It’s already 6am, maagang nagising si Elmo dahil ihahatid pa niya si Julie sa bahay nila. Napangiti ang binata ng pagmulat ng mata niya ay nakita niya si Julie na mahimbing na natutulog sa tabi niya habang nakayakap sakanya.
“Ang sarap namang gumising tuwing umaga pag ganito ang makikita mo.” Mahinang sabi ni Elmo sa sarili sabay yakap sa dalaga.
FLASHBACK
Pagpasok nila ng condo agad na sinalubong ni Puti si Julie. Napangiti naman ang dalaga at agad na binuhat si Puti.
“Hi baby Puti, I missed you agad!” Sabi ni Julie habang yakap yakap at hinahalik halikan ang aso.
“Bat ka ganyan baby Puti? Parang hindi mo naman namiss si daddy, kay Mommy ka agad pumunta.” Sabi ni Elmo habang binababa ang gamit ni Julie sabay pout at upo sa sofa.
“Awww baby Puti, si daddy nagtatampo oh. As if naman hindi kayo magkasama araw araw. Ay oo nga pala busy lagi si daddy.” Pabirong sabi ni Julie na dahilan naman ng lalong pagpout ni Elmo. Natawa naman si Julie at umupo na sa tabi ni Elmo sabay halik ng mabilis sa labi nito. Napangiti naman ng abot tenga si Elmo.
“Oh baby hawakan mo muna si Puti, magbibihis lang ako.”
“Gusto mo sabay tayo?” Sabi ni Elmo habang nakangiti ng nakakaloko.
“Cheee!” Natatawang sabi ni Julie sabay takbo sa kwarto at sinara ang pinto.
“Baby?” Malambing na sabi ni Elmo habang kumakatok sa kwarto.
“Ano?”
“Nakahanda na yung food natin. Let’s eat.”
“Okay, I’m almost done.”
“Sige sunod ka nalang dun.”
***
Pagkatapos nila kumain ng dinner. Bumalik na sila sa sala at nagdecide na manood ng movie.
“Baby parang namiss ko panoorin yung Just One Summer.” Puno ng paglalambing na sabi ni Elmo kay Julie.
“Meron ka bang dvd nun? Parang wala naman ah.”
“Ako pa ba? Tah-dah! Here baby oh.”
“Oh I thought wala ka niyan. Nice baby, go play it na.” Nakangiting sabi ni Julie.
Habang nanonood sila ay di naman napipigilan ni Julie na asarin si Elmo.
“Tignan mo baby oh, yung abs mo dyan tabs pa. Hahaha.”
“Yabang mo baby ah. Ang macho ko na kaya.”
“Weh? Patingin nga.” Nanlolokong sabi ni Julie.
“Mamaya sa kwarto na lang, excited much baby?” Pigil tawang sabi ni Elmo.
“Cheee. Anong mamaya ka dyan? Magtigil ka nga.”
“Ikaw naman oh, I’m just joking. Nood na tayo.” Sabi ni Elmo sabay yakap sa dalaga.
Habang nasa kalagitnaan ng panonood ay napansin nalang ni Elmo na nakatulog na si Julie, kaya pinatay na niya ang tv at binuhat na ang dalaga papunta sa kwarto.
“Goodnight baby. Sleep well, dream of me. I love you.” Sabi ni Elmo sa natutulog na dalaga sabay halik sa noo nito, yakap kay Julie at tuluyan na din siyang nakatulog.
***
Hinalikan niya sa noo si Julie at kumalas na pagkakayap sabay tumayo. Pagkabukas niya ng pinto ng kwarto niya ay nakita niya agad si Puti.