about him

15 0 2
                                    

Huminto ang scooter na sinasakyan ni sab sa isang makalumang disenyo nang gate, ilang sandali lang ay lumabas dun ang isang matandang babae na nakasuot nang bestida na may laces at may apron, may bandana din ito sa ulo na may lace. Pang katulong ang disenyo mula london.
May inabot itong basket na nakatakip nang tela sa apo. Kinuha naman yun nang dalaga.

Nagtatrabaho ang lola ni sabrina bilang katulong sa palasyo.

Mrs.perkins: iabot mo yan sa ate mo para maluto nya, mas masarap yan pag sariwa.
Sabrina: sige po lola. Pinapa kamusta kayo ni ate nung tumawag sya kanina.
Mrs.perkins: hayy medyo problemado ngayon dito sa palasyo kaya nga dito kita pinapunta sa likurang pinto.
Sabrina: bakit po?
Mrs.perkins: ang mahal na prinsipe kasi ay tumakas, nakatakda syang ipakilala sa grand ball sa susunod na buwan, at dapat susunduin sya sa private airport nila galing manchester sa london pero walang dumating.
Sabrina: london?
Mrs.perkins: kahit kailan problema ang batang yun.
Sabrina: alam nyo ba itsura nya la?
Mrs.perkins: inilihim nang mahal na reyna at hari ang itsura nang prinsipe para narin sakanyang kaligtasan, walang nakakaalam sa itsura nya maliban sa mga personal nyang guard at katulong, dapat nga ipapakilala na sya sa grandball at para narin ipaalam na sya ang tagapagmana nang hari.
Sabrina: kahit konti wala kayo ideya?
Mrs.perkins:  sa pagkakaalam ko gwapo sya
Sabrina: hay lola, sigurado yan dahil maganda at gwapo ang hari at reyna
Mrs.perkins: ahh sabi nila may tattoo sya sa kanang tagiliran nya,ang nakasulat ay " Be free"
Sabrina: be free? Hmmm sige lola aalis nako.
Mrs.perkins: osige mag ingat ka apo.
Sabrina: sige po..

Habang bumabyahe si sab sakay nang scooter nya isang plano din ang nabubuo sa utak nya.

Hinatid nya sa bahay nang ate nya ang pagkaing galing sa lola nya at pagkatapos ay umuwi na sya sa apartment na inuupahan nya,
Nagpalit na sya nang damit tapos ay dumiretso sa harap nang kanyang laptop.
Naghanap sya nang info tungkol sa nawawalang prinsipe nang Odelle empire na pinamumunuan ang kanilang bansa na halos kasing laki lang ng South korea pero nasa karagatan na malapit sa america, ang wendelton kingdom.
Base sa information na nakalap nya sa dakilang google, 10 years old ang prinsipe nang dalhin ito sa london para mag aral gamit ang ibang pagkatao. Lahat nang tungkol sakanya ay itinago nang kanyang kamahalan. At dahil yun sa tradition nang kanilang henerasyon. At sa darating dapat na grandball sya ipapakilala at ihahayag ang kanyang nararapat na tadhana.ang susunod na tagapagmana nang kanilang kaharian. Pero may iba pang ihahayag sa grandball, ang kanyang future fiancei na prinsesa nang bhutan na kasalukuyang nasa bansa ngayon dahil sa pagkawala nang prinsipe pero tulad nang sa prinsipe hindi pa din sya pinapakilala sa madla.

Inis na sinara ni sab ang laptop nya tsaka humiga sa kama nya.
Sabrina: ang info na nasa google ay tungkol sa kaharian hindi tungkol sakanya. Pano mahahanap ang taong ayaw magpahanap. Baka nga yun ang dahilan kaya sya tumakas, ayaw nya magpakasal. Pero para makasigurado dapat ko yung gawin.

Kinabukasan bumalik sya sa palasyo, pinapasok sya nang mga guardiya pagkatapos ipaalam sa loob na apo sya ni mrs.perkins
Pagkapasok nya sa lupain nang palasyo, isang engrandeng  bakuran ang sumalubong sakanya, nakahilerang puno nang mongolian at cherry blossom sa path way na gawa sa bricks, mga roses at tulip sa paligid. Mga kawal na palakad palakad sa paligid para mag bantay, ilang maiden ang busy sa pagtatrabo na may bitbit na mga gamit.
Isang mahabang pathway muna ang lalakarin bago marating ang sunod na building, doon muna dadaan ang mga bisita at para masiguro na wala silang masamang balak. At sa sunod na building ang palasyo, isang 5 floor na building, mahaba ito at sandamakmak na bintana, 50 hilera nang bintana mula sa magkabilang dulo,ganon kahaba ang palasyo.hindi tulad sa palasyo sa london na halos crescent ang hugis, dito ay pahaba. At sa magkabilang dulo nang building ay may 2 tower na mas mataas at may 2 ding naglalakihang watawat ang wumawagayway.

Pero dahil sa laki nang lupang nasasakupan nito ay hindi alam ni sab na napunta na sya sa isang pribadong hardin nang palasyo may maliit na fishpond  dun na may tikoy ay gold fish at may tulay dun na nasa taas nito, may ilang bushes dun na may mga bulaklak,may mga puno din nang ibat ibang uri. May iilan ding set nang mesa at silya sa paligid.

I Dont wanna Fall for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon