyaya dito.

Clary: you?

Kaye: Ganoon din. Si Bernani..

Clary: Bernini.

Kaye: yun nga.

At tumawa siya. Pinapawisan ako tuloy dito. Sira ba ang aircon?

Nanood din kami ng concert. Kaya lang, nahilo siya sa sobrang dami ng tao. Kumain kami sa restaurant at nag order ako ng shrimp soup, malay ko bang allergic din siya. Kaya sa ospital kami tuloy napadpad. Habang inaalala ko ang mga ito, napangiti ako.

Naalala ko rin ang unang perfect date namin, noong siya mismo ang ngplano kasi nabuko niya na ako.
Sa resto kami nagdate.

Kaye: Bakit dito? Sigurado ka?

Clary: Gusto kong turuan mo akong mag gitara. Pero bago iyan, kantahan mo muna ako.

At araw araw niya na akong pinapakanta. Daig ko pa ang karaoke. Sa bahay, sa resto, sa kotse, sa kalye, sa bus, lahat na lang, mayroon nga sa rooftop din.

Sa araw-araw na magkasama kami noon, doon ko nakita na hindi rin pala siya kagaya ng inakala ko. Siya yung tipo ng babae na sobrang yaman pero hindi maarte. Mas gusto niyang kumain ng fishball kahit na kwekwek kaysa sa pumunta sa mamahaling restaurant.

Mas gusto niyang manuod ng movies kaysa sa manuod ng paintings. Mas gusto niyang kasama ako.

Habang iniisip ko ang mga ito, nagsisisi akong iniwan ko siya doon. Nasaan na kaya siya ngayon?sigurado akong hinahayap niya ako. Paano kung biglang umulan? Paano na siya?

Kapag umuulan, naalala ko ang araw na sinagot niya ako. Iyon ang unang beses na ipinakilala niya ako sa mommy niya. Mayroon silang family reunion at sinama niya ako.

Clary: Huwag kang matakot. I promise, hindi kita iiwan.

At hinawakan niya ang kamay. Iyon ang unang beses na nahawakan ko siya. Sobrang kinilig ako noon. Kahit ngayon kapag hawak ko ang kamay niya ay kinikilig pa rin ko.

Nawala yung kilig nang makita kami ng mommy niya at sobra siyang nagalit.

Sylvia: What's this? Who is he?

Clary: She......is just a friend.

Sylvia: Nanabaliw ka na ba? Is this your way of getting back at me? Paalisin mo siya sa harapan ko.

Doon ko nalaman na ayaw ng mommy niya sa akin. Sobrang obvious naman eh, kulang na lang ipakaladkad niya ako papalabas sa mga security guards nila.

Umuulan pa ng malakas noon. Pabalik na ako sa kotse nang marinig ko si Clary na tinatawag ako at tumatakbo sa ulan habang hawak nya sa kamay ang sobrang taas nyang sapatos. Huminto siya sa hirap at hinihingal na sa pagtakbo. Laki kasi ng bahay nila.

Clary: Bakit mo ako iniwan doon?

Kaye: Hindi naman ako importante doon eh.

Clary: importante ka sa akin.
Tama ba narinig ko?

Kaye: Kaibigan mo lang ako di ba. Hindi mo naman ako dapat ipakilala sa pamilya mo.

Clary: Tama ka. Hindi kita dapat ipakilala sa kanila as just a friend.

Halos biniyak ang puso ko nang marinig ko iyon. Mali lang pala ako ng akala.

Clary: Gusto kong ipakilala ka sa kanila as my partner, my soulmate.

Kaye: Sinasagot mo na ako?

Clary: unless you want to stay in the friendzone..

Kaye: Tayo na? Tayo na?

Clary: oo nga eh.

At niyakap ko siya nang mahigpit. Pinalayas man kami ng mommy niya, pinapasok niya naman ako sa puso niya. Sobrang saya ko noon, akala ko nga sapat nang mahal ko siya, mahal niya ako, hindi pala. Dahil kahit gaano ko man siya kamahal, hindi ko alam kung magiging sapat ba iyon para mapaligaya ko siya.

Kung mahal mo, ipaglalaban mo pero minsan kahit mahal mo, kailangan mo pa rin siyang iwan.

Isang Araw- Book OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon