III

11 1 0
                                    

YESHA

"Hey! Kamusta na? Nakalimutan mo na ata ako?" sabi niya.

"Hi! At bakit naman kita makakalimutan? Ikaw pa ba? Isa ka sa mga taong ayaw kong makalimutan. At ayaw kong mawala." sagot ko habang niyakap at nginitian ko sya.

"At isa dun si Angelo, tama ba?" tila nagseselos yung tinig niya.

"Ehem! Nagselos daw ba sa childhood bestfriend ko?" ngumisi ako.

"Mahal ka niya, Ava. Liligawan ka nga niya di ba? And take note of this. Ngayong okay na kayo, you'll fall in love with him without you knowing it. I have to go now. Promise me, you'll take care of yourself while I'm away." he kissed me on my forehead then he turned his back and walked.

Natulala ako. He's few steps away from me nang marealize kong hindi nga pala sila magkakilala ni Gelo kaya hinabol ko siya. Hinawakan ko sya sa pulso niya at tumingin sya sakin.

"Bakit mo kilala si gelo?" pagtatakang tanong ko.

"Alam ko lang na siya yung aagaw sayo sa akin at siya ang pin-"

"Ava.. Gising na. Nandun sa baba si gelo. May lakad daw kayo?" si mommy ang gumising sa akin. Nakalimutan kong nagpapasama nga pala si gelo.

"Mommy naman eh..."

"Oh? Bakit?"

"Wala po. Ang aga naman ni gelo?" pero ang totoo, gusto kong matulog ulit dahil naistorbo ni mommy yung panaginip ko.

"Eh nak, saan ba kayo pupunta?"

"Hindi ko po alam mommy eh. May bibilhin daw?"

"Mukhang okay na kayo ah? Its really good seeing you two back together."

"Mommy naman! Para namang boyfriend ko na si gelo? Hindi pa po kami. Tsaka mom, alam mo namang hindi yan ang first priority ko."

"Defensive, ava? Ava, ava, ava! (Aba, aba, aba) Alam ko yun, anak. Ayoko din ng mag nobyo ka agad. Ang akin lang, if you're having a hard time choosing a guy from your 'manliligaw-s' I suggest you pick Angelo. He's a nice guy. And I think he's good for you. After all, kilalang kilala niyo ang isa't isa. Pero anak, there's no need to rush, okay? I still want to see you manage your own clinic. Okay?"

"Haaaaayy.. Mommy talaga. I know where this is heading. To the drama club! Hahahaha!" nagtawanan kami at nagyakapan.

"O sige na. You should prepare na. I think your prince charming is waiting too long na." forehead kiss then lumabas na si mommy.

Nag ayos na ako at bumaba. Nakita ko si gelo na umiinom ng tubig. Magkausap sila ni tatay. Tinawag ko sya habang bumababa ako.

"Ice!" at ngumiti ako. Lumingon sya at natulala na halos mabitawan yung basong hawak niya.

"You like it?" nakangiting tanong ko.

"Bumaba ka na lang dito at kanina pa naghihintay itong romeo mo. Haaaayy, babae talaga. Tsktsk!" si tatay sabay ngumiting tila nangaasar. At nagtawanan naman sila. Wow! Okay na sila. As in.

"Oh! Gelo! Ingatan mo yang prinsesa ko ha? Nagiisa lang yan." nakangiting sabi ni tatay.

Nagtawanan kami at pagkatapos nagpaalam na kami.

"Sige po, ninong. Don't you worry po. I will take good care of your princess. Rare na kase sya eh. Haha!" sabi ni Angelo habang nakatitig sa akin. I must say. Okay na nga sila.

Di ko alam kung matatawa o kikiligin ba ako sa sinabi niya.

"Okay tatay, mommy. Alis na po kami." and I kissed mom and tatay na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Conveyed to RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon