Chapter 3

19.2K 545 44
                                    

Note: This is the revised version. Please do not confuse yourself with the comments on the comment section. Thank you.

Chapter 3

SUNOD-SUNOD NA KATOK sa pintuan ang nakapagpabalik sa akin sa katinuan. "Luna? What is taking you so long? Are you okay?" It was Symon's voice that I heard. I sighed. Nakalimutan ko na halos ang natamo kong paso sa kamay dahil sa nangyari kanina noong magkasama kami ni Scarlett.

"Luna—"

I immediately cut him off by saying that I am okay. I fixed myself first before walking out of the washroom. Symon checked on me and looked at my hand. When he has made sure that I am fine, he grabbed my other hand and pulled me back to our table.

Si Scarlett ang una kong napansin pagkalabas na pagkalabas sa washroom. Nakatuon lamang ang atensyon niya sa labas na para bang inip na inip na ito at gusto nang umuwi. O marahil ay iniiwasan niya lamang ako dahil sa hiya sa nangyari. It felt awkward being that close to her since we are at each other's throat.

Nagulat na lang ako nang bigla siyang lumingon sa direksyon namin ni Symon. Naramdaman ko na lamang din na uminit ang pisngi ko nang tumingin siya sa akin. Maya-maya ay bumaba ang tingin niya sa magkahawak naming kamay ni Symon tsaka ito nag-rolyo ng mata.

"We asked for some bandages." Xavier handed over the bandages to us. Symon got them and thanked Xavier. He asked me to take a seat and I just silently did what I was told to do so.

"Do you need ice?" Bakas sa maamong mukha ni Lance ang pag-aalala. Kung kanina ay naiinis ako sa kakulitan niya, ngayon naman ay parang napukaw ako dahil sa pag-aalala niya.

"No, I'm fine. Thank you, Lance," nakangiti kong sagot sa kanya.

Maingat na kinuha ni Symon ang napaso kong kamay at nilagyan ng benda. Napapasulyap ako sa direksyon ni Scarlett at nahuhuli ko naman siyang nakatingin sa akin o kaya naman ay sa kamay kong hawak ni Symon ngayon. Hindi ako nagging komportable dahil doon kaya iniwasan ko na lamang na sumulyap sa kanya. Nang matapos bendahan ni Symon ang aking kamay ay nagpatuloy na kami sa pagkain. Mas tahimik na ngayon kumpara kanina.

"I AM REALLY sorry for what has happened earlier. Ako na ang humihingi ng tawad para sa kanya." It was Xavier who approached me and apologized for what happened. Katakot-takot na cold treatment ang ipinaramdam ni Xavier kay Scarlett at hindi na niya ito kinausap simula nang makabalik kami ni Symon.

"No, it's okay."

Napatingin ako sa likuran ni Xavier at nakita si Scarlett na nagpatiuna na papunta sa kotse ng pinsan. Sinundan ni Xavier ng tingin ang taong nakapukaw ng atensyon ko tsaka muling bumaling sa akin.

"Pasensya ka na talaga. Don't worry, I'll talk to her. After all, there is no valid excuse for her to act like that." Muling nag-seryoso si Xavier at ako na ang natatakot para kay Scarlett.

"She apologized to me already. I just thought you will need to know."

Natulala sa akin ang tatlong lalaking kasama ko ngayon na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"She did?" Namamanghang tanong ni Lance. Tumango na lamang ako bilang sagot.

Symon just shook his head in disbelief while Lance laughed softly. "Ihahatid ko na muna si Luna sa kanila," pagboboluntaryo ni Symon.

"Sige, ingat kayo. See you around, Luna." Xavier bid us goodbye and ushered me to Symon's car, opening the door of the shotgun seat for me.

I entered the car and looked at Xavier. "Bye, salamat sa pag-imbita sa akin," I told him.

The Bitch Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon