4

815K 9.3K 898
                                    

Hindi ko alam kung paano ko makukuha yung phone ko sa kanya pero wala akong pakialam. Hindi ko sya nilubayan kahit san sya magpunta. Alam kong alam nyang sinusundan ko sya kaya lalo nyang binilisan yung paglalakad.

Grabe naman ang isang hakbang nya, tatlong hakbang ko na. Alam kong nasa kanya talaga yung cellphone ko. Kapag naalala ko yung tinext nya kay Jezhi ugh! Nagiinit ang ulo ko. Akala nya ba matatakot ako sa kanya. Kahit miyembro pa sya ng mafia wala akong pakialam.

Ah teka, wag pala mafia. Masyadong powerful yun at masyadong delikado. Uhm… kahit ex convic pa sya I don’t care.

Dahil busy ako sa pag-iisip bigla syang nawala sa paningin ko.

Ugh! Napakasama nya talaga! Napansin ko din na nasa likod na pala ko ng gym. Halos walang dumadaan dito. Syempre sino ba namang dadaan sa lugar na ‘to.

Ang inet pa mandin. Buti na lang malaki yung puno ng acacia dito kaya sumilong muna ako. Hinihingal pa ako ha. Ang sakit ng ulo ko, malamang dahil sa init ng araw. Tapos pawis na pawis pa ko. Kelan ko pang magretouch!

“Bakit mo ako sinusundan?” hindi ko alam kung minumulto ako o ano pero may narinig talaga akong magsalita.

Tumingin ako sa paligid baka kasi may nantitrip lang sa’kin. Inikot ko pa nga yung malaking trunk ng acacia, aba malay ko ba kung tao dun tapos takpan yung bibig ko tapos gawan ako ng masama. At bago pa malaman ng lahat na may nangyari sa’kin eh patay na ko.

“Hindi ka ba talaga sasagot?”

Teka, parang pamilyar yung boses nung lalaki. Pero san kaya yun galing?

Napatingin ako sa taas.

O.O Sya nga. Ang goon na si Zak. Nakaupo sya sa taas ng puno. Nakasandal sa trunk tapos may kagat-kagat na – teka damo ba yun? Bakit ba ang hilig nila sa damo? Inilagay nya yung dalawang kamay nya sa likod ng ulo nya.

“Hoy! Anong tinitingin-tingin mo dyan ha!” yung sigaw nya ang sakit sa tenga. Kalalaking tao ganun sya sumigaw at ako pa ang sinisigawan nya. Ang kapal.

“Hoy lalaking goon kung sa tingin mo masisindak mo ako well sorry! Kahit anak ka pa ng mafia leader wala akong pakialam!” nakapamewang pa ako at nakatingin sa kanya.

Tumawa lang sya. Yung tawa na nang-aasar. Ugh! Buwisit talaga sya. Mabuti na lang talaga walang tao dito kundi sira na ang image ko. Never pa kasing may nakakita sa’kin na ganito ako magsalita.

“Patawa-tawa ka pa dyan! Mabuti pa ibalik mo sa’kin yung phone ko!” inilahad ko yung kamay ko.

“Tss!” tumingin sya sa malayo.

“Hoy goon! Kung hindi ka bababa dito para ibigay ang phone ko ako ang aakyat dyan!!” tapos tiningnan ko kung gaano kataas yung puno. Well hindi naman ganun kataas. Pero nakauniform ako. Skirt na above the knee. Nakastockings naman ako pero mahirap kumilos dahil hindi naman paballoon ang skirt ng course ko. Sana na lang talaga bumaba sya.

Perfect Haters Book 1 (Part 1 Published under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon