"Bakit Seraphine?"
Galit si mama tinawag niya ako sa second name ko.
"Ma kasi diba pangmayaman lang yung school na yon. Mga artista sa loob at labas ng bansa nag aaral don, mga tagapagmana, anak ng mga business tycoon pati nga ata prinsepe ng englatera doon nag aaral e basta lahat ng may sinabi aa lipunan nandoon ma di ako bagay doon. Baka pagkamalan pa along tagalinis ng CR doon ma e."
Mas lalong nagalit ang expression ni mama.
"Ganyan ba kababa ang tingin mo sa sarili mo Cassandra Seraphine? Ganyan ba kababa ang tingin mo sa ating mahihirap? Ano naman kung anak sila ng mga mayayaman ano naman kung anak ka lang ng katulong. Matalino ka Seraphine yun ung panglaban mo don. Hindi payamanan ang buhay.Ganyan ba kita pinalaki? Pinaranas ko sayo ang ganitong buhay dahil gusto ko maging matapang ka. Gusto ko kayanin mo lahat. Akala ko pa naman matalino ka. Mababaw ka din pala. Pag isipan mo Cassandra para sayo naman ito."
"Pasensya ka na hindi ko kayang maiparanas sayo ang ganoong klasing buhay."
Kasabay non ang pagtalikod niya papasok sa silid niya.
Nasaktan ako sa sinabi ni mama. Alam kong nasaktan ko din siya.
Pero hindi yon ganon e.
Ayoko lang kasing sumubok natatakot along sumubok kasi baka sa huli hindi lang ako yung masaktan pati paligid ko. Alam kong maraming mag babago oras na pumasok ako sa paaralang yon. Takot ako sa pag babago Oo..OK na ko sa ganito e masaya na ako sa ganito kasama si mama, si kiko na best friend ko. Ayokong mangarap ng mas mataas baka sa sobrang taas bumagsak ako hindi ko kayanin. Pero si mama mataas ang pangarap niya sa akin. Kaya kailangan kayanin ko hanggang sa taas para kay mama.
Kinabukasan maaga akong nagising.
Nakita ko si mama sa Kusina nagluluto. Nakabihis na siya ready na siyang pumasok sa Mansion na pinagtratrabahuhan niya.
"Ma."
"Mag almusal ka na aalis na ako. Ikaw na ang bahala dito ikaw na ang bahala sa pananghalian mo humanap ka na lang ng lutong ulam dyan sa labas nag iwan ako ng pera doon sa may tokador."
"Ma sorry. Ma payag na ako."
Mangiyak-ngiyak kong sabi kay mama. Ayokong galit siya sa akin.
Napahinto naman siya sa
ginagawa niya mama.Ngumiti si mama.
"Dapat lang ikaw na nga lang pag a-aralin ikaw pa choosy. Halika nga dito." .
Lumapit ako kay mama at sinalubong ang yakap niya.
"Hindi naman ako nagalit sayo kagabi anak nagalit ako sa sarili ko."
Napatingin ako kay mama habang nakayakap pa din ako sa kanya.
"Galit ako sa sarili ko kasi. Pinagkait ko sayo yung buhay na dapat meron ka. Hindi kita mabigyan ng magandang buhay."
Sabi ni mama.
"Ok lang naman ma e. Hindi naman ako nag rereklamo sa buhay na meron tayo. Masaya na nga ako dito e. Pero tama ka ma dapat hindi lang ako hanggang dito."
"Bata ka pa nga hindi mo pa din naiintindihan."
"Uh? Naintindihan ko naman ma e."
Umiling si mama habang nakangiti.
"Someday maiintindihan mo din."
May binulong si mama pero hindi ko narinig.
"Ano yon ma?"
"Wala sabi ko malelate na ako. Ikaw na ang bahala dito ah aalis na ako."
Kiniss ako ni mama sa noo at lumabas na siya ng bahay.
Magpapakatatag na ako para kay mama.
BINABASA MO ANG
The Crown Royal Academe
FanfictionThis is a school for elites, For the students who came from a well known families, And also know from their own capabilities. Inside and outside the country their names can be heard. What if Cassandra Seraphine, a poor girl from the low classes wil...