TLLP - Chapter 4

4K 118 0
                                    



Chapter 4




🌟Mikhail's POV🌟

"Ugh!!" sigaw ko dahil sa sobrang sakit ng ulo ko

"What the heck" asik ko habang hawak-hawak ang ulo ko na hindi parin tumitigil dahil sa sakit.

Nakita ko si Xylene sa gilid ng pinto nakatingin sakin.

Pinakalma ko muna ang sarili ko at hinayaang sumakit ang ulo ko.

Minutes after medyo nawawala na ang kirot sa ulo ko

"Xylene , nasan tayo?" tanong ko sa kanya

Hindi siya kumibo...

"Xylene , okay ka lang ba?" tanong ko uli sa kanya , pero tulad kanina wala parin siyang kibo.

"XYLENE" sigaw ko sa kanya , napakurap siya ng mata at tumingin sakin ng diretso.


"Ba-akit?" nauutal niyang tanong

"Sabi ko nasaan tayong dalawa" sabi ko sa kanya

"Nasa condo ko" simple niyang sagot

"Ano bang nangyari?" tanong ko sa kanya

"Ikaw dapat ang dapat kong tanungin ng tanong na yan" sabi niya naman

"Bakit naman ako?" sabi ko sa kanya

"Kasi naglalakad ako tapos nabanga kita then sinigawan mo ko at sinabi mong mang-gagamit ako , tapos binalikan kita at humingi uli ng sorry sayo , tsaka ko lang nakitang umiiyak ka , kaya bilang CLASSMATE mo kinomport kita at nakatulog ka dahil sa pag-iyak mo"' tumango naman ako at naalala ko lahat ng ginawa sakin ni Erihka at nila Irene


Flashback

Naglalakad lakad ako , nagbabaka sakali na makita ko si Erihka .

Lakad lang ako ng lakad hanggang mapunta ako sa pinakadulo ng University , hindi niya naramdaman na nandun ako dahil siguro busy siya sa pakikipag-usap sa mga KAIBIGAN niya walang iba kung hindi ang grupo nila Irene.

Na-curious ako dahil ang saya nila , at parang isa lang ang topic nila, walang iba kung hindi AKO.


Narinig ko sila na pinagpla-planuhan kung paano ako mapapabagsak , pero bago pa yon mangyari ako ng mauuna , ipapa-alam ko sa lahat ang nangyari sakin , kung sino ang nag-iwan saakin at kung sino ang kumuha ng kompanya mula kay Daddy.

Hindi ko akalain na magagawa niya iyon sa akin dahil akala ko iba siya sa pamilya niya ,na hindi siya katulad ni Tita at Tito na walang ibang iniintindi kong hindi ang sarili nilang kapakanan , ni hindi nga nila na-isip na ampunin nalang ako dahil pinahirapan nila ako at ginawa nila iyon dahil gusto nilang mapasakanila ang lahat ng kayamanan ko



At umalis na ako dahil hindi ko na alam kung matatagalan ko pa ang mga naririnig ko galing sa sarili kong kapamilya. All this time niloloko na pala ako , ang saya ko pang tao.

I will make a sweet revenge that  sweeter than sugar.


Erihka , Irene , Shayne , all of you , I will make a revenge





End of Flashback




"Ano ba kasing kailangan nila sa'yo?" tanong niya sakin


"Hindi ko rin alam ang sagot sa tanong mong iyan Xylene , ang alam ko lang kailangan kong mabawi lahat ng akin at kailangan ko silang gantihan , alam ko ang ginawa nila kay Daddy niloko nila si Daddy sa sarili mismong kompanya namin , mga wala silang puso. Pagbabayaran nila ito" sabi ko sa kanya


"Tutulong ako" nagulat ako sa sinabi niya


"Bakit?" tanong ko sa kanya


"Ayoko lang kasing may nahihirapan na iba , lalo na yung iba masaya dahil nakuha na nila lahat sa'yo at sa inyo"


***********


🍀Xylene's POV🍀


Handa akong tumulong lalo na ikaw ang tutulungan ko.


"Ihahatid na kita sa inyo" sabi ko sa kanya


"Pwede bang dito muna ako kahit saglit lang?" tumango naman ako sa kanya at nginitian niya ako


"Salamat" sabi niya sakin











The Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon