VI. 6.5 Kaye- Stay

865 40 6
                                    

Nang bumalik ako ng Maynila ay bumisita muna ako sa puntod ni Tito. Minsan pumupunta ako dito kapag gusto kong mag-isip.

Nagdadala ako ng papel at ballpen, minsan pati gitara. Dito ako nagsusulat ng mga kanta, dito ko rin kinakantahan si Tito. Minsan tinuruan ko siya paano maggitara.

Kaye: Ilang beses na po tayo nagpapraktis Tito, hindi pa rin kayo marunong. Siguro hindi maganda ang gitara niyo diyan. Hayaan mo sa susunod na dalaw ko, dalawa ang dadalhin ko para ikaw ang gagamit ng isa. Dito tayo mag-jajamming.

Huminto na ang mga iyak, naubos na ang mga luha pero ang sakit hindi pa rin humihilom. Kung nandito sana si Tito, siya ang unang tao na tutulong sa amin ni Clary.

Kaye: Tito, I'm sorry ha. Ginagawa ko naman po ang lahat. Sana alam niyo po iyon. Mahal na mahal ko po siya. Hindi ko na po alam kung ano ang dapat kong gawin.

At umiyak lang ako doon. Isang araw, kapag handa na siya, pipiliin pa rin ba niya ako?. At doon ko nasulat ang kanta.
" kung maibabalik ko lang ang dati,
hindi na kita bibitiwan pang muli."

Dahil ako ang unang bumitaw sa kanya. Dahil ako ang unang hindi lumaban para sa kanya. Dahil ako ang unang nang-iwan. Ngayon ako ay nandito pa rin at nag-iisa. Nagsisisi na sana kaya niya akong mahalin uli. Na sana ako uli.

Nang sumunod na araw, nakaupo ako sa resto habang inaayos ang mga kanta nang dumating si Anne.

Anne: Kamusta ang birthday ni Tita?

Kaye: ok lang.

Tinititigan ko lang ang papel na hawak ko. Isinulat ko ang kantang gagamitin namin. Isang kanta pa lang ang nandoon.
1. Stay
Nang lumingon ako kay Anne, nakatingin din pala siya sa akin.

Anne: Eh, ikaw. Kamusta na?

Kaye: Ok lang.

Anne: Kamusta na ang mga kantang napili mo? Sandali, huwag mo nang sabihin na okay lang. Please masisiraan na ako ng bait sa iyo.

Kaye: Okay

At ngumiti na lang ako. Isa siya sa mga taong pinagpapasalamatan ko. Kahit man magkaamesia ako at makalimutan siya, gugustuhin ko pa rin na maging kaibigan siya dahil sobrang siyang maalaga, mabait, mapagmahal, lahat na nasa kanya.

Anne: sandali lang may tumatawag.

Anong mga kanta ba ang dapat kong piliin? Ang mga kantang tungkol sa pagmamahal, tungkol sa pamamaalam, tungkol sa mga bigong katulad ko...sumulat ako sa papel ng mensahe para kay Anne at lumabas muna ako para makapag-isip.

Pumunta ako ng coffeeshop. Wala pa rin siya doon.gabi na nga at ika-anim ko na yata ito. Hindi ko mabilang kung ilang beses sa isang araw ako pumupunta dito .Naupo lang ako doon, iniinom ang paborito niyang kape at nakikinig sa music. Kahit ba itong kape na sobrang paborito niya bago niya pa ako nakilala ay kinalimutan niya na rin.

" So tell me when you hear my heart stop
You're the only one who knows
Tell me when you hear my silence
There's a possibility I wouldn't know."

Naalala ko ang twilight. Paborito rin niya iyan. Minsan kahit mahal mo, kailangan mong bitawan. Masakit magpaalam sa taong ayaw mong bitawan, pero mas masakit na hilingin na sana huwag na siyang umalis kung siya mismo ay ayaw nang manatili.

At nag ring ang cellphone ko. Pagkatapos kong kausapin si Anne ay nagmadali akong bumalik sa resto.

Kaye: Anong nangyari?

Anne: ibibili kita ng bago. Aksidente kasi.

Nang tiningnan ko, nasira ang gitara kong bigay ni Clary. Pati ba naman ito.

Anne: ipapaayos na lang natin. Hindi naman malaki ang sira. I'm sorry talaga.

Kaye: Hindi na. Bakit mo pa aayusin kung sira na?. Itapon mo na lang iyan. Iba na lang ang gagamitin ko. Sige kailangan pa namin mag-insayo.

Pagkatapos ng ilang araw ay handa na para sa show. Ilang araw ko na rin siyang hindi nakita. Pero araw-araw pa rin akong lumilingon sa labas ng resto, nagbabakasakaling dadaan siya. Pero wala talaga. Kahit anino niya ay hindi ko na nakita.

Nang nakatayo na ako sa stage, medyo maliwanag ang ilaw kaya hindi ko makita ang mga nasa likuran. Sana nandito siya dahil ang una kong kanta ay para sa kanya.

" I want you to stay, never go away from me
stay forever
but now, now that you're gone
All I can do is pray for you
To be here beside me again.....
And I must move on
trying to forget all the momories of you and me
But I can't let go of your love
that has taught me
to hold on."


Gusto kong sabihin na "stay" pero paano mo sasabihin iyan sa taong naglaho na sa paningin mo. Gusto kong hilingin na sana nandito siya sa tabi ko pero nasa tabi na siya ng iba. Kailangan kong kalimutan lahat ng alaala naming dalawa pero lahat ng nasa harapan ko ay nagpapaalala sa kanya. Paano ko nga bibitawan ang taong nagturo sa akin kung paano lumaban? Paano ko pa bibitawan ang taong binitawan ka na? Kapag hihigpitan ko pa ang kapit, babalik ba siya? O tuluyan na ngang lalayo.

Isang Araw- Book OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon