Chapter 1

18 0 0
                                    

   Hindi makatulog si Odette dahil sa kaiisip niya kung ano ang misteryong bumabalot sa Sea of Tranquil na sinasabi ng mga matatandang lobo sa mundo nila. Ito daw ang lagusan patungo sa lugar ng ibang nilalang, isang hindi ka aya ayang lugar para sa mga warlock, lobo at bampira.

Delikado daw ang magpunta dito dahil kapag nahigop ka ng dagat, ay mahihirapan kang bumalik o posibleng hindi na makabalik.

Halos kabisado niya ang lahat ng lugar sa mundo nila. Ang Na eb, ang Te Jerab, Sangve, El Diablo, Eek El geh Volcano, ang mga bundok ng Lanoz at Beizi, ang kagubatan ng Pan Jab Elza, Silo dessert, City of Benbenize, Giph Raj Grave yard, Helliom, Gullien, Wisteria, York River at ang The lost Power plant. Itong Sea of tranquil lang talaga ang hindi niya alam dahil ayaw sabihin ng matatanda o nang iba pang nakakaalam ang tungkol doon, maging ang prinsesa ng warlocks at bampira ay gusto ring malaman ang tungkol dun.

    Ang Na eb, ito ang lugar kung saan sila nakatira. May tatlong kahariang nakatayo dito. Ang Wolf kingdom, ang shadow kingdom at ang blood kingdom. Magkakadugtong ang tatlong kaharian. Magkakadugtong ang tatlong kaharian dahil sa isang napakaimportanteng dahilan. Kailangan nilang pangalagaan ang life pendant at kailangan nilang protektahan ang nasasakupan nila. Isa itong gintong trianggulo na may tatlong hiyas sa gitna. Ang puting hiyas ay sumisimbolo sa buwan na para sa mga lobo. Ang itim na hiyas ay sumisimbolo sa anino na para sa mga warlocks at ang pulang hiyas ay sumisimbolo sa dugo na para sa mga bampira.Pinaghiwahiwalay ang mga life pendant at nilagay at tig iisa nito sa tatlong kaharian para hindi ito madaling manakaw ng ninuman. Ang bawat isang piraso ng life pendant ay nakalagay sa isang seguridad na kuwarto na tanging mga kamay lang nilang tatlo ang maaaring makahawak, dahil mahigpit na nababantayan ng mga guwardiya ang kuwarto.

   Kailangan nilang mapangalagaan ang pendant para sa nalalapit na pagkasira ng boong mundo, hindi sila dapat mamatay nang hindi natatapos ang misyon nila. Kung may mamatay man sakanila, tuluyan nang hindi magkakadugtong ang tatlong bahagi ng life pendant at maglalaho ang lahat ng dimensyon sa kalawakan. kasama na doon ang mundo nila at nang iba pang mga dimensyon, lalamunin ng dilim ang liwanag at mapupuno ang kalawakan ng panghabang buhay na kadiliman.

  Ang Te Jerab, ang lugar kung saan sinasanay ng mabuti ang mga anak ng mga kawal at guwardiya ng tatlong kaharian para sa susunod pang henerasyon. Kumpleto ito sa gamit na armas.

   Ang Sangve, kung saan ginagawa ang ilang botelya ng mga majika, at ang pag dedeliver ng dugo ng tao mula sa mundo ng mga tao---karamihan nakukuha sa ospital. para sa mga bampira. Dito din iniimbak ang mga laman loob ng mga taong makasalanan para sa mga lobo. Dito din ikinukulong ang mga kaluluwa ng mga taong pumapatay, nang gagahasa at nang aalipusta ng inosente mula sa mundo ng mga tao, sila ang kinakain ng mga warlocks.

   El Diablo, dito ipinapatapon ang mga lobo, warlocks, at bampirang lumabag sa batas ng paulit ulit. Walang hanggang pagpapahirap ang mararanasan dito.

   Eek El Geh volcano, ang bulkan na minuminuto ay sumasabog.

   Ang mga bundok ng Lanoz at Beizi

   Hindi pinansin ni Odette ang panganib, gusto niyang malaman kung ano ang itsura ng mundo sa kabila.

   Umuulan ng gabing iyon kaya sigurado siyang tulog na ang mga matatanda sa lugar.

"Diego!" Tinawag niya ang alagang abuhing daga na sinlaki ng isang tao at inutos niyang samahan siya sa Sea of tranquil.

   Nagbago siya ng anyo at naging taong lobo. Tumakbo sila ng sabay at tinawid pa nila ang dalawang bundok ng Lanoz at Beizi bago nila marating ang Sea of Tranquil.

"Bumalik ka at ipaalam sakanilang lahat na maayos lang ako, babalik ako.'' Tinapik niya ang tungki ng ilong ng alaga nito bago ito pinaalis at ibinalik na niya ang sarili sa pagiging tao.

   Tinitignan niya ang kalmado at madilim na alon sa dagat nang may biglang naghampas sakaniya ng malamig at mabangong tubig na amoy bulaklak. "Aray!" Agad niyang pinunasan ang mukha niyang nabasa ng tubig, nakita niya ang isang buntot ng sirena na pumalo sa tubig bago pa ito umalis.

Sirena? Napakaganda ng buntot ng sirena at malago, parang isang malambot na feather dust na kulay lila. Alam niyang ayaw na niyang maging isa sa mga prinsesa ng Lunar kingdom, Ang alam niya lang ay gusto niya ng makulay na pamumuhay, ayaw na niya ng dilim.

   Desidido na siyang languyin ang dagat, Umapak siya sa sa tubig at naglakad hanggang sa nakalubog na siya ng tuluyan sa tubig.

   Ang tubig... Madilim lang sa taas pero nang mailubog na niya ang ulo niya ay maliwanag ito at napaka kalmado. Napakaganda. Maraming makukulay na halamang dagat. Isang tahanan ng mga sirena. Pinag sawa niya ang ang mga mata niya sa mga halamang may ibat ibang kulay.

   "Anong ginagawa mo dito, taong lobo?" Isa iyong sirena. Mukhang mas gulat ito kaysa sa kaniya.

   "Wag kang matakot. Hindi ako masamang lobo. Gusto ko sanang makita kung gaano kaganda ang lugar na ito. Usap usapan kasi ito sa amin." Napasinghap siya nang matanto niyang nagsalita siya sa ilalim ng tubig.

   "Ganun ba? May mas maganda pa akong lugar na alam. Oo nga pala. Nakakapag salita ka sa ilalim ng tubig dahil nasa sea of tranquil ka. Ang lugar ng mga sirena." Sabi ng sirena. "Ako nga pala si Eevie. Gusto mo bang sumama sa akin?''

   Sumang ayon siya agad ng walang alinlangan. Sumama siya kay Eevie. Nilangoy nila ang dagat.

"Nakakahinga ka ba ng maayos?" Tanong ni Eevie.

"Oo. Bakit ako nakakahinga at nakakapag salita dito eh hindi naman ako isang sirena?"

"Dahil nilagyan kita ng magic. Isang spell na kayang gawin ng mga sirena."

"Magic?"

"Oo. Natatandaan mo ba yung hinampasan kita ng tubig kanina? May kasamang spell ang tubig na iyon."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lost in ElkinsvilleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon