33

623K 6.7K 427
                                    

ALEXA'S POV

Maganda 'tong araw na 'to. Bakit? Syempre sinundo na naman ako ni goon sa bahay tapos magkaklase pa kami ngayon sa first subject. Pero syempre naman hindi ko pinapahalata na masaya ako. Mamaya magfeeling pa 'tong lalaking 'to. Pagpasok namin sa classroom nakatingin sa'kin si prof. Siguro nagulat sya na magkasama na naman kami ni goon at nauna pa sya sa'min sa klase. Iniintay kong magsalita sya pero wala naman syang sinabi kaya naupo na lang kami ni goon.

Alam ko namang lahat ng ginagawa ni goon ay para sa'kin pero madalas lang talagang pasikitin nila ang ulo ko kaysa ibang bagay. Pero yung kahapon sobrang nakakaawa talaga sya.


Dude sayang lang effort mo na pasayahin sya. Tsk tsk tsk.


Grrrr. Bakit ba nagfa-flash sa isip ko yung sinabi ni Val. Pasayahin? Effort nya bang matatawag yun para lang pasayahin ako? Maniniwala sana ko kung hindi ko sya nakitang tuwang-tuwa sa pagkukwento sa mga kaibigan nya.

Hindi. Hindi na ko magpapauto this time. Iiwanan ko na lang sya dito. I narrowed my eyes then turned my back on him.

"Ahh sh*t yung tenga ko! Ahhh!" mabilis akong napatingin sa kanya. Ang totoo nagpanic ako. Baka kasi kung anong nangyari sa tenga nya. Paano kung napunit yung tenga nya? Oh no baka may naiwan pa sa bibig ko. Baka nalunok ko. Kakasuhan nya kaya ako? ANong gagawin ko? "Ahhhh! Ang sakit!!!" nagulat ako sa sigaw nya kaya nabitawan ko ang mga gamit ko at nilapitan ko sya.

"Alin? Saan? Napunit ba ang tenga mo? Hi – hindi ko naman sinasadya na ano – kung – kung nalunok ko yung part ng tenga mo. Hindi na yan matatahi." Hindi ko alam kung saan sya hahawakan. Yung maimagine ko lang na nakalunok ako ng fresh na laman nahihilo na ko. Parang anytime magfe-faint ako.

"Umalis ka na dito! Alam ko namang hindi ka concern!" medyo itinulak pa nya ako. Ako na nga ang concern sya pa ang masungit.

"Fine!! Mabulok sana yang tenga mo at hindi ka na makarinig ever!!" tumayo ako at tumalikod ng biglang –

*TUGSH

"Aray! Bakit mo ba ko hinigit!" bumagsak ako sa tabihan nya habang hawak nya ko sa kamay.

"Anong feeling?" seryoso nyang tanong.

"Malamang masakit! Higitin mo ba naman ako!" binatukan nya ko.

"Sira hindi yun ang tinatanong ko!"

"Kelangan nambabatok?" I rolled my eyes.

"Eh anong gusto mo kagatin din kita sa tenga? Gusto mo? Gusto mo?" papalapit sya sa'kin pero tinulak ko ang mukha nya papalayo.

"Subukan mo papantayin ko yang tenga mo!!"

"Pantay naman oh! Tingnan mo! Tenen!!" inalis nya yung pagkakahawak sa tenga nya at boom, wala namang punit o dugo o kahit ano.

"Siraulo ka talagang goon ka!" sasabunutan ko na naman sana sya ulit ng hawakan nya pa ang isa kong kamay.

"Wag ka ngang brutal. Kababae mong tao kung umasta ka para kang lalaki. Ayokong magkagirlfriend ng ganyan kabrutal. Gusto ko yung nilalambing ako hindi yung sinasaktan!" natahimik ako sa sinabi nya. Girlfriend daw? Para namang sigurado syang magiging kami.

"Asa ka pa!" bulong ko at tumingin ako sa malayo.

"ANo?"

"Wala." Hinigit ko ang kamay ko pero isa lang ang binitawan nya.

"So ano nga? Anong feeling?" mukhang gusto nya talagang malaman.

"Walang kwenta."

"Walang kwenta? Ganun lang?" nakakatawa yung reaction nya. Gulat na gulat na parang inis na inis na hindi mo maexplain. Nakakatawa. Bwisitin ko pa kaya 'to makaganti man lang.

"Oo. Walang kwenta." mas lalo syang sumimangot.

"Walang kwenta? Pero kung bugbugin mo ko kulang na lang ilibing mo ko ng buhay." Sumimangot sya. Parang bata. "Sayang lang pala. Akala ko pa mandin another memorable experience yun sa'yo. Akala ko di mo yun makakalimutan. At dahil ako ang nageffort nun at nag-isip part na ko ng experience na yun." Wow, totoo bang drama 'to? Talaga bang disappointed sya?

Tumawa ako pero wala syang reaksyon. Parang nabadtrip sya. Well, mukhang totoo na nga. Nakakatawa talaga sya. Mas epic pa 'tong itsura nya dun sa itsura ni prof kanina eh.

"Actually kahit ako nagulat.  Siguro naisip nya na may kakambal ako tapos nagpalit kami." Natawa ako habang nagkukwento ng mapatingin ako kay goon na nakatitig sa'kin. "O bakit?"

"Wala. Masaya ako kasi masaya ka. Kahit na binugbog mo ako at binitinan!" para syang bata magsalita.

"Sorry na! Hindi ko naman alam. Tsaka kasi arte-arte mo, akala ko talaga totoo. Kung binigyan mo man lang ako ng hint eh di sana suntok na lang ang ginawa ko sa'yo."

"Suntok pa din?" sumimangot sya. Hindi bagay sa fighter na tulad nya pero dahil sya si goon bagay kahit ano sa kanya.

"Oo. Ganun ako maglambing – brutal." Then I winked.

"Maawa ka naman sa'kin. Underground fighter ako hindi under!" nagtawanan kaming dalawa. Nawala lahat ng galit ko sa kanya.

"Dahil bati na tayo – maging sweet ka naman." Nahihiya nyang sabi.

"Ha?" nakatingin lang sya sa'kin at nasenyas pero di ko magets. Paano ba maging sweet. "Hindi ko maintindihan." Hindi ko naman kasi talaga maintindihan yung sinesenyas nya.

"Tss! Grabe ka! Ganito!" bigla nyang hinawakan ang ulo at inilagay sa may chest nya. "Hina mo sa sign language!"

"Hoy – " bigla nyang tinakpan ng kamay nya yung bibig ko bago pa ko matapos magsalita.

"Tumahimik ka naman oh. Hindi ka ba napapagod. Makabawi ka man lang sa ginawa mo sa'kin." Fine, kung ito talaga yung gusto nya para makabawi ako then go. Ibinaba nya ang kamay nya at hindi na din ako nagsalita.

Nagdadalawang isip ako sa gagawin ko – pero kung makakagaan 'to sa pakiramdam nya gagawin ko.

Okay. This is it. 1, 2, 3. Niyakap ko sya habang nakahilig pa din ang ulo ko sa chest nya.

"Ay chancing!" natawa nyang sabi. Para naman akong napahiya.

"Eh di wag! Buwisit ka!" inalis ko ang kamay ko at ulo dahil nainis ako. Feeling ko rejected ako. Ako inis na inis samantalang sya tumatawa.

"The best ka talaga. Lika nga dito." Hinigit nya ko at inilagay nya ulit ang ulo ko sa chest nya at iniyakap nya ang kamay ko sa kanya. "Yan, much better." At tumahimik na kami. Palagi na lang kaming ganito. Nagmomoment pero kaming dalawa lang ang nakakakita at nakakaalam. Iniisip ko palagi na lang kaya kaming magtatago kahit kami na? Tsaka ko na siguro yun iisipin basta ienjoy ko muna. Thanks sa goon na 'to at pinapaexperience nya ang mga bagay na gusto kong gawin sa buhay.

Tahimik lang kami sa ganung position. Walang nagsasalita. Naririnig ko ang heartbeat nya, mabilis sya tulad ng sa'kin at hindi ko napasin napapangiti na pala ko.

Perfect Haters Book 1 (Part 1 Published under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon