Chapter 30 : My Gracie, My Perfect Imperfection

29.2K 550 186
                                    

BOBBY

NAGPAPALIT AKO NG t-shirt nang makarinig ako ng mahihinang katok sa pinto ng kuwarto ko. I let out an exasperated sigh. My family would not get me off the issue easily. Sabagay, alam ko namang hindi naman dito magtatapos ang issue namin ng mommy at mga ate ko tungkol kay Gracie.

Pero malinaw ang nasa utak at puso ko-I will fight for my Gracie. I promised her that.

I did not acknowledge the knocking-whoever it was. Ipinagpatuloy ko lang ang pagbibihis ko.

Pagkatapos ng marahan mga katok na iyon ay bumukas ang pinto at inuluwa si Ate Romina.

Sa pamilya namin, si Ate Romina ang taga-awat sa away at tagapag-alaga sa aming magkakapatid kapag nasa abroad ang mom and dad, kahit na noong mag-asawa na siya. She was the best spoiler-lalo na sa akin. Sunod ang layaw ko sa kanya. Minsan kapag may gusto ako na ayaw ng mom and dad, siya ang nagbibigay. Dakilang kunsintidora ang tawag namin sa kanya. She self-appointed that position in the family. Siguro ay dahil siya ang panganay.

"Aalis ka?" tanong niya nang makita niyang nagpalit ako ng t-shirt.

Saglit lang akong tumingin sa kanya. "Pupuntahan ko si Gracie." Nasa tono ko ang determinasyon. Na walang makakapigil sa akin sinuman sa kanila.

"Can I talk to you?" malambing niyang tanong habang isang alanganing ngiti ang nasa labi.

Napakamot ako sa likod ng ulo habang nakakunot ang noo ko. "Ikaw ba ang abogadong ipinadala nila para kausapin ako?" sarkastiko kong sabi.

She smiled, not minding the sarcasm in my voice. "I am a doctor, not a lawyer. But I sent myself, just the same.

Umupo siya sa gilid ng kama ko. She tapped the empty space beside me, motioning me to sit down, too.

Napasuklay ako sa buhok at bumuntong-hininga saka umupo sa tabi niya. Ipinatong ko ang magkabilang-siko ko sa hita ko at napahilamos sa mukha. Honestly, I did not know what to say without sounding sarcastic and frustrated.

A long silence fell between us.

Humigit muna ako ng isang malalim na buntong-hininga bago ako nagsalita. Just to calm myself. I was raging inside and I did not want to vent it out to my ate, nor to my whole family for that matter. Hindi ko gustong umabot ako roon dahil siguradong pagsisisihan ko iyon sa bandang huli.

"Why?" Mahina pero puno ng hinanakit ang tanong kong iyon. Tumingin ako kay Ate Romina. Alam kong nakaguhit din sa mukha ko ang hinanakit. Kahit hindi ko i-elaborate, alam ng Ate Romina kung ano ang tinutukoy ko.

Hindi siya nakapagsalita. Siguro ay pinag-iisipang mabuti ang isasagot sa akin.

"The need to protect me from Ashley was-" Huminto ako. "Pardon the word, but it was bullshit. It was bullshit to the highest extent," pigil ang emosyon na sabi ko.

Hindi nagsalita si Ate Romina. Parang hinahayaan lang niya akong ilabas ang kung anumang hinanakit at frustration na nararamdaman ko dahil sa nangyari at sitwasyon.

"Ganu'n ba kahalaga sa inyo ang family background ng babaeng mamahalin ko?" parang batang nagtatampong tanong ko. "Sapat na bang dahilan ang pagiging anak sa labas ni Gracie para bastusin n'yo s'ya sa harap ko? It was tantamount to saying to her face that she is not deserving to belong to this family. At nasasaktan ako para kay Gracie kasi mahal ko siya." Isang nagpapaintinding tingin ang ibinigay ko sa ate ko. "Mahal ko siya," mariin kong ulit. "I love Gracie despite her flaws. She isn't perfect but I love her just as she is. Sana maintindihan ninyo iyon."

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon