Note: This is the revised version. Please do not confuse yourself with the comments on the comment section. Thank you.
Chapter 4
IT WAS THE longest 10 minutes of my life. Wala sa amin ang gustong magsalita habang nasa byahe kami patungo sa condo unit ni Scarlett. Para bang pigil na pigil ko ang paghinga dahil sa kabang nararamdaman. Dahil ang condo niya ang mas malapit mula sa school namin, sinabi ni Scarlett na mas mabuti kung dito na lang daw namin gawin ang report naming dalawa. It was kind of awkward though. I was trying my best to avoid her but we ended up together in her place.
"Make yourself comfortable." Rinig kong sabi ni Scarlett matapos ilagay sa mesa ang susi. "Anything you want to eat?"
"W-wala naman. Ikaw na ang bahala," sagot ko naman rito. "Salamat."
Tumango naman siya bago dumiretso sa kusina. Tiningnan ko muna siya doon sa loob upang masigurado na nasa kusina na siya tsaka ko inilibot ang paningin ko. Maganda 'yung lugar niya. Maaliwalas at hindi mo iisipin na babae ang may-ari ng condo na 'to.
"How do you find this place?" Nagulat ako nang makita si Scarlett.
"It's good, ang ganda ng place mo." Sagot ko sa tanong niya nang maka-recover sa pagkagulat.
Inilapag ni Scarlett ang mga pagkain sa table tsaka umupo sa couch. "This isn't my place, actually. This is Xavier's."
Napatingin naman ako sa kanya. "Nakatira kayo dito?"
"Yeah," sagot ni Scarlett. "My parents want me to live with Xavier para raw may nagbabantay pa rin sa akin. Dahil malaki naman 'tong condo niya, pati si Symon sumama na rin sa amin."
Tumango-tango naman ako. "What about Lance?"
"Kababata namin si Lance." Kahit na alam ko na 'yon mula kay Xavier, hinayaan ko na lamang na magsalita si Scarlett dahil ito yata ang unang beses na hindi niya ako sinungitan. "Siya rin ang pinakabata sa aming apat. He doesn't live here with us if that was what you were inquiring about. He is a trust-fund kid who needs attention, especially from his parents. Kaya lumaking spoiled."
There's no doubt on that. Unang kita ko pa lang kay Lance, alam kong hindi na ito sanay sa mga gawaing-bahay o kung ano pa man. Halata sa kanya na nagmula ito sa mayamang pamilya.
"May tanong ka pa ba tungkol sa amin? Shall we start now?" Nakaramdam ako ng hiya dahil sa naging tanong ni Scarlett kaya tumango nalang ako bilang sagot. "Do you need laptop or anything?" Tanong niya at naglakad patungo sa isa sa mga kwarto.
"Yes, please."
Makailang sandali pa, bumalik na si Scarlett na may dalang laptop. We both agreed na ako ang mag-se-search at siya naman ang gagawa ng mismong presentation.
"We have WiFi connection here and connected naman na ang laptop na 'yan. May I have your phone?" Nagulat ako sa huling sinabi ni Scarlett kaya napatingin ako sa kanya.
"What for?" Nakakunot ang noong tanong ko sa kanya.
"I'll put the WiFi password para maka-access," sagot ni Scarlett na nakataas ang kilay. Hindi talaga papatalo sa katarayan ang isang 'to. Kapag pakiramdam niya tinarayan mo siya, mas matindi ang pagtataray na gagawin niya sa'yo.
"Why don't you just tell me?"
"Baka ipagsabi mo kung kanino." Scarlett said humorlessly. Napaisip tuloy ako kung joke ba 'yon. "At better kung hindi mo alam, kasi hindi mo rin magugustuhan kung ano ang password. Xavier may look like a goddamned good guy, but may I tell you, may kalokohan din ang taong 'yon."
BINABASA MO ANG
The Bitch Has Changed
Teen FictionLove Wins Series #1: Haven Scarlett Perez, the most popular campus bitch, changed the moment Luna Eunice Tuazon came into their lives. They used to hate each other until one day, they developed their feelings for each other. But there are problems t...