Nagising si Hannah at naramdaman niya ang dextrose sa kaliwang kamay. Nalaman niya na nasa ospital na pala siya.
"Hannah?"
Binaling niya ang tingin sa kanan. Nakaupo sila Mady at Krystal sa sofa. Agad na lumapit si Mady. "Kumusta ka na?"
"Bakit ako nandito?" Tanong niya.
"Nagpatulong ako sa Ate mo na dalhin ka dito. Buti na lang dadalaw sana siya sa atin. Nalaman namin na dehydrated ka pala."
"Ano ka ba naman, sis, di ka pala kumain ng breakfast, tapos isang baso lang ng tubig ininom mo buong araw. Ayan tuloy," galit na tugon ni Krystal sa kanya.
"Sorry na, napabayaan ko sarili ko."
"Kumain ka na. Huwag lang biglaan, hinay-hinay lang." Dinala ni Krystal ang mobile tray sa tabi ni Hannah. May nakapatong na divided plate na may meal set.
Naupo si Hannah at unti-unting kumain. Natigilan siya nang maalala niya ang mga naging tagpo kanina.
"Mady, Ate Krystal, bumalik na ang alaala ko. Nakita ko ulit si Niccolo at nag-usap kami."
Seryoso niyang tinignan ang dalawa.
"Ayoko sana kayong pagdudahan, pero may tinago ba kayo sa akin?"
Binalot ang buong kwarto ng nakakabinging katahimikan. Si Krystal ang unang nagsalita.
"Ang totoo niyan, alam namin ang relasyon ninyo, pati ang pagtutol ng ina ni Nicco."
Ikinuwento na ni Krystal ang mga nangyari bago naaksidente si Hannah. Ayon sa kanyang Ate, masaya ang naging relasyon nila ni Niccolo, kung hindi lang dahil sa pagtutol ng matapobreng ina nito.
"Kinausap ko pa nga ang mommy niya, but all I got was a snide remark," malungkot na tugon ni Krystal. "After the accident, we found out you have Retrograde Amnesia. Nagpasya kami ni Mady na ilihim ito kay Niccolo. Ang sinabi lang namin, kailangan ka na dalhin abroad for treatment. Kailangan ko pa nga siya itaboy, dahil he was already engaged during that time. I told him not to show his face anymore."
"Engaged? Tapos di niya sinabi sa akin? So noong kami pa, he was tied to someone else?"
Nabitawan ni Hannah ang mga kubyertos. Yumuko siya para ikubli ang mga patak ng luha sa kanyang mga mata. Agad na lumapit sila Krystal at Mady at niyakap siya ng mga ito.
"Nagpapasalamat ako na nagising ka pa. Tagal mo kasing tulog. Noong nagkamalay ka na, balita na sa dyaryo na engaged na siya. I hid the newspapers in the hospital, baka 'pag nakita mo, maalala mo." Di na mapigilan ni Krystal ang pagluha.
"Di na namin sinabi noong una. We know how much you're hurting. We want you to remember it by yourself, kung meant to be man," tugon ni Mady habang hinihimas ang buhok ni Hannah.
Bumalik na sa kanya ang lahat. Dama niya ang kasiyahan nang maging sila ni Nicco, pati na rin ang labis na galit at sama ng loob nang makita niya ang ina nito at pinahiya siya habang may party sa kanilang tahanan.
My son is not going to marry an illegitimate daughter like you. You may be rich now, but you're still from dirt. Maldita.
Binuhos na ni Hannah ang mga luhang naipon sa matagal na panahon. Kaya pala siya labis na nalulungkot tuwing umuulan, dahil sa huli nilang pagkikita ni Niccolo at ang aksidente. Ang alam niya, nabangga siya ng reckless drunk driver habang tumatawid. Iyon kasi ang sinabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Katipunero and I | PUBLISHED UNDER KPUB PH
Historical FictionAno ang gagawin mo pag may na-meet ka na time traveling na Katipunero? (Completed-with special chapters) ( Katipunero Duology Book 1) Photo by Maria Luiza Melo on Pexels Book cover by the author Written from October 2013-January 2014