Chapter-7

44 2 0
                                    



"Angelo's P.O.V"

"Ang panget mo,panget!!"sigaw ko sabay takbo.

"Ah ganon ha??!! Hinahamon mo ko ha!!"sigaw nya habang hinahabol ako.

Nagtago muna ako sa kung saan na hindi nya ako makikita. Malaki naman tong roof top eh.Kaya meron din akong mapagtataguan.

Kaya dun muna ako.

Nang biglang may naisip ako.

Ewan ko pero bakit ang gaan ng loob ko sa kanya.

Hindi ko nga alam kung bakit bigla nalang ako naging mabait sa kanya eh.

Hindi naman ako ganito makitungo sa ibang babae eh.

Nabigla nga ako kung bakit ako naging mabait sa kanya eh.

Hindi ako ganito noon eh.Ibang iba ako.

Isa akong walang pusong lalaki,arrogante,palaging seryoso at aaminin ko bully ako.

Pero kung sya ang kasama ko parang kabaliktaran ang nagagawa ko.

Oo panget siya pero matalino,di kagaya nang iba dyan maganda nga kaso puro kalandian lang ang alam.

At kung ang iba akala nila pag pumupunta ako nang mga bar eh nakikipag landian na ako,yun ay hindi totoo,nandoon lang ako para makipag inuman pero wala pa akong nagagalaw no. Hanggang halik lng. Tsk.

Ayokong makipag ano dyan sa mga babaeng yan, gusto ko para lang sa babaeng mamahalin ko habang buhay.

Gusto ko na sya lang ang kauna unahan.

Kahit nga noong kami pa ni Andrea wala pa kaming nagagawa no.

Ayoko lang nirerespeto ko naman siya no pero ngayon kinakamuhian ko na sya.

Siya ang pinakaunang babaeng minahal ko nang sobra sobra.

Ayoko nang balikan ang nakaraan.

"Humanda ka sakin!! Pag nakita kita!!"sigaw ni panget. Na nagpabalik sakin sa realidad. Tama dapat bumalik na ako sa realidad at kalimutan ko na ang nakaraan.

Haiisstt. Buhay nga naman....

Natatawa ako sa mukha nya parang naiinis na talaga.

"Hooy Anghel na walang pak pak asan ka ba??!!"mukhang lumalapit na ang boses kaya naghintay na lang ako na makita nya ako.

Pero wala pa rin ako nakita kaya sinilip ko ito,bakit wala??

Nang lumingon ako sa side ko nakita ko syang nakangiti nang nakakaloko.

At "Nandyan ka lang pala ha!! Humanda ka sakin!!"sigaw nya.

Nang lumalapit na sya ,sya naman ang tinakot ko "Pag ikaw mahuli ko rin patay ka sakin bwahahahhahahah!!"sigaw ko na sinadyang mag evil laugh at bigyan sya nang nakakalokong ngiti hahahahha.

"Anghel na walang pakpak!! Di mo ko kayang habulin!!"sigaw nya at benelatan ako.

"Tignan lang natin!! Humanda ka panget!!"sigaw ko at hinabol na sya.

Poowwwteekk!!

Ang bilis tumakbo nito ah!!

"Hahahahah di mo ko kaya Anghel na walang pakpak!!"sigaw nya at mas binilisan pa ang pagtakbo.

Ako'y Dyosa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon