Chapter 1-Sa Bingit ng Kamatayan

68.7K 2.2K 441
                                    

(Laguna, 1898)

Hindi ko na kaya.

Matamlay na nakahandusay ang isang binata sa isang madilim na kwarto. Nasugatan siya mula sa isang pakikipagtuos sa mga Kastila, at wala siyang nagawa pa dahil nasaksak siya ng isang punyal at tuluyang nanghina. May nakakita sa kanya na duguan at palihim siyang dinala sa isang simbahan para siya ay gamutin. Nakaraos naman siya, pero ngayon, patuloy na niyang nararamdaman ang kanyang kawalan ng lakas para magpatuloy na makipaglaban... at mabuhay.

Naisip niya ang kanyang nais na makipaglaban para sa adhikain ng kalayaan. Ngunit paano niya magagawa ito kung nasa ganito siyang kalagayan?

Sa ngayon, nasa alanganin siyang kalagayan. Kakayanin pa kaya niyang mabuhay? 

Hinawakan niya ang isang rosaryo sa tabi niya. Ngayon lang niya nabatid na ito ang unang beses siyang nagdasal mula nang napunta siya dito sa Laguna. 

Isa lang ang kanyang panalangin:

Ilayo Niyo na ako sa ganitong sitwasyon. Hindi ko na kaya. 

The Katipunero and I | PUBLISHED UNDER KPUB PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon