5

14 0 1
                                    

"Cass ano order mo?"

"Isaw, betamax tsaka BBQ lang akin kiks. Tsaka Coke ah. Extra rice na lang din."

"Wow ah maka lang ka sa order mo."

"Ihh dali na order na gutom na gutom na ko."

"Oo na bulate."

Nag make face lang naman ako kay Kiko, tsaka na siya pumunta don sa nag iihaw para um-order.

Tahimik ang ambiance dito sa "Mang Danni's Ihaw-Ihaw na", hindi magulo, hindi masyadong matao. Hindi katulad sa ibang kainan maingay, magulo.

Tago din naman kasi to ewan kay mang Danni ayaw atang mag ka customer ahaha.

Diba as a Business minded dapat iisipin mo kung saan mo itatayo yung business mo dapat sa matao para maraming customers, pero marami naman ding bumabalik-balik na customer dito masarap din kasi yung mga tinda ni mang danni tsaka malilinis kahit mga lamang loob, tsaka masarap talaga ang ambiance dito, kaya hindi naman katakataka na kahit tago e kumikita pa din naman si mang danni kasi may mga Loyal Customers siya, parang kami ni Kiko.

Natuklasan lang naman namin  to nung naglilibot-libot kami e sa sobrang layo ng nalakad namin nagutom kami sabay pa ngang nag reklamo yung alaga namin sa tiyan e. Tig isang isaw nga lang non kami kasi wala kaming dalang pera tig 10 lang kaya ayun. Nasarapan kami kaya madalas kami dito kumakain. May kalayuan nga lang sa amin.

Nilingon ko si Kiko na nandoon pa din sa nag i-ihaw, nakikipag tsismisan. Lalaki talagang yon di mapahinga ang bibig. Kaya di na ako nagtataka kung minsan nahuhuli ko siyang nagsasalita mag isa.

Tumayo muna ako at nilapitan yung mga pictures ng mga customers na nakadikit sa dingding. Nandoon din yung picture namin ni Kiko nakataas yung kilikili niya tapos naka pose naman akong nababahuan. Luma na ang ibang pictures yung iba Black and White na yung iba Sepia. Masasabi mo talagang malayo na ang tinakbo ng kainan na ito. Napako ang tingin ko sa isang litrto. Isang lalaking nasa early 30's at isang batang lalaking nasa edad 11 to 15 year-old. Kinunan ang litrato sa harap nitong ihawan. Nakayakap ng parang nakasakal ang lalaking ina-assume kong tatay sa anak niya dahil magkamukha sila. Pareho silang nakangiti ng malapad. Mag ama nga kaya talaga sila? Tinitigan ko pa ng maigi yung litrato.

Parang Familiar.
Parang nakita ko na ang mga ngiting iyon.

"A penny for your thoughts."

Napatingin naman ako sa matandang lalaking nakatayo sa gilid ko.

Nginitian ko naman siya at nilahad ang palad sa harap niya. Nilagyan naman niya ito ng tig pi-piso.  Mga nasa ten pesos din siguro yon. 

"Ang cute nila Mang Danni. Kitang kita mong mahal na mahal nila ang isa't-isa."

Habang nakatingin padin sa litratong naka agaw ng atensyon ko. 

"Magtatay kaya sila?"

Natutuwa ako sa idea ng father and child relationship but at the same time naakakalungkot din kasi hindi ko naranasan magkaroon ng ganoon, ng father figure, tatay na kakalinga sakin hanggang sa lumaki ako, tatay na ituturing kong first love ko, tatay na mag babawal at maghihigpit sakin dahil sa importante ako sa kanya. Yung paghihigpitan ako kasi ayaw akong mapahamak. Yung i-ingatan ako na parang isa akong mamahaling dyamante.

"Yang batang yan, yan si Theo anak ko."

Napatingin naman ako kay Mang Danni.

"Anak niyo po? Ibig sabihin kayo po itong lalaking ito?"

Tinuro ko yung lalaking nasa mids 30's sa litrato.

Ngumiti si Mang Danni. Doon ko nahanap ang sagot sa Tanong ko.

At alam ko na kung bakit familiar ang ngiti ng nasa litrato. 
Nang makabalik na ako sa pwesto namin ni Kiko sakto naman ang pagdating niya dala-dala yung pagkain namin.

"Yeyyy!!"

Palakpak naman ako ng palakpak habang nilalapag ni Kiko yung mga pagkain.

Gutom na talaga ako!!!

"Bes muntanga?"

Epal nitong si Kiko.

"Heeee tagal-tagal mo kasi e."

"Sorry po"

Ginaya na naman niya ang tono ni chichay at ang peace sign ni Kiko ng CBY.

Ini-snob ko lang siya at tinuloy ko na ang paglamon.

"Beshhhh"

Tignan mo to puno ang bibig nagsasalita.

"Oh?"

"Bungal ka talaga hano?"

Napa-pause pa siya kakasakita kasi nilunok pa niya yung laman ng bibig niya.

"Uh?"

Kinapa ko naman yung mga ipin ko ng dila ko. Baka nalunok ko na hindi ko pa alam.

"Hahahahaha ang kalat mo kasi kumain."

Tinignan ko naman yung pinggan ko. 

Oo nga no puro mumug ng kanin ung gilid ng pinggan ko pati yung lap ko.

Ginaya ko naman yung famous peace sign ni Kiko Alcantara ng CBY. Tsaka pinagpagan yung lap Kong puro kanin.

Nahawa na din ako kay bes.  Lakas talaga ng virus nito.

Nagulat naman ako kiks ng inabot ang mukha ko.

"May dumi."

Seryoso niyang sabi.

Yung tipong parang nahiya pa siya, yung parang sa mag joway, yung may malisya.

Nagkatinginan naman kami ng mata sa mata mga 5 seconds.

1

2

3

4

4 1/2

5

"HAHAHAAHAHAHAHAHAHAHHAHAHA"

Sabay naming tawa.

May mga bagay talaga na kami lang dalawa ang nagkakaintindihan.

Napalingon naman ako sa salamin na nasa gilid ko.

Bakit may dumi ako ng sauce sa pisngi?

"Kiko!!!!"

"HAHAHAHAHAHAHA"

Tawa lang naman niya. Kaya pala hinawakan ang pisngi ko wala naman pala talagang dumi nilagyan lang niya ng dumi.

Mukha tuloy akong pusa.

Tumayo naman ako ng padabog para pumunta ng CR. Tawa lang pa din ng tawa yung kulugo don. 

Pag nga naman nagkakaibigan ka ng type AB ohhh.. ABNORMAL -_-

Kinuha ko naman yung cellphone ko sa bulsa ko at nagbukas ng mga text messages, nang biglang........

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Crown Royal Academe Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon