Chapter 10.
Prom night na pala namin bukas.
Ang bilis ng panahon mapayat na ako hindi na ako panget naging best model pa nga ako bakit parang may kulang basta parang may kulang..
Wala na pala ako sa gym nakakamis. May practice nga pala ako sa modeling kailangan ko na mag prepare ng susuutin ko at sinabi ko na rin kay Bea na ako na kukuha ng gown na pinatahi namin.
Ginamit ko na lang yung kotse ng mommy ni Bea papuntang studio malapit na rin saakin ito ibigay ng mommy nya kapalit daw sa araw araw na kasama ko si Bea.
At para na rin hindi ako pagtulungan ng mga tao.
Pag kababa ko sa tapat ng mall.
Panay tingin talaga saakin ng mga tao
Wala namang Mali saakin nakachekard na nakamaigsing short with matching black sneakers kinulot ko yung ibaba kong buhok nagpalagay akong high lights na golden brown sa baba lang bagay naman daw saakin sabi ni mama B.
Pumunta na ako sa boutique gown at sinukat omogosh!! Ang luwag. Napagpasyahan nalang na pasikipan. Babalikan ko nalang pagkatapos ng practice.
FCA....
Pagkapasok ko palang sa studio nakita ko na si manager Ann.
"Hi Jillian ready ka na ba for the first step modeling?"
Malambing na pagkakasabi ni manager.
"Opo!"
"Tara sa dressing room"
Pumunta nga kami sa dressing room at naghanap ng imomodel ko munang damit.
"Alam mo naman na malapit na ang big model bawat branch. Ikaw ang representative ng FCA
"kaya todo practice tayo ngayon""OK lang po. At saka magpapaalam po Sana ako malapit na kasing JS namin eh sa susunod na araw na po yun...."
"Ahmm... Actually day of mo yun at wish ko lang sana pagbutihin mo ang practice mo ngayon at bukas ha?"
"Opo promise!!"
Nakacross arms pa ako.
At yun nga pinagpatuloy namin ang pagpapractice.
Inuna muna namin sa heels.
Una 1-2inch perfect pagdating sa 3-8inch bagsak na ako 3inch nga natatapilok ako 8 inch pa kaya?
Kahit anong tapilok ko hindi ako sinukuan ni manager.
Hangang sa matuto na ako hanggang 8 inch nagbreak muna kami ni manager at sinamahan nya akong kunin ang gown.
Habang naglalakad nahahalata ko so manager na Panay daan namin sa branch model at
"Hi manager sya ba ang representative ng FCA"
Mataray ang pagsasalita ng babae at tinaasan pa ako ng kilay at parang sinusuri ang buong pagkatao ko at minamaliit ako.
"Oo bakit kaya kabahan ka na"
"Oh well manager ang bilis mo naman akong palitan nung umalis ako sa branch mo iniyakan mo ako kawawang manager baka nakakaliutan mo ako ang 5 years big model?"
"No Dian hindi ko nakakalimutan at sisiguraduhin ko matatalo ka na ngayon"
"Lakas ng except mo sa manok mo ha muka namang weak"
Natuliling ako sa sinabi ng Diana
"Sinong weak!!?"
Hindi ko napansin nandito na pala ang apat kasama si Dustine