Isang babaeng lobo si Odette na isa sa mga "princesses of the lunar sky'' ng wolf kingdom ng Na eb. Ang isa sa mga bumuboo sa tatsulok ng kalangitan. Isa iyong kwintas na hugis tatsulok na may tatlong bahagi. Ang una ay para sa mga princesses of the lunar sky. ang buwan ng mga babaeng lobo. ang pangalawa ay para sa mga princesses of the dark sky ng shadow kingdom o ang kalawakan ng mga babaeng warlock at ang pangatlong bahagi ay para sa mga princesses of the starnight sky ng blood kingdom o ang mga ng mga babaeng bampira. ang bawat bahagi ng tatsulok ay may tatlong tagapangalaga. Tatlong prinsesa sa bawat isa.
Nang matuklasan niya ang Sea of tranquil mula sa mga matatanda, nagpunta siya agad at sumama sa isang sirena dahil may alam daw itong mas magandang lugar at napadpad siya sa isang Fairyland na tinatawag na Elkinsville na puno ng mga bulaklak, glitters at fairies. Alam niyang allergic sa mga bulaklak ang angkan ng pamilya ng lobong pinagmulan niya---Kaya isa itong napakahirap na pagsubok para sa kaniya. Hindi siya katanggap tanggap sa mundong iyon dahil nadin sakaniyang itsurang gothic. kaya inaway siya ng mga pixies, fairies at elves at sinumpong siya ng galit at lumabas ang pagka warewolf niya. namatay ang isang pixie na labis ikinagalit ng prinsesa nila na si Honeybalm. Ipinagtanggol siya ng isang sun elf na si Phoenix at nagkaroon si Odette ng tagapagtanggol at kaibigan. Kalaunan ay natutunan, nilang ibigin ang isat isa. Dumating ang isang mandirigmang lobo na si Helion na pinsan ni Odette para sunduin siya, matagal siya nitong hinanap bago nito nalaman na nasa Elkinsville siya. Doon nito nalaman na may kaugnayan sa isat isa si Honeybalm at Odette---na magkapareho sila ng ina, isang tao. Nalaman din ni Helion na buntis si Odette sa sun elf na si Mirasol.