C.6 Sino yun?

15 1 1
                                    

Sabado.

Walang pasok, walang quiz, walang recitation, walang math, walang chemistry. Walang baon at higit sa lahat walang pera T.T huhuhu sucklaugh.

''Mae'' Tawag ko sa kaibigan ko habang nakatingin sa langit.

Nasa village park namin kami ngayon. Nakahiga sa damuhan habang nilalasap ang malamig na simoy ng hangin at habang nagka-cloudgazing.

Oo, cloudgazing kasi hapon eh, wala pang stars. Gets niyo ho naman ata yung sinasabi ko xD.

''Oh?" Sagot naman niya nang di man lang natingin sakin.

"Buti ka pa may adrian na" out of the blue kong sabi.

Nakakaingit kasi yung lovestory nila, pangwattpad lang ang peg.

(A/N: hi guys! Gagawan ko po ng story sina mae at adrian, i hope po na suportahan niyo ^^ TY:))

never kasing sumagi sa isip ko na magkakagustuhan silang dalawa, ba'naman kasing para silang aso't pusa kung magbangayan. Halos oras oras, di ata mabubuo araw nila dati ng hindi nagkakainisan tas sobrang contradict pa ng ugali sa isat isa kaya sino nga bang makakapag sabi na sila at sila pala talaga.

Going stronger and stronger pa, nakakaingit talaga! Sana ako din meron -3-.

"Hahahaha psh! Yung monggi na yun?" Tumawa siya ng malakas. Kuuuu, makamonggi akala mo siya hindi xD. Eh parehas lang naman sila Lol.

"Sows monggi pero mahal mo naman. Nyenyenye mo mae"

Tumawa lang siya.

"Luh makatawa wagas?"

"Magboyfriend ka na kasi para di ka maingit sakin"

"Baka naiingit" nag pout ako. Huhuhu tama siya, naiingit talaga ako. Kakasabi ko nga lang diba kanina? T_T

"Bakit hindi?"

"Hindi" sa kabaliktaran.

"Tot mo! Ligawan mo na kaya yung kapitbahay niyong patay na patay ka!"

"Tse! Never! Ako pa ang manliligaw? Hello! Kahit nasa modern generation tayo ngayon never kong gagawin yan. Over my death beau-"

"Chubby body! HAHAHAHA"

"Tse!" Inarapan ko na lang siya.Siya na SEXY! ako na Chubby -.-

Binalik ko yung tingin ko sa mga ulap. Haaay, parang gusto kong hawakan kaso imposible.

parang siya! Nakikita ko nga halos araw araw kaso imposible namang makilala. Imposibleng maging kaibigan at kahit na maging higit pa sa kaibigan.

*sigh*

Tinamaan na nga ata ako sa lalakeng yun :3.

"Oh? Napapabuntong hininga ka dyan? Problema mo" Akala ko di niya napansin.

Umupo muna ako bago sumagot ng ''wala!" Kahit meron.

"Sows Alli! Maniwala" Umupo na rin siya mula sa pagkakahiga.

"Edi wag kang maniwala"

"Talaga"

Lumapit sa tabi ko si Mae at nagulat na lang ako sa ginawa niya. Boset! Di ako ready.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA PUTEK TAMA N- HAHAHAHAHAHA" Bunghalit na tawa ko ng bigla niya kong kilitiin piste.

Hanggang ngayon di pa rin nagbabago ang lokarit na tu.

"Ano? Problema mo nga?" Hingal niyang sabi.

''Wala ngaaaa" hinihingal ko ding sabi. Grabe! Lakas niya mangiliti.

Sweet CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon