''You may now dismiss" Hayag ng prof namin sa chemistry na si Mam Tano bago umalis ng room.
Haaaay! Pinahirapan nanaman kami ni Chemistry dahil sa Elec. Configuration na 1s-2s-3p blaah blah blah niya. Sumakit tuloy ulo ko, pero masakit naman pag walang ulo? Nyenye corny boset.
''Guys? Tara mcdo tayo!" Yaya ni Krina.
''Osige, gutom na rin ako eh" Sang-ayon naman ni Joan
''Gutom na nga rin mga alaga kong bulate dito" Segunda niya pa habang nakahawak sa flat niyang tyan.
Nagsitawanan naman kaming lahat. Mabababaw lang kasi kami eh sorry naman ^^v xD.
Lumabas na kami ng room tapos dumerecho sa cr para mag ayos ng sarili. Hobby na namin tong mga girls pagkalabas ng room at hobby naman ng mga boys naming classmates ang mag antay samin sa labas ng cr.
Ang babait naming mga girls nu? hayaan niyo na po, dapat naman talagang ang mga boys ang nag aantay sa mga babae kahit ganu pa sila katagal.
HAHAHAnudaw? Hugot ba yun? XD. Edishingshamfu Lol.
"Oy girl nakita ko si Josh kanina sa library'' Chika ni Joan samin habang naglilipstick.
Anyway, Josh is Krina's crush since the first day of class pa pero kasi itong si Josh eh fame kaya di masyadong napapansin si Krina kahit na fame din tong babaitang to.
"Talaga? Talaga?" Kinikilig naman ding sabi ni Krina na talagang napahinto pa sa pag lilipstick. Psh, parang nakita lang naman ni Joan sa library ano bang nakakakilig dun? Buti sana kung...
''bakit?"
Napalingon ako at...
O.O natulala.
Sino ba namang hindi matutulala kung ang malilingunan mo ay isang gwapong nilalang na nakatapis lang ng twalya habang ang bawat patak ng tubig na mula sa buhok niya ay dumadalus-os papunta sa katawan niya.
Napapitlag ako. Boset naalala ko nanaman yung nangyare nung nakaraang araw. Hanu ba! Ilang ara na ang lumipas pero parang ang fresh parin ng body este ng flashback na yun sakin.
''Keisha? Are you okay?" Puna sakin ni Carmi.
"A-ah?"
"HAHAHAHA sabi ko kung okay ka lang? Bigla ka kasing namula dyan" Tumatawa niyang tinuro yung pisnge ko. Shaaaaaks O.O namumula nga.
Napatingin naman sila krina sakin. Hanubayan! Ano bang nangyayare sakin? O.o
"Oo nga!" Sabat pa ni Joan habang sinisipat sipat yung mukha ko. Hay, mag bestfriend talaga sila ni Carmi.
"May sakit ka ba?" Tanong naman ni ate Rose.
"a-ah! Wala po! Wala po! Hahahaha" Ilag ko sa kamay niyang padapo sa noo ko.
"Sure ka ah?" Assure pa niya.
"Opo ate hehehe"
"Osya labas na tayo, yung mga boys dun baka nakabusangot na sa inip hahaha"
And then lumabas na nga kaming lahat sa cr, at tama si ate Rose! Nakabusangot na ang mga boys sa pagkainip.
"Tagal niyo naman, akala namin kinain na kayo ng kubeta" Ani ni JL. Reklamador talaga to kahit kailan psh.
Naglakad na kaming lahat papuntang exit ng building namin. Waaaah, im so starving na! Ang tagal tagal kasi nila mag make up eh, buti pa ko liptint lang okay na C:
--
(Mcdo.BM)
"Buuurp!"
"Ang bastos mo talaga Arjhay!" Sita ni Joan sa dumighay na si Arjhay.
"Sorry naman! Nabusog ako eh"
"Kahit na! Ang baboy mo talaga kahit kailan parehas lang kayo ni JL" Sabat naman ni Carmi.
Sa di nakakaalam, crush ni Carmi si JL kaya kahit walang ginagawa yung isa, napapansin parin siya xD. Kawawang JL
"Ako nanaman nakita mo Carmi"
"Lagi ka namang nakikita niyan eh. Yiiiie" Pang aasar naman ni Nico
"Hahahahaha namumula si Carmi oh!" Kantyaw naman ni arjhay na sinundan naman namin.
Sobrang pula kasi ni Carmi parang kamatis na mapipisa xD. Ang cute tignan *.*
"Yiie Carmi! Dalaga na siya''-Krina
''Yiiiiiie Carmi bagay kayo"-Joan
"Carmi, kailan ba magiging kayo?"-Diesha
"Tumigil nga kayo"
"Sows kunwari ka pa eh! Ligawan mo na nga yan pareng JL Hahahaha"-Chriss
"Oy tigilan niyo na! Iiyak na yan si Carmi hahaha"-ako
"HAHAHAHAHAHAHA"
Dudukot pa sana ako sa lalagyan ng fries ko kaso wala ng laman, langya! Di ko napansin sa kakatawa.
Nagpaalam muna ako sa kanila, sabi ko o-order lang ako sa counter ng fries. Pumayag naman sila at nagpasabay pa! Langya.
"Sama ako!" Sabi ni JL. Kuuu, if I know tatakas lang yan sa pangangantyaw nila krina sa kanilang dalawa ni Carmi.
"Di na! Kaya ko na! Dyan ka na hahahaha" natatawang tinalikuran ko sila at nagpunta na ng counter. Medyo malapit lang naman eh. Mga 3 tables ang pagitan.
"Miss 1 order of large fries and 6 sundaes please thank you" naka smile kong sabi dun sa babae sa counter na agad naman niyang sinuklian din ng smile.
"Keisha?" Napalingon ako sa tumawag sakin.
''Oy Noelle! Gawa mo dito?" Nakangiti kong tanong.
"Ah may sinundo lang kami nito" may inakbayan siyang matangkad na lalake. Natawa pa nga ako kasi medyo average lang yung height ni Noelle kaya parang trying hard siyang abutin yun kasama niya na sobrang tangkad.
"Ahh.." Sabi ko na lang. "Panu una ko ha? Baka matunaw kasi eh" Segunda ko pa sabay nguso sa mga sundaes.
"Ah teka!"
Napahinto ako.
"Siya nga pala si Jam" pakilala niya sa kasama niya na ngiting ngiti. Siraulo talaga, malamang ima-match make nanaman niya ko dun gaya ng ginawa niya sakin kay Robi dati.
"Ah..nice to meet you Jam. Bye guys! I'll go ahead" paalam ko gamit ang aking pinakamatamis na ngiti.
"oy Keisha sino yung mga kausap mo kanina sa counter ha? Mga pogi ah! Pakilala mo naman kami" Bungad sakin ni Tim. Ang lande talaga ng btch na to kahit kailan. Sorry for the word pero yun talaga yung ma-ididescribe mo sa kanya.
"Ah psh! Wala yun, si Noelle lang yun at yung kaibigan niyang si (loading).. nevermind! Nakalimutan ko na yung pangalan eh"
Umupo na ko sa tabi ni Diesha.
"Oh hayan na ang mga sundaes niyo" Sabi ko pa habang kinukuha yung fries ko.
"Thank you Keisha!" Duet naman nung 7nagpasabay ng sundaes (krina, Joan, Diesha, nico, arjhay, Chriss at Porscha)
Kumain, nag groupie/selfie, nag kulitan, asaran, kwentuhan lang kami sa mcdo and after that, nag kanya kanya na ng uwi.
Sila Chriss, kuya Nathan, Krina at ate Rose ay may kotse. Sila porscha, tim at Berah naman yung magkakasabay kasi may kotse si porscha, Rk eh (mag bo-boys hunting nanaman ang mga yan malamang). Si Diesha at Janna sinundo naman ng kani-kanilang mommy't daddy. Si ate Roma,sinundo naman ng asawa niya. Sina Bimbie at Arjhay may motor.
At the rest na naiwan, which is kami nila JL, Carmi, Joan at Nico dahil wala kaming cars na pinag mamalaki, at wala ring sundong magulang ay heto! Nakaupo sa masikip at mainit na jeep. Inaantay na mapuno para makalarga na.
Kasi naman si papa eh, pagnakapasa na lang daw ako sa board exam niya ko bibilhan ng kotse. Tagal tagal pa nun, first year pa lang ako tas balak ko pang mag shift ng course, panu kaya mangyayare yun?
"Ge larga na" Sigaw ng konduktor sabay hampas sa gilid ng jeep.
Hay salamat! Uusad na.

BINABASA MO ANG
Sweet Collide
Novela JuvenilSa unang beses na pagkakabanga, di man sinasadya munit tila ata nahulog na ang puso ko sayo ng di inaasahan.