His Story

71 3 1
                                    

"YEOJI!!"

Kinilabutan ako ng marinig ang pangalan ko.

Ako si Yeoji San Joaquin. 19. BS Mathematics. Simpleng lalaki. Nangangarap na matapos na nang college at magkaroon ng trabaho.

Lovelife??

Wala. Ang hirap na nga ng course ko tapos dadagdagan mo pa ng problema. Suicidal lang, dre?

"YEOJ!"

Malayo pa lang alam mo na sya na nga. Ang tinutukoy ko ay si Nicole Buenavista. Siya lang ang nag-iisang babae na may kulay violet ang buhok sa buong campus ng Valentino Ferrer Colleges.

Nakita ko syang lumapit sa akin.

"Hi Yeoj!" masiglang bati nya sa akin.

Tumingin lahat ng tao sa amin dalawa. Sinamaan ko sya ng tingin.

Ewan ko ba kung bakit ako nilalapitan ng weirdong babae na ito.

"Yeoj!! Sabay na tayo kumain ng lunch ha??" weirdo na, maingay pa.

"UY!! YEOJ!!! YEOJI SAN JOAQUIN!!" anlakas kung makasigaw.

"Oo na!!" sigaw ko din. Nakaka-irita! Tsk.

"Yeey!!! Thank you, Yeoj!! Eto oh, chocolates!" sabay yakap pa sa braso ko at abot ng chocolates.

Hinalikan pa ako sa pisngi. Tsk. Tsinansingan pa ako.

Ganito ang eksena naming dalawa sa araw-araw.

Matagal na kaming magkakilala ni Nicole. Isa syang journalism student, sikat sya sa mga published stories na nagawa nya simula high school pa. Isa syang free-spirit na babae. Always wearing bright colors clothes at ever always present na violet hair nya.

.....

"Yeoj!! Yeoj!!"

Si Nicole na naman.

Nakatulog na pala ako dito sa bench sa may garden sa likod ng gym. Malayo itong place na ito at wala masyadong pumupunta dito.

Dito ako nag-aaral at tumatambay tuwing free period. Kahit na sabihin nilang mukha akong nerd, di naman mukhang pang-nerd ang grades ko. Anhirap kaya ng Mathematics. Bakit un kasi kinuha ko? Grabe!! Junior standing na ako di ko pa rin gusto ang course ko.

"Yeoj!! Gumising ka na jan! Dali!"

Imbes na imulat ang mata ko, kumunot lang ang noo ko. Naalala ko kasi bigla na last year ko dito nakilala si Nicole.

Nakita ko kasi siyang umiiyak sa harapan nang lantang halaman. Ang weird lang. Tsk. Tsaka normal pa sya nun dati. I mean normal na di pa violet ang buhok nya.

*BLAG*

"Aray!!"

Niyugyog nya kasi ung balikat ko hanggang malaglag ako sa bench.

"Nicole naman!!" napasigaw na ako. Ansakit kaya!

Instead na makita ko ay isang violet head na babae, nakita ko si Nicole na kulay bright blue ang buhok. Napakunot ang noo ko lalo.

Pero kakaiba talaga ang babaeng ito!! Nagpa-cute pa sya sa akin.

Umayos na ako sa pagkakalaglag ko at naupo sa bench ulit.

"Yeoj! Bagay ba sa akin?" sabay beautiful eyes pa. Tsk.

Maganda si Nicole at mabait pa. Maraming lalaking nagkakagusto sa kanya, narinig ko nga sa mga kaibigan ko na gusto din daw nila si Nicole. Kaso weirdo lang talaga syang babae. Ikinuwento kasi sa akin nung mga kaibigan ko na sinubukan manligaw eh, basted na agad kasi ako daw ang gusto nya kaya di pede. Weird, di ba?

Chocolate Love (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon