Special Chapter 41 : Happy Graduation, Ashley Grace

9.2K 419 234
                                    

Hello, I'm back!
Ang sarap makabalik sa pagsusulat (ang stress reliever ko!)
Pasensya na kung natagalan. Sobrang busy.
May ipapakiusap lang sana ako sa mga readers na nagko-comment at hindi nakakaintindi na ako ay may buhay din sa labas ng Wattpad, please lang, basahin ninyo sana munang maigi kung makakatulong/makaka-uplift ng spirit ng isang tao ang bibitiwan ninyong mensahe. Minsan kasi ang dali sa atin ang magsalita/mag-comment gayong hindi naman natin alam kung ano ang pinagdadaanan ng isang tao. Maging sensitibo sana tayo para hindi maka-offend. Sabi ko nga, mag-comment kayo ng kahit na ano sa mga stories ko, sumasagot ako nang maayos. Tinatanggap ko ang opinyon/kritisismo ninyo basta 'wag lang talagang i-hanash ang ORAS ko sa pagsusulat at talagang sensitibo ako doon kasi feeling ko hindi n'yo alam kung ano ang kailangan kong isakripisyo makapagsulat lang at makapagbigay sa inyo ng update dahil ayoko rin namang maiwan kayong naka-hang. Walang readers ang may gusto no'n. At ako ay reader din naman. So gusto ko talaga, lahat happy.
Kung naiinip kayo sa paghihintay, you can always remove this story from your library and/or forget everything about Aldus and Gracie since alam n'yo namang may happy ending na sila. Kasi, honestly, matatagalan pa ulit bago ako makapag-update kasi gusto kong maging maingat din na huwag makapaglabas ng spoilers para sa susunod kong stories. Tapos madalas na busy na ako ngayon sa personal kong buhay sa labas ng Wattpad. Hinihingi ko ang inyong mga pang-unawa.
Pero sa matiyagang maghihintay hanggang sa super happy ending ng Team AshBy, maraming, maraming salamat. Mahal ko kayo ❤

P.S.
Meron na akong Twitter account (@dyosathewriter). Hehe! Talagang in-announce ko pa, no? Although hindi ako masyadong aktibo sa mga social media (feeling ko kasi umaagaw pa ng oras ko sa pagbabasa at pagsusulat ang pag-browse sa social media), dinadalaw ko naman ang mga social media accounts ko minsan. I-tag n'yo lang ako sa mga Tweets n'yo kapag may mga saloobin kayo tungkol sa akin o sa mga stories ko. Binabasa ko ang mga iyon. At madalas na napapangiti ako at nakakapagbigay iyon ng inspirasyon sa akin. Thanks again, Friends. Stay safe, healthy and well. Labyu! -- Dyosa

**************************

ASHLEY

MULA PA LANG sa punong-hagdan ay hindi na ako hinihiwalayan ng tingin ni Robert Aldus.

Para ko siyang nahipnotismo. Nakatulala lang siya habang nakatingin.

His dreamy eyes were intensely looking at me that I inhaled a sharp breath holding his gaze.

He was so dapper and good looking in his maong jeans and black coat.

So artista-looking. O mas higit pang mukhang artista kaysa sa iba para sa aking pansariling opinyon.

Even if his hair was longish ay hindi iyon nakabawas sa kagwapuhan niya. Bagkus ay nakadagdag pa.

It added character to him.

Hindi ko alam kung anong meron sa kanilang mga boys sa gang. Lahat sila ay nagpapahabaan ng buhok. Kahit si Lucas na kakauwi lang galing sa Boston ay medyo mahaba rin ang buhok. Akki had retained his man bun until now. Cobi's hair was also longish na sumasayad na sa kwelyo ng suot niya.

Hindi ko alam kung may lihim silang usapan o talagang nagkataon lang.

Bobby's reason was that he had no time to go to a barbershop.
May isang beses na ako ang naggupit ng buhok niya dahil pinag-eksperimentuhan ko siya at hindi naging pantay.

I murdered his hair and yet ang gwapo pa rin niya sa paningin ko.

Oh well, that's love. And lucky lang ako kasi kahit na bako-bako pa ang gupit ni Robert Aldus ko ay gwapo pa rin siyang tingnan.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon