II

14 0 0
                                    

At the wedding...

ANGELO

"Nasaan na kaya yun?" palingon lingon ako sa pinto ng simbahan at sa mga nagdadatingang guests.

"Anak, relax. Nagtext ninang mo. Papunta pa lang sila at galing sila sa tita Anne niyo." sabi ni mama habang tinatapik ako sa balikat. "Oh, ayan na pala sila!" at napalingon naman ako.

"Hi Ye-" kakaway na sana ako nang napahinto ako nang makita kong naka angkla sya sa lalaking kasama niya.

"Pare! Nandito ka na pala! Kelan ka pa dumating?" lumapit si mama na tila nakalimutang kasama niya ko. Napailing na lang ako at unti unti na rin akong lumapit kahit medyo kinakabahan.

"Kanina lang, mare. Sinorpresa ko si Anne at ang mag ina ko. Valentines day na next week. Tsaka pwede ba namang wala ako sa kasal ng nagiisang kapatid ko? Eh iyakin pa man din yun." nagtawanan sila at biglang bumaling sa akin ang tingin ng tatay ni yesha.

"O Lara, eto na ba ang Unico hijo mo?" hindi inaalis ni ninong Anton ang tingin niya sakin habang nagtatanong sya kay mama. Lumingon naman si mama sa akin at hinawakan ang braso ko.

"Ah, oo. Sana pare, kalimutan na natin yung nangyari. Almost 8 years ago na yun."

"Yun ba naman eh makakalimutan ko? Syempre hindi!" sabi ni ninong anton. Kinabahan naman ako sa tila galit na galit na titig ni ninong.

"Pero marunong naman akong magpatawad..." tila nabunutan ako ng tinik nang ngumiti si ninong at nagtawanan uli sila.

"Ikaw naman? Kamusta ka, mare? May balita ka pa ba kay Alex?"

"Haynako, anton! Hindi na dapat hinahanap ang wala. Gelo's turning 21. For 8 years, nabuhay kami nitong binata ko na walang suporta ng ama niyang loko. O di ba? 2-in-1 ako di ba?" nagtawanan ulit sila.

Tinitigan ko naman si Yesha. She's wearing a green gown, light makeup, and a sweet smile. Napakaganda ng ngiti nya. Hindi pa din nagbabago ang itsura niya mula ng pagkabata namin. Simple pa din sya. And her scar sa bandang gilid ng noo nya. Tinatago nya yun ng bangs nya pero kitang kita ko pa din yun. Bigla ko na namang naalala yung nangyari 8 years ago...

May 15, 2008
Sa resort. Birthday celebration namin ni Yesha. Outing with my family and yesha's. Everyone is busy. Kanya kanyang ginagawa. Ako, si yesha at tita anne ay nagkakaraoke. Duet muna kami ni ice. Yung theme song namin bilang bestfriends. Bestfriends sina tita anne, mommy ni yesha at mama ko kaya bata pa lang magkakasama na kami.

'And life is a road that I wanna keep going
Love is a river, I wanna keep flowing
Life is a road, now and forever
Wonderful journey
I'll be there when the world stops turning
I'll be there when the storm is through
In the end I wanna be standing at the beginning with you'

"Anne, halina kayo! Kakain na. Magbblow na din ng candles yang dalawang celebrant!" tinawag na kami ni ninong Anton. Sabay sabay naman silang umawit pagkasindi ng kandila namin. 10 kay yesha, 13 naman sakin.

"Happy, happy happy! Birthday, birthday birthday! Happy, happy birthday! Happy birthday YeLo!" pag awit nila.

"Blow the candles na, mga anak!" sabi ni ninang yana. Nagkatinginan muna kami ni yesha at sabay kami nagblow ng candles namin. Nagpalakpakan naman sila. "Tara! Kain na tayo!" sabi ng daddy ko. Kumain na kami. Tuwang tuwa naman kami ni yesha kase ang dami naming handa at kumpleto ang pamilya namin. Masayang kumakain ang lahat nang biglang..

"Papa!" sigaw ng isang batang lalaki. Napalingon kaming lahat sa kinaroroonan ng boses na narinig namin. Halos kasing edad lang siguro siya ni yesha. Nagulat kaming lahat nang bigla siyang yumakap sa daddy ko. Lahat ay tahimik at tila naguguluhan at napapaisip kung sino yung batang lalaki na yun. Kahit si daddy ay naguguluhan. Biglang may lumapit na babae sa gawi namin. Nakasuot siya ng simpleng t-shirt at maong pants. Nanlaki naman ang mata ni dad nang makita ang babae. "Cynthia?" gulat na sabi ni daddy. "Pasensya na, Alex. Hindi ko intensyong manggulo. Gusto ka lang makita ng anak mo ngayong birthday niya. Sabi niya natupad daw yung wish niyang makita ka. Nakita ka ni Anthony habang nagbabayad ka ng accomodation fee sa admin. Kinulit niya kong hanapin ka kaya sinamahan ko na." sabi nung babae. Tiningnan ko naman si mama. Naiiyak siya kaya nilapitan ko siya.

Conveyed to RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon