Maagang bumangon si Julie para mag-ayos. She didn’t sleep well last night. Kung hindi lang napagod ang mata niya sa kakaiyak, hindi siguro siya makakatulog. She wanted to text Elmo pero pinigilan niya ang sarili.
"This is for you, Julie." sabi niya sa sarili habang nakatitig sa salamin. Nagbuntong-hininga siya at saka na lang lumabas ng kwarto para saluhan ang pamilya niyang mag-almusal.
"Good morning ate!" bati ng dalawang kapatid.
"Good morning." she greeted back trying to flash a smile. Her mom kissed her hair and rubbed her back as if telling her that it was okay. That everything will be okay.
"Kain ka na anak." she said. Tumango naman siya at saka na kumain.
"Ate, ate! Hinatid ka ba kahapon ni Kuya Elmo? Bakit di siya pumasok? Bakit wala akong pasalubong? Bakit di ko siya nakita?" sunud-sunod na tanong ni Jac.
"Jac, ano kasi eh. Tulog ka na nung nakauwi ako. Nakalimutan din namin na bilhan ka ng pasalubong. Next time na lang ha?"
"Daya naman. Di naman nakakalimot si kuya eh." nakapout na sabi ni Jac.
"Jan Christine, eat your breakfast. Malelate na kayo sa school." paalala ng papa nila. Nagpatuloy na sa pagkain ang pamilya nila. Tahimik lang sila na parang nagpapakiramdaman. Pero Julie liked it that way. Atleast naiiwasan pag-usapan si Elmo.
After breakfast ay kinuha na ni Julie ang mga gamit niya and kissed her mom bago siya sumakay ng kotse. Una nilang hinatid ng papa nila sina Joanna at Jac.
"Okay ka na ba?" her dad asked after the long silence.
"I’ll be okay, papa. Don’t worry." she answered and gave him a weak smile.
"Anak, I respect your decision. Alam ko namang pareho kayong nagsasuffer ni Elmo sa sitwasyon niyo ngayon. Pero anak, alam kong kaya niyo yan. I trust you. Alam kong mahal niyo ang isa’t isa.” Her dad said. Naiyak na si Julie pagkarinig sa sinabi ng ama. Her dad. Para itong si Elmo. A man of few words pero kapag nagsalita na, sobrang tagos sa puso. Tumango na lang siya habang pinupunasan ang luha niya. “Tahan na. Baka pumangit ka, di ka balikan ni Parekoy.” Biglang banat ng papa niya. Natawa naman siya ng bahagya at saka nginitian ang papa niya.
“Thanks papa.” Sabi niya. Bago bumaba ng kotse ay hinalikan na niya ang ama sa pisngi at saka na nagpaalam. “Ingat po.”
“Ikaw din.” And Tito Jonathan drove away. Julie went inside her school and acted as if nothing’s wrong.
*****
Elmo was lying all day long on his bed. Wala siyang tulog kakaisip kay Julie. He missed her so much kahit na isang araw pa lang bago nila sabihin na kailangan nilang maghiwalay muna. 24 hours passed but it felt like 24 years. Feeling niya ang tagal-tagal na nilang di nagkikita ng girlfriend.
“I miss her na, Puti. Di ako makapagtext or makatawag kasi feeling ko it won’t help her eh. Feeling ko mas mahihirapan lang siya.” He said. Tinititigan lang naman siya ng alagang aso na para bang naiintindihan siya nito. “Should I text her? Should I call? Nasa school na siya ngayon. Baka nagkaclass pa siya.” Pagpapatuloy niya. “Hay. How is she na kaya? Did she get enough sleep kaya?” kumahol lang naman si Puti sa kanya. “You don’t understand me no? Hay…” he stood up and went to the kitchen to drink water. Habang nakatayo siya sa may bar counter ng condo niya ay naiimagine niya yung mga panahong nasa condo niya si Julie para bisitahin siya or kapag umuuwi sila dun para mag movie marathon. He can’t help but feel happy and sad at the same time. Happy, because Julie felt at home in his condo and sad, because they’re on their separate ways now.