19

692K 8.1K 1.3K
                                    

“Nasan na ba kasi yun.” Halos itaktak ko na yung laman ng bag ko dito sa field para makita lang yung hinahanap ko.

“Ano ba kasi yun?” as usual hanggang tanong lang ‘tong si Jezhi. Hindi man lang ako tulungang maghanap.

“Yung gamot sa sakit ng ulo ko. I think my brain is gonna explode any moment now.” Malaki kasi ‘tong bag ko kaya hindi ko agad mahanap ang gamot na nireseta sa’kin ng doctor namin.

“May hangover ka ba?” napatigil ako sa sinabi ni Jezhi at napatingin sa kanya. Saan naman nanggaling yung hangover na yun?

“Wala akong hangover! Kumain ka na nga lang dyan!” at naghanap ulit ako sa bag ko. “Found it!” halos nasa grass na lahat ng gamit sa bag ko bago ko pa nakita yung gamot.

“Oh my gosh sis nag-iinom ka na ngayon?” halos maibuga ko yung iniinom kong gamot dahil sa narinig ko kay Jezhi.

After kong makainom ng gamot tsaka ko sya tiningnan. “What are you talking about?” isa-isa ko na ulit ibinalik ang mga gamit ko sa bag.

“Kasi dati ang sinasagot mo sa’kin paano ka magkakahangover kung hindi ka naman nainom. Pero ngayon wala ang sagot mo? Congratulations sis!” she said while throwing her hands in the air.

Tama nga naman sya. Hindi ko lang ineexpect na maiisip nya yun. I mean hello, si Jezhi ‘to. Hindi normal ang makapag-isip at makapagobserve sya ng mabilis. Hindi na ko sumagot dahil busy ako sa pag-aayos ko ng gamit.

“Hey, you have a message.” Napatingin ako kay Jezhi na hawak yung phone ko. “Oh wait, sa skype ‘to from goody hoody – ”

Bago pa mabasa ni Jezhi kung ano mang message ni Goody Hoody eh inagaw ko na sa kanya yung phone ko. Alam nyo na, ang alam nya babae si Goody Hoody at tunay na pangalan sya ng tao. Hindi ko muna binasa yung message dahil alam kong makikisingint lang ‘tong si Jezhi.

“So sis, ano ng nangyari dun sa advice na tinatanong mo para kay Goody Hoody. Nakapagdecide na ba sya?” tinuloy ni Jezhi ang pagkain ng baon nyang lunch.

Oo nga pala, yung mga imbento kong tanong sa kanya na ang totoo eh ako naman talaga yun. Tss! Bakit ang brilliant nya bigla? Hindi naman ‘to ganito dati.

“Well, okay na naman daw sya.. Nakapagusap na sila nung guy. Sabi nung guy ginusto daw nya yung kiss.” Finally natapos ko na ding ibalik sa bag ko lahat ng gamit na kumalat.

“So hindi na sya in denial? Inamin na nya sa sarili nya na in love sya sa lalaking humalik sa kanya?” nagulat ako sa tanong ni Jezhi. Hindi ko alam kung saan nya pinupulot mga tanong nya.

“Sabi nya hindi naman daw sya in love at malabo daw yun.” Hindi naman talaga. Bakit naman sya maiinlove dun? I mean bakit naman ako maiinlove dun?

“Sabihin mo sa kaibigan mong si Goody Hoody na aminin na nya sa sarili nya na may gusto sa lalaking yun. Feeling ko naman may gusto din sa kanya yung lalaki kasi nga di ba sabi mo ginusto naman nya yung kiss.” Hindi ko napansin na nakatayo na pala si Jezhi. “Anyways, dyan ka na muna. May imimeet lang ako. See ya later.”

Perfect Haters Book 1 (Part 1 Published under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon