Chapter-5

42 0 1
                                    




"Angelo's POV"

"I still love you Babe"sabi ni Andrea na syang nagpatigil sakin.

Ewan ko pero masakit parin eh.

Masakit na masakit parin.

Hindi sapat na dahilan na mahal nya pa ako para balikan nya ko.

Masaya na ako eh,unti unti ko na syang nakaklimutan.

Unti unti ko nang nakakalimutan lahat ng sakit na dinulot nya sakin.

Unti unti ko nang nakaklimutan na naging parte din sya ng buhay ko.

Tapos ngayon babalik sya.

Babalik sya dahil mahal nya ako.

Ano to laro??

Na pag nawala sya babalik sya,para lang sabihin na mahal nya ko??

Mahal nya ko pero nakaya nya kong saktan?.

"Babe please,b-believe me.I-i still love you,I really do"sabi nya ulit,pero hindi pa rin ako umimik.

Kumalas na sya sa pagkakayakap sakin at yumuko.

"Babe kaya k-ko lang naman n-na gawa yun kasi,feeling ko may kaagaw na ko s -sayo eh"sabi nya.

Ano??!!

May kaagaw eh,halos magkandarapa na nga ako para lang mapasaya sya!!

Tapos yun ang irarason nya?!

Pero nakita ko sya na may kalandian??!!

Hindi ko alam kung paniniwalaan ko pa siya.

"Nasaktan na ko Andrea, nawasak na ako,at hinding hindi ko na uulitin ang mga pagkakamali ko"sabi ko sa kanya.



Nasaktan na ko ng dahil sa kanya,nagpakagago nako sa kanya.

At ngayon hindi ko na uulitin lahat ng pag kakamaling nagawa ko,para lang sa kanya.

Nasaktan nako,at hinding hindi ko na gagawin ang mga bagay na sa huli masasaktan lang ako.

"Babe p-please believe me"sabi nya naman na hindi ko pinaniwalaan.

"Alam mo sa mga ginawa mo sakin di ko nga alam kung mapapatawad pa kita eh,wag mo na akong gagohin ulit.Di ko na kaya eh,di ko na kaya,kaya kung ayaw mong lumayo sakin,ako nalang ang lalayo sayo"sagot ko na may bakas ng galit.

At iniwan ko na sya.

Sinundan nya ako at pinilit na yakapin ako pero nagpumiglas ako at diretsong naglakad.

At iniwan syang nakaluhod doon at umiiyak.

Ayoko na hinding hindi ko na uulitin ang pagkakamali ko.

Nang lumalayo na ako unti unti ko nang nararamdaman ang pagtulo ng mga luha ko.

Madali ko itong pinunasan,pero ayaw pa rin tumigil ng mga mata ko sa pag iyak.

Hindi ko man lang namalayan na nandito na pala ako sa University.

Hindi muna ako papasok sa iba kong subject,hindi rin naman ako makakapag concentrate eh.

Wala paring silbi kong papasok pa ako.

Tatambay nalang ako sa cafeteria at mag-iisip isip ng kung ano ano.

Ako'y Dyosa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon