Chapter 10-Ang Habagat

27.2K 1.1K 510
                                    

Nagsimulang magsulat ni Jacinto ng kanyang tala-arawan (diary) para matandaan niya ang lahat ng kanyang mga karanasan sa modernong Pilipinas. Bukod pa diyan, tuwang-tuwa siya sa makabagong estilo ng mga papel, lalo na ang notebook at ballpen na kanyang ginagamit sa pagsusulat. Narito ang ilan sa kanyang mga tala:

#1

(matapos ang isang linggo)

Ngayon ay nandoon pa rin ako sa dormitoryo nila Hannah at Mady. Pero nagsimula na akong magtrabaho sa isang kapihan ("Kopi Shop"-Coffee pala ang tamang baybayin) kasama ang nobyo ni Mady na si Sam. Mabait si Sam at tinulungan niya akong malaman ang lahat tungkol sa trabaho namin-ang maghatid ng mga pastries (tama ang baybayin ko!) sa mga bumili nito. Bukod doon ay kami rin ang naghahatid ng mga kagamitan para sa mga kape atbp. mula sa nagbibigay nito hanggang sa kapihan. Hindi naman nakakapagod, dahil nakasakay kami sa isang sasakyan na "van" na si Sam ang nagmamaneho.

Nagpasalamat ako kay Sam sa mga damit at iba pang kagamitan na pinahiram niya sa akin. Humingi rin ako ng pasensiya sa kadahilanang nanakawan (daw) ako sa bus papuntang Maynila. Balewala lang iyon sa kanya at masaya siyang nakatulong.

Sa makalawa ay doon na ako kay Sam tutuloy. Mabuti at isang kalye lang ang layo mula kina Hannah, kaya madadalaw ko pa rin sila kapag ginusto ko. Mukhang hahanap-hanapin ko ang kakulitan ni Hannah. Nagalit siya sa akin noong isang araw dahil sinita ko siya nang lalabas siya ng bahay at ang kasuotan niya ay "shorts"-isang napaka-iksing pantalon na kita na lahat ng hita niya.

Bakit bigla kong naiisip na kakatuwang tignan si Hannah pag nagagalit siya sa akin?

Kahit anong pilit kong tanggapin ay di ko matanggap na napaka-moderno ng mga dalagang Pilipina. Pero walang sinabi si Hannah sa mga kababaihang nakikita ko sa kapihan. Ano yung ginagawa nila sa selfon nila pag nakatapat sa mga pagmumukha nila at pinipilit maging kaakit-akit?

#2

Hindi natuloy ang paglipat ko kay Sam sa dormitoryo niya. Biglang umulan ng napakalakas at bumaha ang buong paligid. Dahil daw sa habagat, isang biglaang ulan. Maaga na kaming pinauwi ng may-ari ng kapihan dahil sa sama ng panahon.

Bahain pala ang lugar na ito. Buti na lang naka-uwi na si Mady nang maaga. Tinanong ko siya kung anong oras uwi ni Hannah...

---

"Ay naku! Hanggang alas-nueve ang klase ni Hannah ngayon! Panggabi kasi ang klase niya!" nag-aalalang nasambit ni Mady nang tanungin siya ni Emilio tungkol sa kaibigang si Hannah.

"Paano na siya makakauwi at baha ang paligid?" tanong ng binata. Mukhang ayaw pang tumila ng ulan. Sa loob kasi ng isang oras ay baha na ang paligid ng dormitoryo nang sumilip siya sa bintana.

'Siguro magpapatila muna siya ng ulan. Dapat kasi nag-suspend na sila kaagad kung ganito pala magiging panahon ngayon."

"Gaano ba kalayo ang unibersidad na pinapasukan niyo?"

"Malapit lang kaya dito. Pero bahain talaga. Naranasan na namin ni Hannah na matulog sa paaralan at umuwi kinabukasan dahil binaha talaga kami, at imposibleng lakarin mula doon papunta rito," kwento ni Mady. "Uy, nag-aalala siya!" pangiti niyang tukso. Kahit naiilang si Jacinto sa maya't mayang tukso ni Mady sa kanya tungkol kay Hannah ay tinatawanan lang niya ito. 

"Hindi dapat naiiiwan sa labas ang isang dalaga kapag malakas ang ulan," sabi niya. "Pero paano siya makakauwi?"

Tumunog ang cellphone ni Mady at binasa niya ang mensahe. "Si Hannah ito. Sabi niya magpapatila muna siya ng ulan at dun siya magbabalak umuwi. Baka wala nang masyadong baha pag ganon."

The Katipunero and I | PUBLISHED UNDER KPUB PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon