Thursday. Tanghali na nagising si Julie, anong oras na rin kasi siyang hinatid ni Elmo from his condo at pagkagising nito ay nag-ayos na siya agad para sa pagpasok niya sa school.
Julie: Good Morning, Ma!
Marivic: Good Morning anak.
Julie: Si Papa po?
Marivic: Nasa labas may kausap.
Julie: Ha? Sino po? *nagtatakang tanong nito.*
Marivic: Basta, Tignan mo na lang sa labas.
Lumabas naman si Julie para makita kung sino ang kausap ng Papa niya.
Julie: Pa?
Napalingon naman ang papa ni Julie at ang kausap nito.
Julie: Sino po yung kaus—-
Hindi na tuluyang natapos ni Julie ang itatanong niya sa pagkat nakita at nakikilala niya kung sino ang kausap ng papa niya.
Julie: Elmo?!
Elmo: Oh. Hi baby. Goodmorning!
Naglakad naman papunta si Elmo kay Julie para bumeso.
Jonathan: Andiyan ka na pala anak. Sige, maiwan ko na kayo. Ihahatid ko pa ‘tong si Joanna.
Julie: Sige po Pa. Ingat po sa pagdadrive.
Elmo: Bye, Pa. I mean Tito po pala. Hehe. *sabay ngiti sa Papa ni Julie.*
Jonathan: Haha. Okay na yung una mong sinabi anak, wag mo ng bawiin. *sabay tapik sa braso ni Elmo.*
After her dad left, they went inside their house. Julie was still bit surprised when she saw Elmo earlier. Parang kahapon lang, buong araw sila magkasama pero Elmo is there again.
Elmo: Surprise! Surprise! *he smiled widely.*Julie: Ikaw ha, kahapon mo pa ko sinusurprise! *sabay kurot sa ilong ng binata.*
Elmo: Bakit? Is there’s something wrong doing that? Girlfriend naman kita ah? *taas baba ng kilay niya.*
Julie: Whatever, Elmo. If I know, bumabawi ka lang eh. *as she reached out for his hands*
Elmo: Honestly, yes. And I guess, wala naman mali to do this, right?*and he kissed her forehead.*
And Julie just hugged him tight.
Elmo: Bakit parang late ka na yata nagising? *sabay hawak sa kamay ng dalaga.*
Julie: Hmm, yes baby.
Elmo: Why? Hindi naman kita pinagod or pinuyat last night.*hinarap nito si Julie at binigyan ng ngiting nakakaloko.*
Julie: Tsss! Ewan ko sayo. *she slightly slapped his arms.*
Nang makuha na nila ang gamit ni Julie ay nagpaalam na sila sa Mama nito.
Elmo: Tita, una na po kami.
Marivic: Mag-ingat kayo, Elmo.
Julie: Sige po, Mama. Mauna na po kami. *beso sa mama niya.*
Bago pa man sila tuluyang makaalis ay may pahabol pa ang mama nito kay Elmo.
Marivic: Elmo!
Elmo: Po? *nagtatakang tanong nito.*
Marivic: Ikaw na bahala sa anak ko. Papakasalan mo pa yan.*kinindatan nito si Elmo.*
Ngiti na lamang ang nasagot ni Elmo sa Mama ni Julie. Samantalang si Julie naman ay nauna na sasakyan ni Elmo.
*****
Nakarating na ng school si Julie at Elmo. Hinatid siya ni elmo hanggang sa hallway.
Julie: Dito na lang, Moe.
Elmo: You sure?Julie: Yeah. *nakangiting sagot nito.*
Elmo: so I’ll go ahead baby. See you later. *halik sa noo ng dalaga.*
Julie: Okay see you.
Pababa na si Elmo ng hagdan ng bigla siyang tawagan ni Julie.
Julie: BABY!
Lumingon naman si Elmo.
Elmo: Yes, baby?
Julie: Ingat ka. I love you. *sabay ngiti kay Elmo.*
Elmo: I love you too. *sabay flying kiss pa kay Julie.*
Kinikilig na umalis si Elmo sa school ni Julie at ganun din naman si Julie kinikilig na pumasok sa kaniyang classroom.
Lei: Hinatid ka na naman niya noh?
Julie: Haha! Paano mo nalaman?
Lei: Ngiti mo kasi abot langit. Pisngi mo parang kamatis.*natatawang sabi nito.*
Hindi na nakasagot si Julie dahil dumating na ang prof nila.
*****
After class ay lumabas na ng room si Julie at habang pababa siya ng hagdan ay nakita niya si Elmo na paakyat naman.
Julie: Wait. How’d you know my class sched huh? Minemorize mo no? *natatawang sabi nito.*
Elmo: Ofcourse! Ako pa ba, baby? *nagbeso siya kay Julie.*
Kinuha ni Elmo ang mga dalang gamit ni Julie tulad ng laptop nito, habang naglalakad sila sa hallway papuntang gate ay niyakap ni Elmo ang isa niyang kamay sa bewang ng dalaga.
Julie: Elmooooo!
Elmo: What? *nagtatakang tanong nito.*
Julie: Too much PDA? That’s not allowed here.
Elmo: Okay lang yan baby. Uwian niyo na rin naman, and bakit? Ayaw mo ba ng Public Display of Affection? *nakangiting tanong nito.*
Julie: Ayoko. *matigas na sagot nito.*
Elmo: Why baby?
Julie: Kasi gusto ko, private display of affection. *pagkasabi ni Julie nun ay tumakbo ito palabas ng gate.*
Elmo: So that’s what you want huh? I will give it to you baby.*nakakalokong sabi nito kay Julie.*
Hinabol nito si Julie hanggang makarating sila kung saan nakapark ang car ni Elmo.
Elmo: Gotcha! *niyakap niya si Julie from behind.*
Julie: You got me baby! *hinihingal na sabi nito.*
Elmo: I always got you naman baby. You know? *kinindatan niya si Julie.*
Julie: And I always got you too. Parang ganito…
She kissed Elmo on his lips. Nilagay ni Julie ang kaniyang dalawang kamay sa leeg ng binata. Samantalang si Elmo ay isinandal si Julie sa kaniyang kotse. Wala pa sana silang balak tumigil sa kanila ng…
Rolly: Ehem, ehem po.
Biglang naman napahiwalay si Julie kay Elmo nang marinig niya ang driver nito.
Julie: Uhmmm. Hello po, Kuya Rolly.
Rolly: Hi, Mam Julie. Hmm, Sir Elmo ito na po yung pinatake-out niyo sa KFC. *sabay taas ng mga dala niyo.*
Elmo: Ah, sige salamat po Kuya Rolly. Tara na po kina Julie.
Sumakay na sila ng kotse para maihatid na si Julie kailangan kasi nilang makauwi ng maaga kasi may mga sari-sarili silang event for tomorrow.
Elmo: What is your schedule for tomorrow pala baby?
Tanong ni elmo habang hinihimas ang buhok ng dalaga samantalang si Julie naman ay nakayakap kay Elmo.
Julie: Wala naman may event lang ako after lunch. *she looked at Elmo.*
Elmo: Ah okay. *hinalikan niya si Julie sa lips.*
Julie: 1point Magalona. *natatawang sabi nito.*
Nakarating na sila sa bahay nila Julie at hindi na piniling pumasok ni Elmo nagmamadali na rin kasi siya.
Elmo: Baby! Sa condo ka na lang tulog. Please. *pagmamakaawa nito at nagpuppy eyes pa.*
Julie: Haha! Baliw ka ba Elmo?
Elmo: Oo, sayo. Sige na kasi baby. Please.
Julie: Hmmm! Give me a reason. Bakit ako matutulog sa condo mo? Anong gagawin natin? *sabay bulong kay Elmo.*Hindi muna sumagot si Elmo. Umarte pa ito na kunwari ay nagiisip mamaya ay nilapit niya ang bibig niya sa kanang tenga ng dalaga.
Elmo: First, I want to spend my whole night with you and second hmmm…May binulong naman ito kay Julie na ikinagulat niya at napatawa na lang siya.
Julie: Ang adik mo Elmo. Umuwi ka na nga sa condo mo. Landi mo!*tinulak niya si Elmo papunta sa kotse nito.*
Elmo: Joke lang baby. *niyakap niya si Julie.*
Hahalikan na sana ni Elmo si Julie ng biglang…
Julie: Hello, Papa! *kumalas ito agad kay Elmo.*
Jonathan: Hello, anak. *bumeso ito sa anak niya.*
Elmo: Hi po, Tito. *nagmano sa Papa ni Julie.*
Napansin ni Julie na may hawak na bag ang papa niya. At bag pa niya ang dala nito.
Julie: Pa! Bakit dala niyo yung bag ko? *nagtatakang tanong nito.*
Hindi naman sumagot ang papa niya sa tanong nito at mas lalo pa siyang nagtaka kung bakit kay Elmo binigay ng papa niya ang bag nito.
Jonathan: Elmo, behave. Okay? At ikaw din. *turo kay Julie.*Nagtataka pa rin si Julie. Si Elmo at Papa niya lang nagkakaintindihan.
Elmo: Opo, Tito bukas 10:30 am ditto na po kami sa bahay niyo.
Jonathan: Elmo, I trust you.
Ngumiti siya kay Elmo at sabay tingin kay Julie.
Elmo: I know, Tito. Sige po.
Jonathan: Take care of her. *tinapik niya ang braso ni Elmo.*
Pumasok na ang Papa niya sa loob ng bahay nila. Hinila naman ni Elmo si Julie pasakay sa kotse niya na nagtataka pa rin at medyo shocked.
Julie: Where are we going? *nagtataka pa rin na tanong nito.*
Elmo: Di ba sabi mo, you dont like “Public Display of Affection”?
Julie: Yeah, so ano connect?
Hinarap niya si Julie sa kanya at hinalikan ito sa labi.
Elmo: Ano connect? Kasi di ba sabi ko kanina. I will give what you want. *nginitian niya si Julie ng nakakaloko.*
Julie: What do you mean?
Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ng dalaga at sabay sabi ng..
Elmo: Mag-pi-PDA tayo, ”Private Display of Affection”.