IV. 4.6 kaye- stalk

934 42 0
                                    


Dating gawi na naman ako uli. Pasulyap sulyap ng hindi niya nahahalata. Pumupunta pa rin siya sa paborito niyang coffeeshop.

Masyado siyang abala sa librong binabasa niya, hindi man lang niya nahalata na nakaupo uli ako sa likuran niya. Mas masakit ang mga ginagawa ko ngayon.

Noon, okay lang na hindi niya ako nahahalata lagi kasi hindi kami magkakilala. Pero, itong nangyayari ngayon. Tagos sa puso ang sakit. Kasi tinitingnan mo lang sa malayo at minamahal ang taong minahal ka noon pero hindi ka na maalala ngayon.

Paano ko ba malalaman kung mahal pa niya ako? Hanggang ngayon, hindi pa rin niya makuhang lumingon katulad ng dati.

Minsan niya na akong naging stalker, akala ko tapos na ang mga araw na iyon. Ngayon balik na naman uli sa dati. Hindi naman nagbago ang mga ginagawa niya araw-araw. Hindi ba siya nababagot? Halos magkapareha araw-araw.

Minsan nakita ko siya sa bookstore. Umiiyak siya habang binabasa ang aklat na napili niya. Hindi ko makita ang pamagat eh. Dalawang oras lang naman ako uli naghintay sa kanya. Minsan, hindi ko alam kung paano niya nagagawang iwasan ang mga landas ko.

Dalawang araw ko na siyang nakita dito sa park na nagbabasa. Iniiyakan niya na naman ang librong binabasa niya. Nakakatuwa siyang tingnan. Siguro nagtataka na ang iba kung bakit tumatago ako sa likuran ng puno, may suot pang sobrero at sunglasses. Minsan tumatawa, minsan umiiyak na naman.

Pinuntahan ko rin siya sa bahay nila. Kaya lang may nakahuli sa akin.

James: Hey, i know you. You're that musician from the hospital? What are you doing here? I'm going to tell her mom.

Kuya Brian: Sandali. Huwag mo nang isumbong kay mommy. Pati ikaw pagagalitan din naman. Ako na ang bahala dito.

Pumasok na lang uli si James. Patay na naman sana ako kay mommy niya.

Kuya: Do you drink? I think i need one.

Pumunta kami sa isang bar para uminom. Medyo marami rin yatang sama ng loob ang kuya niya.

Kuya: Let's drink and be merry.

Uminom kami muna ng ilang minutos na hindi nag-uusap. Parang ang lalim ng iniisip niya. Ni minsan ay hindi ko siya nakitang naging ganito.

Kuya: When dad died, every bit of humanity in my mom is gone. Forever. Alam kong sobrang nahihirapan si Clary ngayon. Hindi pa nga lang niya alam pero maghintay ka lang. Be patient. Si Clary, wala yang pasensiya when it comes to my mom. The moment she remembers everything, even just a tiny thing, she'll start to rebel. History repeats itself.

Kaye: Ano bang nangyari sa kanila ni James? Ni minsan hindi kasi siya nagkwento tungkol dito kaya hindi ko na siya pinilit.

At may dumaan na waitress.

Kuya: Can we get another one of. .. whatever these are. Thank you.

Lasing na yata ito eh.

Kuya: Ikinuwento sa akin ito ni James noong nalasing siya. His dad dated my mom in the past. But they were separated because of a marriage agreement between 2 families. Si mommy ay nahulog kay daddy so she insisted to marry my dad kahit na may mahal na iba si dad. My mom did everything for him to love her back but he never did. So she talked to James' dad and asked him that if he's going to have a son and my mom to have a daughter, they should get married to fix their fate or maybe it's a way for her to apologize to him for leaving him. In other words, my baby sister was born to repay her debts.

Alam ba ito ni Clary? Ang labo naman noon. Ang hirap maintindihan bakit kailangang ang buhay ng ibang tao ang ipagpapalit mo sa lahat ng kasalan mo.

       Dahil hindi mo nakuha ang happy ending mo, mali naman na kukunin mo rin ang sa iba para lang may kasabay kang nagdurusa.

Kuya: Si James. Dati pa lang may pagkaplayboy iyan. Para sa kanya ang mga babae ay may 1 month contract lang sa pag-ibig. Pero alam ko na kung may babae mang makakasira ng kontratang iyan, si Clary iyon. She loved him, she loved the way he was with her pero nalaman ni Clary ang mga pinaggagawa niyang kalokohan, kaya nang pinilit silang ikasal, lumayo si Clary at tumira dito sa Pilipinas. She didn't love him enough to stay. That's when she met you. Naalala ko yung araw na nakilala ka niya, sobrang saya niya.

Clary: Kuya, i met someone. I think, oh no, i know, na siya na nga ang matagal kong hinintay. The reason why things didn't work out between James and I.

Kuya: Talaga? So tell me about him.

Clary: i don't want you to freak out. I think I'm in love with a lesbian. Am I crazy?

Kuya: Natawa na lang ako noon sa kanya. I thought she was crazy, but the thing is, I know my sister. I have never seen her that happy. Bilang kuya niya, bakit ko ipagkakait sa kanya iyan?. Even my dad felt the same way. Swerte lang talaga ako kasi walang pakialam si mommy sa akin. But with Clary, nakakaawa siya. Buhay nga siya pero hindi niya hawak ang buhay niya. I'm sorry kasi alam kong nahihirap kayong dalawa pero wala akong magawa. She even kicked me out of the house para magawa niya lahat ng plano niya. I'm moving out the day after tomorrow. Kailangan kong pumunta sa Amerika dahil sa ibang negosyo ni dad. Kung hindi lang dahil nandito ka, hinding hindi ko iiwan ang kapatid ko sa kanya. Kaye, do everything to make her remember. It's the only way to save her.

Bago pa ang aksidente, nagdesisyon na akong ipaglaban siya. Pero dahil na rin sa mga nalaman ko, mas ipaglalaban ko siya. Hindi ako papayag maliban na lang kung si Clary na ang pipili sa kanya.

Isang Araw- Book OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon