LUNES

4.9K 21 0
                                    

Maagang nagising si Julie para manuod sana ng Day 5 ng game ng NBA. She immediately  got her phone pero nagtaka siya dahil walang text or kahit ano si Elmo sa kanya.

“May kasalanan ka na nga sa akin,ikaw pa walang ganang mag text or tumawag man lang, ang gwapo mo tlaga Elmo” inis na banat ni Julie. Nag try siyang magbukas ng twitter niya at nakita niyang nag tweet na si Elmo.

 

@SuperElmo: Come on Heat!

“Aba, nakapag  tweet na ang mokong pero mag text at tumawag sa akin nakalimutan? Ganyanan tayo dito Elmo?” inis na binagsak ni Julie ang katawan niya sa kama niya.

 

@SuperElmo: I need a duo partner :/

 

“Hay naku Elmo, kaya mo talagang kalimutang may girlfriend ka pag nanonood ka ng NBA na yan.” para siyang baliw na kinakausap ang wallpaper niya.

Seryosong nanonood si Elmo ng game, hindi pa siya nag bre-breakfast o naliligo man lang muna.

“Son, hindi ka yata busy sa phone mo today? Early bird din naman si Sweetie sa twitter ha” nangaasar na banat ni Pia. Nagbrowse si Elmo sa timeline niya at nagtweet na nga si Julie.

@MyJaps: Happy to be the new Acquabella Sweetheart #ThankYouLord

“Yeah, I saw it na.” nakakunot noo na sabi ni Elmo. Nagulat naman si Pia sa reaksyon ni Elmo usually kasi umaga palang magkausap na ang dalawa, sabay nagaalmusal over the phone.

“Moe, may world war 3 ba kayo ni Sweetie?” Binitawan ni Elmo ang phone niya, at nanunuod na ulit ng game. Hindi na nangulit pa si Pia, kasi halata naman na magkaaway na naman ang dalawa, kaya iniwan na lang niya ito.

 

@MyJaps:Sali na adiks, shop the whole day with me, oh until june 18 na lang :) RT @getlaud: Have U uploaded …http://tmi.me/YZabl 

Pagkatweet ni Julie, nagulat siya sa sigaw nagpapa niya kaya sumilip siya sa TV at nakitang niya natalo ang Miami.

“Buti nga sa Miami mo, Elmo.” nakasimangot na sabi nito sabay upo sa sala nila. Although nalulungkot siya dahil natalo ang favorite team nila ni Elmo.

“Anak, natalo ang Miami ni Parekoy hindi mo ba siya itetext or tatawagan man lang? tuwang tuwa na banat ni Tito Jonathan.

“Nanonood din yun Papa, hayaan niyo nga siya sa sobrang busy niya diyan ni wala ngang text o tawag sa akin. pagmamaktol ni Julie.

“Anak, nagaaway na naman ba kayo ni Elmo? May problema na naman ba kayo?” seryosong tanong niya sa anak.

Hindi naman kasi maitatanggi na simula nung umuwi si Julie from LA eh may problema na sila ni Elmo. Minsan magugulat na lang sila na maagang umuuwi si Elmo pag nasa bahay nila ito. Napapansin rin nila na palagi na lang umuuwi si Julie na walang Elmo na kasama.

“Anak, sa tingin ko kailangan na ninyong mag-usap ni Elmo, hindi yung palagi niyo na lang iiwasan yung problema,” agad na niyakap niya si Julie at iniwan niya muna ito.

 

@MyJaps: Mga Kapuso, pwede na ulit bumoto para sa mga paborito niyong teams sa#SundayAllStars. You can vote online or through text. @7sundayallstars

ONE WEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon