Chapter 5 : Burst it out

122 5 0
                                    

Chapter 5 : Burst it out

@ @ @ @ @

"JC!"

"Oh, Lucy?" tumigil ako sa paglalakad para maabutan niya ako

"sa wakas, pumasok kana ulit!" sabi niya sabay yakap sa akin, para siyang ahas na nakapulopot sa akin

"hala,hala! Lucy ha, dalawang araw lalng ako nawala ah, tsk, ikaw talaga" saka tumingin ako sa kawalan

"kahit na, namiss ata kita" she giggle, parang bata na binigyan ng isang candy

"Psst hoy, tumigil ka! paparating si JV oh!" sabi ko, kaya bumitaw na siya sakin at inaayos ang uniform niya, at ang buhok niya

"maganda na ba ako Sis?" tanong niya

"Ahhh! Hindi!" tumawa ako ng malakas, habang panay ang hampas niya sa balikat ko

"Jane!" natigilan ako ng may biglang humawak sa balikat ko, nanigas ang katawan ko. Parang statua lang

"a-alis na ako Lucy" kumaripas ako ng takbo papuntang building ko,nalagpasan ko nga si JV. pero ang tanga ko rin no? magkikita parin kami, kasi nga pareho kami ng degree! Tsk

Pumasok na ako sa unang subj ko, at ano pa nga ba, andoon si Kuya. Tatabi sana siya sakin, pero umiwas siya at naghanap ng mauupuan sa likod

Ang awkward kaya nito, Kuya ko siya pero, para akong timang na umiiwas sa kanya. Feeling ko kasi..... Tsk! ano ba yan!

"Good morning class" sabi ni prof

"okay, bago ko simulan ang leksyon natin ngayong araw, mag activity muna tayo. Okay find your partner" sabi niya

"Shit!" napamura ako, pero hindi ko naman nilakasan ang boses ko, eh kasi naman, iisa palang ang close ko sa batch namin at yun ay si

"Jane" napatigil ako

"o?" naramdaman ko na tumayo siya at humakbang patungo sa akin. Umupo siya sa tabi ko

"partner tayo" para siyang bata, na nagmamakaawa

"o cge" sabi ko ng hindi parin siya tinitignan

"okay, now your midterm project is to make a music video with your partner"

"Po?" sabay sabay na sabi ng mga batchmates ko, abay syempre naman, ano bang kinalaman ng subj na English sa paggawa ng "Music Video" explain nga?

"kaya ko kayo pinagawa nito kasi, in the end of the semester, pipili ako ng isa at ipapalabas ito sa English day" paliwanag niya

"tsk, pambihira!" sabi ko

"Jane"

"oh?! kanina kapa tawag ng tawag sa panagalan ko ah! may kailangan ka ba? ha? kuya?!"

"lets talk after ng klase" sabi niya with poker face

Anong nangyari? Parang ingot, kanina parang bata at ngayon naman.....ay iwan. Ibinaon ko nalang ang mukha ko sa desk

---DISMISSAL

Ninadali ko ang pagligpit ng gamit ko. Akmang lalampasan ko na siya ng hinawakan niya ang braso ko. Tumingin ako sa kamay niya patungo sa mukha niya. Nakaside view lng siya at nakatingin sa labas

"ano?" tanong ko

"mag-uusap tayo diba?" sabi niya habang tumintingin parin sa labas

"ah oo nga, so? anu na? Tara?!" i fake a smile

tumingin siya sakin, ramdam ko ang kakaibang tesyon dito sa loob ng classroom, at kami nalang dalawa ang naiwan. Diyos ko! Inilapit niya ang mukha niya sakin at mas hinigpitan niya ang hawak sa braso ko, kaya napaatras ako konti

If Only my Heart have Wings[complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon