TLLP - Chapter 6

3.7K 103 0
                                    


Chapter 6





🌹Shayne's POV🌹



Sawang-sawa na akong maging isang sunud-sunuran ng isang maldita at walang ibang ginawa kung hindi ang utusan ka ng kahit ano , kung hindi ko lang siya kailangan , hindi ko talaga aaksayahin ang oras ko sa kanya.



Magpasalamat siya at siya lang ang nag-iisang susi sa lahat ng plano ko , kung hindi baka matagal ko na siyang napabagsak.


Nandito kami ngayon sa pinakalumang gusali na hindi na ginagamit , ang sabi ipapagawa raw ito pero hanggang ngayon hindi parin nagagawa.


"Shayne , alam mo ba kung anong gagawin mo?" mataray na tanong saakin ng walang iba kung hindi si Erihka.



"Oo naman , ako pa ba? Syempre naman , kailan ko ba sinira ang plano?" maangas kong tanong sa kanila



"LAGI!!" sigaw nila saakin ng sabay-sabay at binato ako ng chips


"Lagi? Hayaan niyo sa susunod na plano hindi na talaga ako susunod sayo dahil ikaw mismo ang kailangan ko" sabi ng utak ko  , hindi ko alam kung kailan nakapagsalita ang utak ko pero basta , magbabayad sila lalo na siya.



Dahil sa tapos na ang recess namin dumiretso kami sa kanya-kanya naming classrooms .



Umupo kami at wala pang limang minuto ng biglang tumayo sila Irene para magpa-picture sa kanila Xander.


"Hays! Isang milyon pag pinansin kayo niyan ni Xander" sabi ko sa utak ko at nagroll eyes pa , hahahaha bongga !




Pagbalik ni Irene yung mukha niya parang ewan . Nakalukot ang noo at nakabusangot ang kanyang mukha.



"Matik na" bulong niya kay Candy at mahina kaming  nagtatawanan.







***********



Thirdperson's POV




Habang nagtatawanan si Candy at Shayne , hindi nila nararamdaman na may nagbabantay sa mga galaw nila.





Siguro isa ito sa mga binayaran ni Erihka , dahil sa pagba-bantay ng mga ito wala pang nakakasira ng kanilang mga PLANO!.




"Ano na ang gagawin natin?" tanong ni Shayne kay Erihka pero hindi siya inimikan neto at umalis




"Fvck that girl , tinatanong ng matino ang ganda ng sagot , ang dami kong NALAMAN" at nagroll eyes si Shayne kahit na walang pumapansin sa kanya.




Kahit na hindi sabihin ni Shayne ang kanyang nararamdaman , may taong pursigido na malaman ang kanyang saloobin o ano ang kanyang background.





At ng mag-uwian sabay-sabay ang magkaka-ibigan na lumabas at hanggang pag-uwi .





Ang tanging tumatakbo sa isip ng kaibigan niyang si Shayne ay kung paano niya magagawa ang plano niya ng walang makakahalata sa kanya.




"Bye , bukas na lang. Ingat kayong dalawa" paalam sa kanila ng kaibigan nilang si Irene .




Napag-usapan nilang maglakad kahit na may mga kotse naman sila , gusto nilang maranasan kung paano naglalakad ang mga walang pera pag-uwi at pag-punta sa kanilang paaralan.




"Alam mo bang wala ka talagang pakinabang sa akin? At alam mo ----" hindi na natuloy ng dalaga ang sasabihin niya ng bigla itong dugtungan ni Shayne.




"bang wala akong kwenta ? Alam ko , dahil kahit kailan hindi ko naramdaman na kaibigan rin ang turing niyo sa katulad ko , ako naghihirap ako para makuha ang tiwala niyo tapos wala akong kwenta? Nagkamali ka sa paglapas tangan mo sakin alam mo ba iyon? Ngayong sinabi mo ito , siguro hindi ko na kailangan pang maghanap ng pagkakataon , dahil mismo tadhana gusto iparanas ang gagawin ko sa'yo" at tinakpan niya ang bibig ng babae ng panyo na may papatulog na pabango.




The Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon