III. 2.3 Kaye- infinity

1.1K 44 2
                                    

Tinuloy ko pa rin ang anniversary surprise ko sa kanya. Pumunta nga kami sa paborito niyang coffeeshop. Naalala ko noong tinititigan ko lang sya habang nakatalikod siya dahil hindi nya ako kilala.

Mas madali pa lang magmahal ng taong nakatalikod, kaysa sa mahalin ka niya pero alam mong unti-unting nasisira ang buhay niya.

Pagkatapos ay pumunta kami sa bookstore na lagi niyang pinupuntahan.

Clary: Let me guess, nakita mo rin ako dito.

Kung alam nya lang kung ilang oras akong nag-antay noon habang ikot siya ng ikot dito. Ang sakit ng mga paa ko noon. Hindi ko pa rin maintindihan kung paano siya inaabot ng ilang oras dito. Hindi pa ba nya namemorize ang mga libro dito?

Sana tinabihan ko na lang siya habang nakatitig sa mga librong iyan na parang ang lalim ng iniisip. Muntik ko na ngang ginawa, kaya lang bigla siyang tumalikod.

Kaye: Me before you? Bakit iyan.

Clary: Maganda raw ang story nito. Hindi ko pa nabasa ito eh.

Tungkol iyan sa buhay ko bago ka dumating. Dinala ko rin siya sa lugar na kung saan sya laging nagbabasa. Ang ganda niyang tingnan habang nagbabasa.

Kaya kong maupo dito ng tinititigan lang siya kahit ilang oras, kahit masakit man sa batok,o manigas man ang puwet ko, basta't masaya ang puso ko.

Clary: Yats, ano ba ang buhay mo noon bago mo ako nakilala?

Wow. Parang may Math quiz agad. Halos hindi ko na maalala at ayaw ko nang maalala. Hindi ko madalas kinukwento sa kanya ang nakaraan ko hindi dahil ikinahihiya ko, ayaw ko lang balikan ang mga panahong wala pa sya sa buhay ko.

Sa amusement park naman ang sunod na pinuntahan namin. Clary: Nakita mo na ba akong pumunta dito?

Kaye: hindi pa. Tara!

Mahilig akong pumunta dito kasama ang mga kaibigan at kapatid ko. Una ko pa lang siyang nakita, gusto ko na siyang dalhin dito. Bakit? Gusto ko lang hawakan ang kamay nya habang sumisigaw kaming dalawa sa takot at saya.

At sumakay din kami sa ferris wheel. Ang taas, grabe. Takot daw sya sa heights, hindi nya lang alam, ako din pala.

At ang finale, sa beach kami pumunta. Feeling ko, ito ang pinakamagugustuhan nya.

Naglakad ako papunta sa kanya habang kinakanta ang paborito nya. Ang pakiramdam ko parang nasa simbahan kami, pero teka, di ba dapat ang bride ang naglalakad at ako dapat ang nakaantay doon sa dulo? Ok lang iyan, bagong style siguro.

Nang binigay ko na ang box, dahan-dahan niyang binuksan ito. Ilang buwan ko ring pinag-ipunan iyan.

Kaye: couple's ring. Infinity ring because you're my forever.

Madaling sabihin na naniniwala ka sa forever. Pero kapag mahal mo talaga, lahat paniniwalaan mo. Ang tanong, ganoon din ba ang paniniwala niya.

Isang Araw- Book OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon