Chapter 15 : Ashley Meets Miranda And Jacob...Again

30.7K 611 52
                                    

BOBBY

"HI, BOBBY!" MASAYANG bati ni Miranda nang mabungaran niya ako sa labas ng classroom niya.

Sanay na si Miranda na minsan ay inaabangan ko siya sa labas ng classroom niya. Minsan kasi ay may vacant period ako na sabay sa vacant period niya at yayayain ko siyang magmeryenda. O kaya naman ay sasaglit ako sa labas ng classroom niya dahil may ipinaaabot si Cobi para sa kanya.

May mga kaklase siyang nakatingin sa akin kaya nginitian ko ang mga ito. They walked away giggling.

Ibinalik ko ang tingin kay Miranda. "Hi, Mira," nakangiti kong bati. "How are you?"

"I'm doing good." She gently punched me on the arm. "How are you?" nandidilat pa ang matang balik-tanong niya. "Parang ang busy mo lately. Ano bang pinagkakaabalahan mo lately, hmmm?" may halong panunukso ang huling tanong niya.

I chuckled and scratch the back of my head. "Can I talk to you?" paiwas kong tanong sa sinabi niya.

Kumunot ang noo ni Miranda. "Oo naman. Ikaw pa," aniya na hindi pa rin nawawala ang panunukso sa boses.

"Cafeteria or The Coffee Shop?" tanong ko na ang tinutukoy kong The Coffee Shop ay ang coffee shop sa labas ng campus.

She smiled. "Cafeteria na lang. Ililibre mo ako?"

"Oo naman. Ikaw pa," nakangiti kong sagot.

Pagkatapos ay sabay na kaming naglakad papuntang cafeteria.

Naaalala ko noong kami pa ni Kate ay madalas din kaming lumalabas on a double date kasama sina Cobi at Miranda. Kaya naging close na kami at maging siya kay Kate.

Sobra siyang nalungkot nang mag-break kami ni Kate. Pinag-iisipan pa nga niyang kausapin si Kate para pag-ayusin kami pero hindi na niya ginawa nang malaman niyang may kapalit na ako sa puso ni Kate. Wala na raw dahilan para gawin niya iyon dahil nagdesisyon na si Kate na makipagrelasyon sa iba.

Habang naglalakad kami ay panay ang kwento niya habang ako naman ay nakikinig lang. Paminsan-minsan ay natatawa ako sa mga kwento niya. Madaldal si Miranda. Very bubbly at friendly. Papasang Miss Congeniality. Bukod pa sa maganda at charming. Naalala ko tuloy ang araw na sabihin sa akin ni Cobi ang tungkol sa kanya.

Ditch your class. Meet me at the auditorium. Now.

Kumunot ang noo ko nang mabasa ko ang text ni Cobi.

Seems urgent, naisip ko.

But just the same, I ditched my next class and walked to the auditorium instead.

Habang naglalakad ako papuntang auditorium ay nag-iisip ako kung anong meron doon. Ang alam ko lang ay merong ginaganap na orientation para sa mga freshmen at transferees doon. It was our first day of school. At lahat ng freshmen at transferees ay sa auditorium ang tuloy.

Cobi Maravilla was my best friend since elementary. Pareho kami ng pinanggalingang high school at sabay na pumasok sa Holy Family University o HFU, him taking up Business Administration while I was taking up B.S. Biology, now both as college sophomores.

We were also part of the HFU's Roaring Lions varsity baskteball team.

Nang marating ko ang auditorium ay nakita kong nakatayo si Cobi sa labas niyon. He smiled when he saw me.

"Anong meron?" tanong ko nang makalapit ako sa kanya. "Make sure it's all worth it because I ditched my class for this."

Cobi smiled again. I studied his face. He looked...happy. The kind of happy that was somewhat-dreamy-and-as-if-he-is-on-cloud nine-happy. "It is."

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon