Meet her

20 1 0
                                    

Malamig ang simoy nang hangin,mataas ang sikat nang araw pero hindi mainit sa balat,sumasayaw sa ihip nang hangin ang sanga nang mga puno, umaawit ang mga ibon sa lenguaheng sila lang ang nakakaalam. Isang perpektong araw para maglaro nang baseball sa labas.

Kasalukuyang nasa baseball game ngayon sina Sabrina at ang section nya para sa kanilang P.E . Kaka pasok lang nya sa skwelahang ito ang Ashton academy na para lang sa elite.

Si Sabrina isang tahimik pero palabang babae, ayaw nyang nakikialam sa buhay nang iba pero laging iba ang sinasabi nang kanyang kunsensya at yun ang pinaka ayaw nya sa sarili, maganda sya,baby face laging napagkakamalang 15 years old na hindi nya alam kung ikatutuwa ba nya o ikakainis, magandang bilugan ang kanyang mga mata,matangos pero maliit na ilong at pouty kissable lips, mahaba na kulot ang kanyang buhok na medyo kulay brown pero nagiging kulay ginto pag nasisikatan ng araw. Dati syang nakatira sa probinsya pero nang  pinilit sya nang kanyang ate na tanging kasama nalang nya sa buhay ay wala na syang nagawa,namatay sa isang car accident ang kanilang mga magulang nang sya ay 7 taong gulang,at sariwa pa lahat sa alaalala nya ang pangyayari dahil kasama sya sa aksidente noon. Minsan binabangungot din sya dahil dun. At mula noon ayaw na nya ng sumasakay sa kotse. Hindi nagpapakita nang kahinaan si sabrina,lagi syang poker face yun ang bagay na tinuro sakanya nang kanyang ama noon nang minsan na syang mabully noong nasa 6th grade sya. At hanggang ngayon ganon parin ang ginagawa nya kaya mahirap sya magkaroon ng kaibigan.

Natapos ang laro nila nang panalo ang kalabang grupo na lamang lang ng 1 puntos kung nasan ang mga mean girls/spoiled brat nang school kaya lahat ng boys sa klase nila at kumampi sa grupong yun at dahil dun ang natira sa grupo nina sab ay ang mga nerdy at mga tinaguriang invisible sa school na hindi pansin,isa lang ang sikat na nasa grupo niya,si yassi isang boys magnet na siya ring nag iisang bff nya.

Lahat ay isa isa nang nagpasukan sa school building pero nag paiwan si sab at humiga sa damuhan, dinama nya ang preskong simoy nang hangin at pumikit tsaka nya hinayaang dumampi sa balat nya ang maligamgam na sikat nang araw.

Nang maramdaman nyang lumimlim sa bandang mukha nya at pagdilat nya nakatunghay sakanya ang kanyang best friend

Yassi: hindi kapa papasok? May class pa tayo in 20 minutes.

Sabrina:pwede namang hindi tayo pumasok diba dahil galing tayo sa P.E?

Yassi: oo,pero lahat nang girls ay gustong pumasok dahil may new transferee. Ang sabi sobrang hot daw. Hindi kaba interesado?

Sabrina: nope.

Tinakpan pa ni sab ang mata gamit ang braso at halatang wala syang paki. Pero hinila ni yassi Ang braso ni sab na nakatakip sa mata nito

Yassi: oh come on sa wag kang Kj, babae ka din kaya dapat magpakita ka nang konting interest sa boys, im pretty sure pag nakita mo yung new transferre mag iiba ang pananaw mo buhay.

Sabrina: lalaki parin sya at walang magbabago dun.

Yassi:alam mo malapit na ko makumbinsi na lesbian ka. Tell me,are you?

Sabrina: N.O! Wala pa talaga ako interest magkalove life

Yassi: love life agad?! What im saying is-----

Sabrina: ok fine! Sasama nako sayo para makita yang new transferee na yan!

Yassi: yeppie!!

Sabrina: but ! Pag hindi ako interesado pag nakita ko na sya tigilan mo na ko dyan sa pangungulit mo about boys! Nagmamadali ka masyado parang ikaw ang magkakaproblema balang araw

Yassi: im just concern bestfriend..so lets go na..!

At hinila na nga ni yassi si sab papasok sa building or should i say kinaladkad. Yun ang right term.

May iilang boys naman ang nagtangkang manligaw at magpakita nang interest kay sabrina dahil maganda naman sya pero sadyang mailap si sabrina, pero mas sikat sa boys si yassi at hindi tulad ni sab inientertain ni yassi ang mga lalaki at hindi nya sinusungitan tulad ni sab.

Pagpasok nila sa girls locker room ay naabutan pa nila dun ang 2 mean girls na sina bianca at thea. Maganda at seksi pero kung gano kaganda ang panlabas na anyo kabaliktaran ang totoo nilang pg uugali.

Habang nagpapalit nang school uniform sina sab at yassi dahil naka pang p.e sila kanina hindi nya maiwasang makinig sa usapan nang dalawa.

Bianca: so yeah..nakita na daw kanina sa directors office si mr.hot guy,FYI lang ah likod palang yung nakita nila kasi nakatalikod sya sa may pinto kanina ,pero O to the M to the G likod palang daw ulam na! Ang yung b*tt nya my ghad... sarap daw hmmmm..

Halos mabuga ni sab ang iniinom na bottled water dahil sa kalaswaang pinag uusapan nang dalawang naglalakad na christmass tree.

Yassie: oh ok kalang?

Sabrina: oo hahaha... dalian mo na baka malate tayo sa klase.

Yassie: aba excited ka yata na makita yung new guy?

Sabrina: hindi ah! Naasiwa lang ako sa usapan nang dalawang to.

Pabulong na sabi ni sab kaya nagtaka si yassie at nakinig din kung anong pinag uusapan nang dalawa.

Thea: ill assure you,his going to be my next boyfriend

Bianca: shut up, nakalista na sya sakin kaya sigurado na sya sakin

Thea: your so madaya! Ill assure you nalang na ako ang una sakanya sa bed

Bianca: kahapon pa yun nakalista sa list ko noh. Hahaha

Yassie: buti pa nga,lets go?

Sabrina: tara.

At tuluyan na silang lumabas sa sa locker room at naglakad sa hallway. Nang huminto si yassie sa tapat nang punto ng faculty room.

May isang lalaki na nakatalikod mula sa pwesto nila, may patong syang hoodie sa school uniform nito at tama sila likod palang nito mukha nang gwapo.

Yassie: i think its him. So what do you think?

Tinitigan lang ni sabrina ang nakatalikod na lalaki na mukhang kausap ang isang teacher. May inabot din itong papel dito siguro ang schedule nito.

Yassie: hey sab?!

Sabrina: ha?

Yassie: so ano na?

Sabrina: hmmm nothing special

Yassie: what?!

Sabrina: oo! Wala akong nakikita na special, tulad lang sya nang ibang lalaki dito sa school! Happy? Tara na nga malelate na tayo!




A/N : So ayan.. first chapter palang kaya medyo boring pa... pero iniisip ko plang yung mga mangyayari sa mga susunod na eksena naeexcite nako isulat. Kung pwede lang copy paste ko nalang lahat nang nasa utak ko at ideretso dito sa wattpad ginawa kona , ang nakaka drain kasi eh yung pagtatype.

So ayun comment kayo kung tutuloy ko pa ba tong story o wag na, bigay din kayo nang suggestion para sa story na to. Mag uupdate ako pag may kahit isa na nagcomment na tuloy ko.

Ill wait..

I Dont wanna Fall for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon