I

12 0 0
                                    

YESHA

"Uy teka sandali! Haha! Teka napapagod na ko." hingal na sabi ko habang humihinto sa pagtakbo at nangingiti.

"Pagod ka na? Kala ko ba walang hintuan? Haha!" sabi niya at lumapit naman siya sakin. "Halika na nga! Ang hina mo! Parang ikaw pa tong may hika sa atin." hahawakan niya na ang kamay ko.

"Taya! Hahaha!" sabay takbo.

"Ah ganon ah? Huli ka!"

Niyakap niya ko at humiga kami sa bermuda grass dito sa park habang nagtatawanan.

"Haaaayyy.. Sana ganito na lang tayo lagi.." sabi niya at tumagilid sya at humarap sakin.

"Sana nga eh. Ang sarap sa pakiramdam no? Yung parang tayo lang ang tao sa mundong to?" sagot ko sa kanya habang humaharap din ako sa kanya.

"Yun ba ang gusto mo? Dalawa lang tayo? Mangyayari yun. Basta walang iwanan ha?" hinawakan niya ang pisngi ko at unti unti niyang nilalapit ang mukha niya. Pumikit ako at...

"Ma'am Yesha.. Gising na po." sabi ni ate Jona habang tinatapik ako. Bumangon naman ako. Kinusot ko yung mata ko at napatingin sa alarm clock ko na nasa bedside table ko. Bumaling naman yung tingin ko kay ate jona habang naguunat.

"Sorry po kung naabala ko yung tulog mo ma'am. Eh kase po yung mommy niyo pinapagising na kayo." May halong kabang sabi ni ate jona.

"Okay lang ate. Pero bakit parang ang aga naman? 6am pa lang oh! 11am pa yung kasal ni tita Anne." Sumagot naman si ate jona na animo'y kinakabahan pa din.

"Eh maam basta po pinagising lang po kayo sakin. Bumaba na daw po kayo para mag almusal saka daw po kayo maghanda dahil 8am daw po darating na yung magaayos sa inyo. Pasensya na mam"

"Sige ate. Salamat. Tsaka ate, last na to ha? YESHA na lang." pagdiin ko sa pangalan ko. "Nakakailang kase talaga yung 'Maam' eh. Di naman ako teacher. Tsaka 17 lang ako ate. Di bagay." sabay ngiti kay ate jona habang hinahanap ko yung phone ko sa ilalim ng mga unan ko.

"Eh mam baka po kase sabihin ng mommy nyo, kahapon pa lang ako nagsimula bilang personal assistant niyo, nakikiclose na agad ako sa inyo. Tsaka sabi ni Maam Yana magalang daw dapat ak-"

"Hep! Ako na bahalang magsabi kay mommy, ate. 21 ka lang dba? Almost 3yrs lang ang gap natin. I'm almost 18. Tsaka isa pa, anak ka ni Nanay Minda. Ang tagal nya ng cook dito. So dapat di ka na nahihiya. Sa ngayon, bumaba ka na dun at susunod na ko. Salamat ate!"

I'm Ava Yesha Concepcion. Only child ako kaya gusto ni mommy na may "P.A." ako. Well. Pinaganda nya lang. Kase sa totoo lang baby pa din turing nya sakin kaya she wants me to have a nanny. Ayoko talaga. I want to be independent by this time. After all, I'm turning 18. Kaya lang mapilit si mommy eh. Yun na lang daw yung favor nya sakin. Ganyan na sya since that incident 8 years ago kaya sunod na lang. She's a pediatrician kaya ganun na lang niya ko baby-hin. I want to be like mom. Mahilig din kase ako sa bata. That's why I'm taking up BS Biology sa East Asia University. Pre-med course. Si tatay naman nasa England. Chef sya dun sa sarili niyang fine dining resto. Yes. You heard it right. I call him "Tatay". Yun na talaga since birth kase hindi naman kami mayaman dati. Pero gusto nila kahit umangat na pamumuhay namin, hindi pa din kami magbabago. Motto nga namin, "Always keep your feet on the ground."

Pag baba ni ate Jona, nagtoothbrush na ko, nagpalit ng damit, then nagcheck ako ng facebook ko. Pilit kong hinahanap sa friends ko yung lalaki sa panaginip ko. Pero ibang mukha ang laging nakikita ko. The guy who's not tired of annoying me. Yun bang magmemessage para lang magpickup line. Wala namang kaasar asar dun. The thing is, the message is like this..

Conveyed to RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon