1

12 1 1
                                    

"CONGRATULATIONS TO ALL THE GRADUATES OF MABABANG PAARALAN NG SAN PEDRO HIGH SCHOOL."

Bati ng emcee sa aming nagsipagtapos.

Tumayo na ako sa kinakaupuan ko at nilapitan si mama.

"MAMA"

Tuwang tuwa kong tawag sa kanya.

Isinuot ko sa kanya ang mga medalya ko ng makalapit na siya sa akin.

"Congratulations anak, ang galing-galing mo."

"Kanino pa ba ako magmamana?"

Ngumiti lang si mama.

"Congratulations Valedictorian"

Si kiko best friend ko.

"Congratulations din MVP of the year"

Bati ko din sa kanya.

Niyakap ko din siya ng mahigpit.

"Tara na kumain tayo sa labas, kiko sumama ka na."

"Oo tita Minda sasama ako kahit hindi mo sabihin ahahaha"

"Loko-loko ka talagang bata ka. Ngapala bakit wala kang kasama?"

"Si tita nag jo-joke. Syempre busy si mama sa mga hapon niya don sa Japan."

"Si Mayor Kiks? "

Tanong ko naman sa kanya.

"Ang chismosa niyong mag nanay ah."

Sabay siningkitan kami ni kiko ng mata.

Natawa naman kami ni mama.

"Busy si mayor e. Graduation din kasi ni Marcus."

Anak ni Mayor Vueneventura si Kiko sa isang Japayuki tanggap naman siya ng asawa at mga anak ni Mayor, bilang tao nga lang hindi bilang anak o kapatid. Mag-isa lang siya sa bahay niya. Si Mayor ang nag paaral sa kanya simula noong tumuntong siya sa paaralan. Pinapadalhan naman siya ng nanay niya ng lapad pero hindi sapat sakto lang sa pangkain niya sa isang linggo at pambili ng iba pa niyang pangangailangan bilang tao.

"Ok lang yan Kiks andito naman ako e."

Ngiti sabay kindat ko sa kanya.

Ginulo naman niya ang buhok ko.

"Kiks naman e."

Ang tagal Kong sinuklay yung buhok ko tapos guguluhin Lang niya!

"Oh kayong dalawa papasok ba kayo o ano?"

Napatingin naman kami kay mama na nasa harap ng mamahaling restaurant. Pag sinabi kong mamahalin mamahalin talaga!

"Tita Minda ano gagawin natin dyan?"

"Ma pag a-applyin niyo po bang taga linis ng banyo si Kiko dyan?"

"Aray naman ma oh si kiko! Pag ako nabobo."

Sinapok ba naman ako.

"Ang kulit niyo talagang dalawa. Pumasok na tayo."

"Ma ang mahal mahal diyan e."

"Akong bahala. Pinagipunan ko talaga tong araw na to."

"Oh ano pang hinihintay natin Let's get it on!"

Hiyaw ni Kiko habang may pataas taas pa ng kamay yung parang champion. Baliw talaga to.

Nang nasa loob na kami pumwesto kami sa pinaka dulo nila mama.

"Ma sure ka ba? Pwede namang sa Fast Food Chain na lang e. Baka mag tae si kiko dito."

Bulong ko yung saktong silang dalawa lang makakarinig.

"Anak ng ako na naman!"

Sigaw na naman ni Kiko sabay hampas sa lamesa.

Napatingin naman samin ang mga tao.

Mga taong sa tingin pa lang alam mong nanunuya na dahil mga mayayaman.

"Napakaingay mo Kiks ah baka palabasin tayo dito."

Pabirong sabi sa kanya ni mama.

"Sorry po. "

Gaya niya sa tono ni chichay.

Tapos nag peace sign naman siya katulad ng kay Kiko ng Crazy Beautiful You.

Tukayo nga daw niya yon e.

Pareho daw silang gwapo nung si Daniel Padilla.

Pwet Lang siya non e. Asawa ko kaya yun. ♥♥♥

"Good Evening Madams and Sir."

Sabay abot sa amin ng Menu Book.

"Jusko Paano"

Bulong ni Kiko. Habang nakakunot ang noo.

"Ano na naman ba Kiks?"

"Hirap bigkasin ng mga pagkain nila."

"Tita Minda Water na lang."

Natawa naman si Mama kay Kiko.

Binuklat ko naman yung Menu Book na inabot sa akin nung waiter.

Mamamiya hirap ngang basahin.

"Jusko Paano"

Bulong ko din.

"I told you mag H2O na lang tayo."

Parang mapapa water na nga lang ako ang hihirap na nga basahin ang mamahal pa.

"Give us 3 Soupe á L' oignon for appetizer. Gigor D' Agneau Pleureur for our Main and Profiteroles for our dessert."

Woaw!! Si mama ba talaga yung nagsalita?

"Best Si tita sinasaniban."

Abno talaga tong si Kiko..

"Shhhh.."

Bawal ko sa kanya.

"What about your drinks ma'am?"

"A bottle of Rosé and water please."

"Ma galing non ah. San mo natutunan yon ah?"

Kinindatan niya lang ako.

Kakaibabe talaga tong si mama. Hahahaha

Nagkulitan nalang kami ni Kiks habang hinihintay yung food namin.

______________________________________________________________________

Si Kiko yung nasa pic.

The Crown Royal Academe Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon